CHAPTER 6
Nilakad ko na lang yung Ave Maria St. Malapit lang naman yun dito eh. Habang naglalakad ako, OMG. Ang laki ng street na 'to and ang lalaki and ang dami ding houses! Pano ko malalaman kung saan dito yung house nila Zayn? Mga 3 minutes na din ako naglalakad ng makarating na ko sa dulo ng Street. Buo na ang pasya ko! Uuwi na nga lang ako. Pagliko ko hindi ko alam na may makakasalubong ako kaya. Tada~ Nagkabungguan kami.
"Ouch!" Ghad. Ang sakit. Sa sobrang strong ng impact napaupo ako. Bwisit naman. Tinulungan naman niya kong tumayo pero hindi ko pa din siya tinitingnan. Pinagpag at inayos ko muna yung uniform ko.
"Tsk. Are you blind or something?!"
"Pangalawang beses mo ng sinabi sa'kin yan ah."
"Z-Zayn??" Tumingin ako sa nakabangga ko at tama nga ako. Si Zayn nga.
Nakamaong siya and naka white and blue na stripes na polo shirt. Sorry I'm not that good in describing. Mukha namang ok siya. Mukhang wala siyang sakit pero parang puyat at pagod siya. Pero cute pa din. What?! I mean pero chaka pa din niya.
"Anong ginagawa mo dito Pia?" Hinahanap ang bahay niyo.
"Uhh. W-Wala. A-Ano k-kasi..."
"Hinahanap mo ba ko?"
"HA?! Hindi ah!"
"Eh ba't andito ka? Diba taga Santa Ana Village ka?" What? Pano niya nalaman? Stalker ba siya? Ang feeler ko na. Haha!
"Ahm... M-May p-pupuntahan lang ako dito. S-Sa b-bahay ng t-tita ko." Nagsinungaling na naman ako. Pero ok na yun. Kesa naman sabihin ko sa kanya na "Zayn! Oo! Hinahanap ko bahay niyo eh! Turo mo nga sa'kin." -__-
"Ah. Ok. Sige una na ko ha. Bye Pia." He waved his hand tapos nilagpasan na niya ko.
"Ah Zayn wait!" Lumingon naman siya sa'kin. "Uhh... W-Wala. Sige bye na!"
Tatanungin ko na sana kung bakit siya absent pero wag na lang. Makapal pa naman mukha nun baka isipin pa nun concern ako sa kanya. No way. Pero kung hindi ako concern sa kanya? Bakit nagpunta ko dito para hanapin ang bahay nila? Wala lang siguro. Napag-tripan ko lang. Sumakay na ko ng taxi tapos umuwi na ko. Pagdating ko sa bahay wala sina mommy at daddy. Mamayang gabi pa yun uuwi from office. Naalis lang naman sila sa work para umuwi at para ihatid sundo ako sa school.
"Sophia Mae Santos! Saan ka naman nanggaling babae ka ha?!" Pagkapasok ko sa gate namin sinalubong na agad ako ng sigaw ni Ate. Ang sakit sa tenga. Nakakabingi. Pero ok lang. Sanay na naman ako.
"Ate! Calm down!"
"Anong calm down calm down ka diyan?! Anong oras na ho?! Magse-seven na! 4:30 ang uwian niyo diba?!"
"Eh kasi gumala kami nila Yssa at Toni. Nilibre ko sila. Nagpunta kami ng mall."
"Hoy! Ako pa ang niloko mo. Kakatawag ko lang kila Yssa at Toni. Sabi nila kanina pa daw silang 6:00 nakauwi. Tinatanong ko sila kung saan ka nagpunta pero ayaw nila sabihin sa'kin at tumatawa lang sila. Sabi pa nila sa'yo ko na lang daw itanong. Saan ka ba talaga nanggaling?!"
"K. Fine. I just went to my classmate's house to see if he's ok. Absent kasi siya since Tuesday. Kaso hindi ko alam yung exact house nila kaya I ended up to nothing. Ano Ate Liane? Ok na?"
"Oh ok. Sa susunod kasi sabihin mo sa'kin yung totoo. Pupunta ka lang pala sa bahay ng crush mo gumawa ka pa ng kwento. Dinamay mo pa mga friends mo."
"Ok. Wait. What?! Hindi ko crush si Zayn noh!"
"Woah. Easy sis! Halatang guilty ka eh! Hahaha!" Sige lang Ate tawanan mo lang ako. As if naman may gusto ako kay Zayn. Dahil alam kong wala na rin namang patutunguhan yung pag-uusap namin ni Ate, umakyat na lang ako sa room ko at natulog. Grabe. Sobrang pagod ko ha. Malayo-layo din yung nalakad ko kanina.
![](https://img.wattpad.com/cover/1804881-288-k120380.jpg)
YOU ARE READING
CrushMate [COMPLETED]
Teen FictionThis is a story about Sophia Mae. A young girl who is ready to enter the world of high-school. But is she really ready to face the consequences of being a teenager? Sophia thought she will never fall for love until he came. This is a story of love...