NINE
Registration ngayon para sa mga clubs. Kaya wala na naman kaming klase. Astig noh? Lagi kaming walang classes. Si Yssa at Toni nagpa-register sa cheerleading club. Ako at si Patricia sa Glee Club. Mamaya pang afternoon yung audition and register sa Glee Club kaya nandito muna ako sa room. Si Pat baka mamaya pang hapon pumasok. Gusto ko din sanang sumali sa Swimming Team kaso baka hindi ko ma-balance ang time ko kaya sa Glee Club na lang ako sumali. Naglalaro yung classmates ko ngayon ng Spin the Bottle. Konti lang kami dito sa room. Boring na naman. Kaysa matulog ako, sasali na lang ako sa kanila. Kaso pagtayo ko, bigla akong hinawakan ni Zayn sa braso.
"What?"
"Umupo ka."
"Huh? At bakit naman ako uupo?"
"Basta. Gawin mo na lang. Umupo ka sabi kung ayaw mong mapahiya." What the?! Ano na naman bang kalokohan ang sinasabi nito?! Akala ko pa naman nagbago na siya!
"Zayn pwede ba?!" Inialis ko ang braso ko sa kamay niya at lalakad na sana ko kaso... sinandal niya ko sa pader. At sobrang lapit namin sa isa't isa...
"Z-Zayn ano ba?" Pinagtitinginan na kami ng mga classmates namin.
Tinawanan lang niya yung mga classmates ko. "Don't mind us guys, may pinag-uusapan lang kami. Wala tong meaning ah. Pinagtri-tripan ko lang si Sophia." Pagkasabi ni Zayn nun sa mga classmates namin bumalik na ulit sila sa paglalaro.
"Z-Zayn a-ano b-ba. l-lumayo k-ka nga sa'kin." Nakakailang kasi eh. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko.
"Pia, kapag lumayo ako sa'yo... m-makikita n-nila." Sabay iwas ng tingin niya sa'kin. What? Ano daw?
"H-Huh? Ang alin? Hindi kita maintindihan..."
Nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko. Pagkasabi niya ng mga katagang yun. Kinilabutan ako. At may hindi maganda na kong nararamdaman.
"Blood."
What? Blood? Dugo? Anong—wait.. Meaning?
OMG.
OMG!! OMG!!! NO!!!! FIRST TIME KO?!? AT SIYA PA ANG UNANG NAKAKITA?!?
!@#$%^&.
NAKAKAHIYA. GUSTO KO NANG KAININ NG LUPA NGAYON.
NAKAKAHIYA TALAGA!!!
Pakiramdam ko, pulang-pula na ang mukha ko sa hiya. Ikaw ba naman diba? First time mo, isang lalaki ang makakakita. And worse, yung lalaking kinaiinisan mo pa. Asar naman oh. Nakakahiya talaga!!!
"Uhmm... Z-Zayn, p-pwede f-favor? Uhm ano—"
"Hindi pwede."
"What? Sige na please. Ikukuha mo lang naman ako sa clinic eh. Saka eto susi ng locker ko kunin mo yung extra—"
"No. Ayoko Pia! Nakakahiya!"
"Ehhh... sige na... Pleaaase?" Nagpuppy eyes pa ko sa kanya. Kakapalan ko na talaga yung mukha ko tutal nakita na din naman niya.
"Ayoko. Kahit anong gawin mo—ayoko. Nakakahiya kaya Pia." Hala? Pano 'to? Ayaw niya kong ibili ng ANO. Saka ayaw niya kunin yung extra uniform and undies ko.
Nagulat na lang ako ng buhatin ako ni Zayn. Yung parang buhat sa bagong kasal? Basta ganon.
"H-Huy! I-Ibaba mo nga ako! Saan ba tayo pupunta?!"
"Sa clinic. Maigi nang buhat kita at least hindi nila makikita."Pagkasabi niya nun namula yung mukha niya. Alam ko na naiilang siya kasi "Girl Thing" yun eh.

CZYTASZ
CrushMate [COMPLETED]
Dla nastolatkówThis is a story about Sophia Mae. A young girl who is ready to enter the world of high-school. But is she really ready to face the consequences of being a teenager? Sophia thought she will never fall for love until he came. This is a story of love...