FIFTY-ONE
This will be the last day na tuturuan namin ni Zayn ang mga first year ng basketball. Last day na 'to kaya for sure gagabihin kami ng uwi. Nagpasabi ako na magtetext na lang ako sa driver or kay Dad kapag magpapasundo na ko.
We did a tournament. Hinati namin sa two groups yung girls pati yung boys. Kung sino yung mananalo sa girls yun ang ilalaban namin sa group na mananalo sa boys. Natutuwa naman kami ni Zayn kasi kahit papano eh naturuan namin at natuto naman sila or maybe si Zayn nga lang talaga ang nakapagturo?
Nagsisimula na yung game. Tapos na kami sa girls. Boys vs boys na. As expected mas mainit yung laro ng boys sa girls. Actually, majority ng boys sa section nila magaling magbasketball. Si Zayn yung nag-score kasi hindi naman ako masyadong marunong dun. Siya din yung nagtitingin kung may fouls ba. Ako naman inaassist ko sila. Nag-aabot ako ng tubig, ng towel. In short, mukha akong alalay. Or alalay talaga to be specific.
Nagpunta ko dun sa may table sa side para kumuha ng mga bottled mineral water para sa kanila.
"Hindi nga! Bakit ba lagi na lang ganyan?! Ewan ko nga sa'yo. Bahala ka." kukuha na sana ko ng tubig nang may marinig ako sa di kalayuan. "Ang arte mo. Bwiset. Ibababa ko na 'to." binaba niya na yung phone niya. Nakabusagot pa yung mukha niya nun. Nagulat pa nga siya nung makita niya ko.
"Ate Sophia? K-Kanina ka pa po diyan?"
Tinuro ko yung cellphone na hawak niya. "No cellphones allowed, Maxene. Hindi pa natin break bakit gumagamit ka na ng phone?"
"Uhm, sorry po. Yung bestfriend ko kasi Ate eh. Tumawag."
"Ahh. Eh ba't mukha atang galit ka?"
"Nagkaron lang po ng away. Hindi naman po ko galit. Nagtatampo lang ako sa kanya. Pero magiging okay din po kami nun."
"Hindi ka galit? Eh ba't ganun mo siya pagsalitaan? Baka damdamin niya yun."
"Minsan po kasi kailangan iparealize ko sa kanya na mali siya. Para sa susunod hindi niya na ulitin yung mga maling ginagawa niya. Minsan po kasi Ate hindi sapat yung sorry niya eh."
"Ano bang kailangan niyang gawin para mapatawad mo siya?"
"Wala. It takes time. Magpapalamig muna ko ng ulo."
Narinig kong tinawag na kami ni Zayn dahil tapos na daw yung boys maglaro. Bumalik na kami dun ni Maxene. Pinagpahinga lang namin sila saglit then nagstart na ang laban ng Boys VS Girls.
It takes time.
It takes time.
It takes time.
Does it really take time? Does that mean that I just have to wait? Mapapatawad din naman siguro ako ni Pat diba? Sana. I really want our friendship back. If I had the power to turn back time, I will fix everything. I'll change my decisions. But because I don't have a time machine, I have no other option but to deal with it.
Nung natapos na yung game, boys yung nanalo. Expected na rin siguro yun. Bukod sa mas matatangkad sila mas magagaling din sila sa mga babae. Pinauna na namin sila magshower dahil nag-ayos at naglinis pa kami ni Zayn dun. Nung tapos na silang magshower at pauwi na sila, saka lang kami nag wash up ni Zayn.
Papunta na sana kami nun sa washing room nung biglang nagsalita si Zayn. Hawak niya yung cellhone niya.
"Uhm Pia mauna na pala ko. Baka hindi na tayo magsabay."
"Bakit?"
"May pupuntahan pa ko."
"Saan?" hindi na niya ko masyadong iniintindi nun at mukhang nagmamadali siya na kinakabahan na ewan.

YOU ARE READING
CrushMate [COMPLETED]
Teen FictionThis is a story about Sophia Mae. A young girl who is ready to enter the world of high-school. But is she really ready to face the consequences of being a teenager? Sophia thought she will never fall for love until he came. This is a story of love...