Chapter 23

6.8K 101 16
                                        

TWENTY-THREE


THIS IS RIDICULOUS.

Magkapatid sila!

Sa dinami-dami naman ng pagseselosan ko, si Johanna pa!!! Kapatid pa niya!!!

Holiday Break na namin. More than one month na mula nung nangyari yung party. At hanggang ngayon, hindi ko pa rin sigurado ang nararamdaman ko para sa kanya. Ilang gabi na kong hindi nakakatulog nang dahil sa kanya. Parati ko siyang naiisip. Minsan nga napapanaginipan ko pa eh. Geez. Unexpected ko nadiscover yung feelings ko para sa kanya.

Pero siguro, kung hindi ko sila nakita ni Johanna na magkasama, baka hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam na gusto ko na pala siya. Uhm may advantage na rin siguro yung nagselos ako sa kapatid niya noh?

I looked at the clock on the table beside my bed. It's 2AM. Ano ba naman yan. Mag-1 week na kaming walang pasok at sa halos isang linggo na yun, wala pa kong matinong tulog. Pano na kaya kapag mag-reresume na ang classes? Ano yun? Papasok ako ng puyat at nagsisilakihan ang eyebags? Gross.

***

Pagdilat ko maliwanag na sa bintana. Aba. Nakatulog ako? Pagtingin ko sa clock, 7AM na. Mas okay na 'to kahit 5 hours lang ang tulog ko. Bumangon na ko at inayos yung bed ko then bumaba na ko sa dining area. Dahil Holiday Break, aba siyempre wala ding pasok ang parents ko. I saw my mom and dad cooking together for our breakfast. Aww, ang sweet nila.

"Oh baby girl, andiyan ka na pala. Come sit here at malapit na kaming matapos ng dad mo. Where's your sis?"

"Ugh. Mom, how many times should I tell you that you should stop calling me baby girl! I'm not a baby anymore! Teenager na po ako." I pouted.

Tumawa lang si mommy. "Okay. Fine. Now, my princess, go to your sister's room and wake her up. Dapat magkakasama tayong kumain ng breakfast."

I went upstairs para puntahan si Ate. Nako, ang hirap pa namang gisingin nun! Eh tulog mantika yun eh!

I knocked on her door.

"Ate?"

Nakailang Ate na ko eh hindi pa din binubuksan yung pinto. Ano ba naman yan. Kaya binuksan ko na. Buti hindi naka-lock. Pagkabukas ko... kaya naman pala. Tulog na tulog pa ang kapatid ko. Nakanganga pa! Hahaha. Mapicture-an nga. Kinuha ko yung cellphone ko and itinapat ko sa mukha niya. Hahaha! After mga 3 shots siguro eh ginising ko na siya. Kaso kahit anong sabihin ko eh, ayaw pa ding magising! Ano ba naman 'to.

Yinugyog ko na lang siya. "Ate?"

"qwertyuiop?"

"Huh? Uy, ano ka ba. Gumising ka na nga. Minsan na nga lang tayo makakain ng sabay sabay nila mommy at dad eh."

"zxcvbnm"

"Ano?"

What the hell was she saying?! May lahi bang alien ang Ate ko at kung anu-ano ang sinasabi niya na hindi ko naman maintindihan?! Natawa ako sa sarili ko dahil may naisip akong paraan para magising siya. I leaned closer to her and itinapat ko ang bibig ko sa tenga niya.

"ATE! GUMISING KA NA! INAANTAY KA NA NI KUYA MICHAEL SA LABAS KANINA PA!"

Bigla naman siyang napabagon."What? Nasaan? Wait. Wait. Pakisabi antayin niya ko. Mag-aayos na ko."

Sabi na nga ba eh. Bigla ba namang napaupo si Ate. Binatukan ko siya ng malakas.

"Aray! What was that for?!"

"Kanina pa kaya kita ginigising! Binanggit ko lang pangalan ng boyfriend mo nagising ka na agad!"

"Excuse me? Kaya lang ako nagising kasi itinapat mo yang bibig mo sa tenga ko! Anyways, where's my love?"

CrushMate [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang