TWENTY-ONE
"Ate? Ano bang mas okay na isuot ko dito?" tanong ko kay Ate habang hawak ko yung dalawang damit na pinagpipilian ko for the Halloween Party.
"Aba. Malay ko sa'yo. Ikaw magsusuot eh sa'kin mo itatanong?"
"Eh, mas magaling ka kasing pumili sa'kin ng damit eh."
"I prefer this one." sabi ni Ate sabay turo sa dress na hawak ko sa left hand. Simple dress lang siya but it's elegant. Ayoko kasing mag-costume ng bongga. Okay na sa'kin ang plain black na dress. Pwede na naman yun pang Halloween diba?
As I said, overnight ang party. Hindi naman ako excited. Kung pwede nga lang wag na lang pumunta eh. Duwag nga kasi ako. Hinatid na kami ni Dad papuntang school. Pagdating ko dun, may nakapaskil sa gate ng school na "Happy Halloween". Tapos nakakatakot pa yung background. Geez. Kinikilabutan ako.
Pagkapasok ko andun na sila Yssa. At take note, naka-costume pa sila Yssa and Toni with matching make-up. Si Yssa nakapang-white lady, si Toni naman nakablack hood yung parang si kamatayan ba? Si Tricia, she's just wearing a plain white dress.
Nagpunta na kami sa may covered court kung saan gaganapin ang party. May mga activities din like watching horror movies, costume contest, and marami pang iba which is really creepy for me. Wala pa nga kong idea kung anong movie yung papanoorin eh. Saka wala naman akong balak manood. Kung pwede nga lang matulog na lang ako eh. Once in a blue moon lang kasi ako manood ng horror movies and si Ate ang madalas kong kasamang manood.
30 minutes to go before mag-start yung party marami na ring nandito including Ken. Naka-costume rin siya. Super nakakatakot yung costume niya kaya hindi ko siya nakilala. Kasali kasi siya sa costume contest. Tinatawanan nga niya ko kasi pag tinatawag niya ko or lumalapit siya sa'kin, tumatakbo ako. Haha.
Nung magsisimula na yung event may isa pang kulang sa section namin. Si inzayn. Nasan na kaya yung lalaking yun? Baka hindi siya pupunta? Nako, sana pala hindi na lang ako nagpunta pwede naman pala ata eh!
"Sophia, sinong hinahanap mo?"
"Huh? Wala naman Yssa. Bakit?"
" Wala naman? Eh halos magkandabali-bali na nga yang leeg mo sa paglinga-linga at halos maging ballerina ka na sa pagtingkayad mo diyan tapos sasabihin mo wala kang hinahanap?" Bakit ba lahat napapansin ng babaeng 'to? Nako. Kung hindi ko lang to best friend eh naupakan ko na 'to. Biro lang.
"Wala nga kong hinahanap. Kulit naman eh."
Nagsimula na yung party. I was bored so umupo na lang ako sa tabi. Siyempre dun naman sa side na may lights. Duh! I'm afraid of dark places.
"Sophia alam mo ba kung aattend si Zayn?" Our adviser asked me. I can see that she's worried.
"Po? Hindi po eh. Bakit naman po ako ang natanong niyo?"
"Wala. Close naman kayo diba? Baka sakali lang alam mo kung makakapunta siya o hindi. Nako baka may emergency na naman na nangyari. Kawawa talaga yung batang yun."
First, hindi kami close. Like duh? Second, pano naman siya naging kawawa? Hindi na nga siya aattend kawawa pa? Kawawa na ba ang tawag sa mga tamad na bata ngayon? And third, ano kayang emergency naman ang mangyayari?
"Ma'am? I don't understand. Pero pano naman po siya naging kawawa?"
"Nako kasi Sophia—" biglang tumunog yung cellphone ni Ma'am. "Oh, excuse me Ms. Santos. I have to answer this call."
"Okay Ma'am."
Masyado na kong naiinip dito kaya nag-decide ako na lumabas ng school. Alam kong hindi ako makakalabas dahil sa mga guards pero malay mo lang naman makalusot ako diba? Nakabukas yung gate... pero malayo pa lang ako parang may iba na kong nakikita...
Zayn?
Si Zayn nga. Pero... may kasama siya.
A girl?
Mukhang ang saya nila. Girlfriend niya kaya yung girl? Ha ha. Pakielam ko ba? Bwisit! Nakakainis! So kaya siya hindi umattend ng party para lang makipaglandian sa tapat ng school?! Hawak pa niya yung bag nung girl! Kaasar talaga!
Nasa gilid lang ako at pinapanood ko sila. Masyadong maingay yung sound system kaya hindi ko sila marinig masyado. Basta nagtatawanan sila at mukhang masayang-masaya pa si Zayn. Nakakaasar lang. Habang pinapanood ko sila biglang napatingin sa'kin si Zayn.
"Sophia?" Oh god no. Nakita niya ko. Napatingin din yung girl sa direction ko and... w-what?
It's Johanna.
Johanna? So? She's Zayn's... girlfriend?
Nung tumayo si Zayn at papalapit sa direction ko, tumakbo kaagad ako sa loob ng campus. Nagpunta ko sa sulok. Sa madilim na lugar. Sa likod ng mga building. At dun... dun ako umiyak.
Ewan ko pero biglang nawala lahat ng takot ko. Takot ko sa multo, sa dilim. Sa lahat. Basta ang alam ko lang... isa lang ang gusto kong gawin ngayon, ang umiyak. Umiyak nang umiyak. Umiyak hanggang sa gumaan yung pakiramdam ko.
Ano ba Sophia? Bakit ka ba naiyak? Dahil ba kay Zayn? Psh. Eh ano naman kung may kasama siya? Pakialam mo ba? Hindi kaya, mahal ko na siya?
Bigla kong naalala yung unang beses na kinabahan ako ng sobra at yung unang beses na kumabog ng sobra yung puso ko para sa lalaking yun. Yun yung araw na kumanta kami. Ang tanga ko para hindi ko malaman na mahal ko na pala yung lalaking yun. This is the very first time na tumibok ng ganun kabilis ang puso ko. At naulit pa yun... ng ilang beses... ng maraming beses... tuwing nandiyan siya... tuwing kasama ko siya...
Kahit kay Ken hindi ko naramdaman yun eh. Bihira ako magka-crush. Pero eto? Crush pa rin ba ang tawag dito? Ewan ko. Naguguluhan na ko. Wala naman akong masyadong alam sa pag-ibig. Basta ang gusto ko lang gawin ngayon ay umiyak. Bakit? Bakit siya pa?
"Pia..." Hinihingal siya. "Kanina pa kita hinahanap eh. Andito ka lang pala. Ikaw talaga. Napagod ako kakatakbo dito sa buong school."
OH NO.
Please Lord, wag.
Wag sana. Guni-guni ko lang 'to diba? Wag sana niya kong makitang umiiyak. Lalo pa't siya ang dahilan. Ayokong malaman niya.
"Uy, ano ba Pia? Teka... akala ko ba takot ka sa dilim? Eh ba't nandito ka? Niloloko mo lang ata ako eh. Teka... umiiyak ka ba?"
Please Lord, alam kong masamang hilingin 'to pero umulan sana. Please Lord, paulanin Mo po. I need to have an excuse para hindi niya malamang umiiyak ako. Ayokong malaman niya. Kahit ngayon lang po Lord. Please.
"Uy Pia ano bang—" hindi na natapos ni Zayn ang sasabihin niya because after that, bumuhos ang ulan. Isang malakas na ulan.
Isa na lang ang nasabi ko pagkatapos nun,
"Thank You po Lord."
Nakisama ang panahon sa nararamdaman ko.

YOU ARE READING
CrushMate [COMPLETED]
Teen FictionThis is a story about Sophia Mae. A young girl who is ready to enter the world of high-school. But is she really ready to face the consequences of being a teenager? Sophia thought she will never fall for love until he came. This is a story of love...