THIRTY-SIX
Wala akong ginawa nung weekends kundi umiyak, magmukmok, at pilit na aliwin ang sarili ko at kumbinsihin na okay lang ako. But everytime I try... I always fail. Monday na naman ngayon. Ayoko mang dumating ang araw na 'to wala naman akong choice. Umaandar ang oras. Kaya yung mga bagay at mga taong gusto kong iwasan eh di ko alam kung maiiwasan ko nga ba. Masyadong maliit ang school para sa'ming lahat. Well... goodluck na lang sa'kin.
Eto na. Paakyat na ko sa hagdan para pumunta sa room namin. Patagal ng patagal parang pabigat ng pabigat yung paa ko. Eh kung umurong na lang kaya ako? Wag na lang kaya akong tumuloy? Umuwi na lang kaya ako at sabihin na masama ang pakiramdam ko at hindi ako makakapasok? Psh. No. Kaya ko 'to. Magpapakatatag ako. Kaya ko 'to.
Nakarating na ko sa tapat ng room namin. Parang nag-aalangan pa din akong pumasok at kinakabahan ako kaya huminto muna ko saglit. Nang mamalayan ko na nasa likod ko na pala si...
"Oh? Good Morning! Bakit ayaw mo pang pumasok?" Automatic na hindi ko siya nilingon at lumakad ako ng mabilis papunta sa upuan ko. Pero asa namang maiiwasan ko siya eh magkatabi nga kami.
Buong araw hindi ko kinakausap si Zayn. Kinakausap niya ko and sinasagot ko din naman siya lalo na kapag about sa subjects yung mga tanong niya. Pero ang karaniwang sagot ko ay puro one word lang. Nung breaktime dumating ang problema ko. Hindi ko alam kung kanino ako sasama. Kung kila Patricia ba o kila Ken. Pareho akong naiilang kaya mas pinili ko na lang ang kumain mag-isa. Tinanong nga nila kung may problema daw ba ko pero sabi ko wala at inaantok lang ako. Nakayuko lang ako sa table ko pero hindi ako tulog. Pinipilit ko lang talagang umiwas. Isang buwan na lang naman diba? Konti na lang magbabakasyon na. Sana dumating na ang araw na yun. Gusto ko munang makalayo sa kanila.
Nung lunch time ganun din. Mas pinili kong kumain mag-isa. Hindi nga lang sila Patricia ang naninibago sa'kin kundi pati yung mga classmates ko. Paulit-ulit silang nagtatanong kung may problema daw ba at paulit-ulit ko din silang sinasagot ng wala.
After lunch, pumasok sa room yung MAPEH teacher namin. Nagtaka nga kami kasi dapat Science yung subject namin pero wala daw yung teacher namin. Absent daw. Saglit lang din naman si Sir. In-announce lang niya na requirement daw sa clearance namin sa subject niya ang pagkanta. It's our own choice daw kung english or tagalog. Dapat din daw may dala kaming instruments at tumutugtog habang kumakanta. Kawawa naman yung mga classmates ko na walang alam na instrument na tugtugin at hindi kagalingan sa pagkanta.
Medyo naasar nga ako kay Sir dahil magbabakasyon na lang kung ano ano pa pinapagawa para sa'min sa clearance. Saka malayo pa naman yun. Finals muna bago clearance. Pero sabi nga ni Sir baka daw maging busy siya sa mga darating na linggo kaya hanggang maaga magprepare na din kami dahil baka next week nyia na kami pakantahin. Lalo akong nainis. Pero naisip ko na may advantage din 'to sa'kin. Nakaisip na agad ako ng kakantahin.
Paglabas ni Sir since wala kaming teacher eh nagsimula nang mag-usap usap yung mga classmates ko kung ano yung kakantahin nila. Tinatanong nga nila ko kung ano yung kakantahin ko pero sinasabi ko wala pa kong naiisip. Ayoko kasing sabihin dahil dedicated yun for someone yung kakantahin ko at saka para surprise na din?
Pagkauwian umalis agad ako ng school. Gusto ko nang makauwi agad. Buti nga at maaga akong sinundo ni Dad. Si Ken hinahanap ako pero gaya ng ginagawa ko kila Zayn at Patricia, iniiwasan ko siya. Pag-uwi ko humiga agad ako sa kama ko. Wala naman kaming masyadong ginawa pero pakiramdam ko sobrang pagod ako at kailangan ko ng pahinga.
Pagkabihis at pagkakain ko naalala ko na may kailangan pa nga pala kong gawin. Binuksan ko yung laptop ko at sinimulan ko nang i-search yung chords para sa kakantahin ko para mapractice ko na rin. Mas maaga mas okay. Medyo hindi ako nadalian sa chords dahil nga ngayon ko lang tutugtugin yung kanta. Pero dahil fast learner ako at hilig ko talaga ng paggigitara eh natutunan ko rin agad. Konting practice na lang siguro.
Natulog na ko after kong magpractice. Siguro... bukas na lang ulit.
***
Maaga akong nakarating sa room at dala ko na din ang gitara ko. Ngayon na kasi kami kakanta. Si Sir talaga napakadaming arte. Isang linggo ko nang iniiwasan si Zayn. Alam ko na pansin na niya yun pero sigurado naman ako na wala siyang pakialam. Si Patricia di ko na iniiwasan. She's my best friend and ayokong mag-alala pa sila sa'kin. Si Ken naman di ko na din iniiwasan. Uhh... minsan na lang. Medyo naiilang pa din kasi ako sa kanya pagkatapos niyang magtapat sa'kin. Pero pinipilit kong umakto ng normal for the sake of our friendship.
Anyway so ayun na nga. Nagstart nang magtawag si Sir. Bunutan kaya di namin alam kung sino yung mga magpeperform ngayon dahil baka yung iba bukas or the day after tomorrow na makapagperform. Si Patricia na yung tinawag. Fallin' in love ng Six: Part Invention yung kinanta niya. Obviously, alam na ng lahat na para kay Zayn yun. Ewan ko ba pero soulmate nga siguro sila kasi next na natawag si Zayn. Magkasunod sila. Wag niyo nang tanungin kung ano yung kinanta niya dahil love song din yun at obviously din na para sa bestfriend ko yun. Kinantsawan pa nga sila pagkatapos.
"Sophia Mae Santos." Ayan na nabunot na yung pangalan ko. Hindi ko alam kung nagkataon lang ba pero magkakasunod kasi kaming tatlo. Nananadya yata ang tadhana. So ayun nga kinuha ko na yung gitara ko at pumwesto na sa harap. Mas pinili kong umupo.
"Yan inaabangan namin eh. Mala professional kung maggitara at kumanta." Sa sinabi ni Cara nagkantsawan naman yung mga classmates ko. Natawa na lang ako.
Nagstrum na ko ng guitar...
Para sa'yo 'to...
"Nais kong malaman niya nagmamahal ako. Yan lang ang nag-iisang pangarap ko."
Tumingin ako sa kanila. Lahat sila nakatingin sa'kin maliban kay Zayn. Zayn... para sa'yo yung kantang 'to. Sana naman kahit ngayon lang... lingunin mo rin ako...
"Gusto ko mang sabihin. Di ko kayang simulan. Pag nagkita kayo... Pakisabi na lang."
Gustuhin ko man sabihin ang nararamdaman ko... huli na siguro...
"Pakisabi na lang na mahal ko siya di na baling may mahal siyang iba. Pakisabi wag siyang mag-alala di ako umaasa."
Di na rin naman ako umaasa dahil alam kong mahal na mahal niya yung kaibigan ko.
"Alam kong ito'y malabo. Di ko na mababago. Ganun pa man... pakisabi na lang."
Tuloy pa din ako sa pagkanta. Gusto kong ibuhos dito. Para kahit sa kanta man lang... maparating ko sa kanya yung nararamdaman ko. Para kahit sa kanta man lang masabi ko sa lahat na siya yung mahal ko. Yung minamahal ko.
"Sana ay malaman niya masaya na rin ako. Kahit na nasasaktan ang puso ko. Wala na kong maisip na mas madali pang paraan. Pag nagkita kayo... pakisabi na lang. Pakisabi na lang na mahal ko siya di na baling may mahal siyang iba. Pakisabi wag siyang mag-alala di ako umaasa. Alam kong ito'y malabo di ko na mababago. Ganun pa man pakisabi na lang..."
Pagkatapos kong kumanta hindi ko alam kung bakit ang tahimik nilang lahat. Pati si Sir tahimik din. Nakatingin silang lahat sa'kin... pati si Zayn. Hindi ko talaga alam kung bakit iba yung tingin nilang lahat sa'kin. Mali ba yung lyrics ko? Sintunado ba yung gitara ko? Hanggang sa may nagsalita. Si Rico, yung classmate ko.
"Sophia, why are you crying?"
YOU ARE READING
CrushMate [COMPLETED]
Teen FictionThis is a story about Sophia Mae. A young girl who is ready to enter the world of high-school. But is she really ready to face the consequences of being a teenager? Sophia thought she will never fall for love until he came. This is a story of love...