FORTY-TWO
Pinilit akong pakalmahin ni Johanna. Pinilit ko rin naman na pigilan ang luha ko at wag umiyak. Pumunta na kami sa may exit para antayin si Zayn at Pat.
"Johanna... kailan ang alis niyo?"
"First week of June. Actually June 2 to be exact."
"June 2? First day of classes?"
"Yeah... Mamimiss kita Sophie."
"I'll miss you too. Ugh! Nakakainis ka naman eh! Pinapaiyak mo na naman ako!"
"I knew it."
"Huh?"
"You really love my brother, don't you?"
"Ha?"
"Hindi ka iiyak ng ganyan kung hindi mo siya mahal."
"Ano—"
"Sophie naman. Aalis na nga kami, maglolokohan pa ba tayo?"
I looked down.
"Wala namang saysay yung nararamdaman ko para sa kanya eh. Iba yung mahal niya. At yung mahal niya—"
"Bestfriend mo? At magiging komplikado at magulo kung aaminin mo sa kanya ang nararamdaman mo kaya itatago mo na lang?"
"Exactly."
"My god Sophie! So wala kang balak umamin kay Kuya?!"
"Itatago ko na lang 'to Johanna. Kaya ko naman eh."
"Alin ang itatago?" pareho kaming nagulat ni Johanna nung nagsalita si Patricia sa likuran namin.
"K-Kanina ka pa diyan?" tanong ni Johanna.
"Uhm, kadarating ko lang. Narinig ko nag-uusap kayo tapos sabi ni Bes itatago na lang daw niya. Ang alin?"
Dugdug. Dugdug.
Nararamdaman ko na naman yung malakas na kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Sana nga... sana nga... yun lang yung narinig niya... Sana... Sana...
"Itatago ko na lang yung nararamdaman ko kay Ken kasi hindi pa ko handang umamin sa kanya." I answered. Nagulat si Johanna dun sa sinabi ko pero wala naman siyang sinabi.
My god. Mukhang magagawa ko pang panakip-butas si Ken nito.
"Oh. Wow!" Patricia smiled brightly. "That's great! Sabi na nga ba you have feelings for him too eh! I'm so happy for the two of you. Pero kung ako sa'yo, aminin mo na sa kanya ang nararamdaman mo tutal ganun din naman siya sa'yo eh!" I just smiled back.
Maya-maya dumating na din si Zayn. Nagyaya sila na kila Johanna na magdinner pero magpapadeliver na lang kami ng meal sa bahay nila. Dalawang cars yung dinala nila. So dun sa isang car sumakay si Zayn at Patricia while kami naman ni Johanna ang magkasama. I know it should be Johanna and Zayn kasi sila ang magkapatid pero nag-insist si Zayn na sila na lang ni Pat ang magsabay para na rin siguro hindi masayang yung oras habang nandito pa sila.
Nakatulala lang ako sa kotse.
"Sophie... okay ka lang?"
Umiling ako. "No."
"Sinasaktan mo lang ang sarili mo. Masyado kang selfless. Sana kahit minsan maisip mo naman yung kapakanan at kasiyahan mo."
"Hindi rin naman ako sasaya dahil hindi ako ang mahal niya."
"Pero mas okay kung aaminin mo sa kanya ang nararamdaman mo."
"What for? Guguluhin ko lang ang lahat. Mamahalin ko na lang siya ng ganito... ng patago."

KAMU SEDANG MEMBACA
CrushMate [COMPLETED]
Fiksi RemajaThis is a story about Sophia Mae. A young girl who is ready to enter the world of high-school. But is she really ready to face the consequences of being a teenager? Sophia thought she will never fall for love until he came. This is a story of love...