TWENTY-SIX
Naglalakad kami ngayong apat papuntang arcade. Nung makarating na kami dun, tuwang-tuwa naman si Sophia. Si Patricia naman nakangiti rin pero sa tuwing nakikita niya na nakatingin ako sa kanya ay umiiwas siya ng tingin at nawawala yung mga ngiti sa mukha niya.
Tiningnan ko si Zayn. Pinapanood niya lang rin yung dalawa. O baka si Patricia lang din ang pinapanood niya? O baka si Sophia? Ewan ko.
"Uy! Ano ba. Ang boboring niyo naman. Halika nga kayong dalawa dito. Sama kayo sa'min bili! Laro tayo!" sabi ni Sophia at lumapit siya sa'min ni Zayn at hinila kami.
"Tsk. Ayoko. Wag mo nga kong hilahin Red Girl."
"Hmp. Sungit. Ang KJ mo naman. Kung ayaw mo edi wag! Tara nga Bes!" hinila ko ni Sophia papunta sa bilihan ng mga token kung saan nandun din si Patricia. Naubusan na kasi sila ng token dahil kanina pa sila naglalaro.
Nilapitan ko si Patricia at tumabi ako sa kanya pero nung nakita ko ni Zayn na katabi si Patricia eh lumapit din siya. Epal. Mauupakan ko 'to eh. Agaw eksena. Paano kami makakapag-usap nito? Kailangan kong mag-isip ng paraan.
Niyaya kami ni Sophia sa area kung saan pag naghulog ka ng token eh may chance kang makakuha ng stuff toy. Naghulog ako ng token at pinilit kong makuha yung isang stuff toy dun. Pero hindi ko nakuha. Second try. Ayaw pa rin. Third try. Ayaw pa rin.
" Bes? Okay lang. Sa iba na lang tayo maglaro. Tara."
"Hindi. Kukunin ko 'to."
"Ang bading naman. Mahilig sa stuff toys." narinig kong bulong ni Zayn. Puta. Ginagalit ba niya ko!? Hindi niya alam pero may pagbibigyan ako nito! Balak ko tong ibigay kay Patricia! Dahil ayoko ng gulo ay nagkunwari na lang ako na wala akong narinig at hindi ko na lang siya pinansin.
"Eh? Kanino mo ba yan ibibigay? Sure naman ako na hindi para sa'yo yan."
"Basta."
Naghulog ako ng pamsampung token at pinilit ko na talagang makuha kaso ayaw talaga. Hinawakan lang ni Sophia ang likod ko at niyayaya na niya kami na mag-try pang maglaro ng iba. Tiningnan ko sila. Si Sophia mukhang malungkot para sa'kin dahil nakaubos ako ng sampung token ng hindi ko man lang nakuha yung laruan. Si Zayn naman mukhang bagot na at inis dahil sa nasayang namin na oras. At si Patricia... blanko. Wala siyang expression. Hindi ko mabasa o malaman kung ano ang nararamdaman at nasa isip niya ngayon.
"Pre, payo lang ha? Kapag ayaw sa'yo. Wag mo na lang pilitin."
Sabi ni Zayn sa'kin. Nag-close fist ako. Nanggigil ako dun. Alam kong wala siyang alam tungkol sa'min ni Patricia at ang ibig niya lang dun sabihin ay yung sa stuff toy pero nainis ako sa sinabi niya. Parang pakiramdam ko double meaning yung sinabi niya. Nagkibit-balikat na lang ako at umalis.
Nagpunta kami sa may basketball. Since malaki yun at pareho silang babae ang maglalaro eh tinulungan na namin sila sa pagshoot. Si Zayn lumapit kay Patricia at ako naman lumapit kay Sophia. Mas malaki ang score na nakuha nila Zayn pero wala akong pakialam. Alam ko namang basketball player siya kaya magaling siyang magbasketball. Pero ang inaalala ko ay si Patricia. Nakakapagselos. Kahit alam kong wala na kong karapatan, nagseselos ako sa kanilang dalawa. Pero di ko na lang pinahalata.
***
"Whoo. Napagod ako. Uwi na tayo?" sabi ni Zayn kay Patricia.
"What?! No! Hindi pa tayo pwedeng umuwi! Hindi pa natin nata-try lahat eh!" sabi ni Sophia habang naka-pout.
"Ano?! Bakit? Hindi pa ba natin nalaro lahat?! Eh halos ikaw nga nagdedecide kung saan tayo maglalaro eh! Tapos kami naman ni Kenneth tiga bili niyo ng token. Wala na kaming pera!"

YOU ARE READING
CrushMate [COMPLETED]
Teen FictionThis is a story about Sophia Mae. A young girl who is ready to enter the world of high-school. But is she really ready to face the consequences of being a teenager? Sophia thought she will never fall for love until he came. This is a story of love...