KABANATA 55

27 3 0
                                    

Kabanata 55

Angela's POV

Mabilis ang mga naging pangyayari.

Si Nazer ang nagasikaso sa burol at libing ni Lola Felicia, yung matandang tinulungan namin na kalaunan ay namatay din. Her full name is Felicia Perez and the girl is Zerril Pianna Perez.

Official ang pagampon ni Lola Felicia kay Zepi, kumpleto sa documento.

Alam ko na na mangyayari iyon kay Lola pero naiyak pa din ako, lalo na nung ngumiti sakin yung kaluluwa ni Lola bago ito nilamon ng liwanag. Napakasakit. Walang talagang tatalo sa lungkot at pighati kung may mawawala. It hurt so much. Kahit nagpaalam man iyan o biglaan, it's still the same. The pain is still the same.

Walang tigil na umiyak si Zepi nung sinabi sa kanya ni Nazer na wala na ang Lola niya. Sobrang lungkot ng bata. Parati siyang nasa tapat ng kabaong ni Lola at umiiyak. Hindi nakakakain ng tama at parati na lang umiiyak. Naging okay lang siya nung isang beses ay kinausap siya ni Nazer. Kumakain na siya sa oras matapos non, pero di pa rin nawawala ang maya't mayang pagiyak. Lalo na nung nilibing si Lola.

Marami ang nakiramay sa libing at burol ni Lola Felicia pero niisa sa mga iyon ay hindi niya kaano ano. Wala talaga siyang pamilya o kamaganak man lang. Nagiisa na lang siya gaya ni Zepi.

Ang sabi ng mga dumalo sa burol, sobrang bait daw ni Lola. Nagpapautang kahit walang wala din siya. Kapag may sobrang pera naman ay nagluluto ng marami at papakainin ang mga bata sa perya. Lahat ng dumalo sa burol, bukang bibig ang kabaitan at magagandang nagawa ni Lola.

Nakakalungkot man dahil wala na siya, pero malaki ang naiambag niya sa mundo gaya ng kabaitan at yun ang pinagpapasalamat ko kay Lola. Because despite of being left by someone she loves so much and despite of being alone, she chose to be good and kind. To help others and guide them.

Yung isang matalik niyang kaibigan ang nagsabi samin ng buhay ni Lola Felicia, si Lola Meng. Sabi niya matagal na silang magkaibigan ni Lola simula nung mga bata pa sila. Nagkaroon daw ng asawa si Lola pero maagang nabyuda at hindi nagkaroon ng anak. Mahal na mahal daw ni Lola Felicia ang asawa kaya hindi na siya nakapagasawang muli. Wala din daw siyang kapatid at matagal ng patay ang mga magulang kaya talagang nagiisa na lang siya. Si Zepi naman ay nakita ni Lolang pagalagala sa isang parke. Sobrang dungis at kumakain malapit sa isang basurahan. Naawa siya kaya inampon na lang niya ito.

Ngayong wala na si Lola Felicia, wala nang magaalaga kay Zepi. Babalik na naman siya sa pagiging palaboy sa parke, na hindi ko papayagan.

Kaya kunausap ko si Nazer na tulungan si Zepi para makahanap ng ibang pamilya na magaalaga sa kanya. Pero nagulat ako sa naging desisyon niya.

"We will not help Zepi to find a family that will shelter her, we don't need to do that. I will adopt her, we will adopt her. She will be part of our family." Eksaktong sabi niya nung kinausap ko siya tungkol dito.

Gusto kong tulungan si Zepi pero hindi ko naisip na kami mismo ang magaampon sa kanya. Lalo pa't malaking tulong na ang naibigay ni Nazer kay Lola Felica. So hearing those words from Nazer, it makes me happy and excited at the same time. Zepi will be part of our family!

Yung mga naiwan naman ni Lola tulad nung shop ay nakapangalan na kay Zepi, pati yung maliit na bahay at lupa malapit sa perya kung saan sila nakatira ay nakapangalan din sa bata. Sa ngayon si Lola Meng muna ang nagaasikaso ng mga naiwan. Ang usapn nila ni Nazer, kukunin lang muli iyon ni Zepi kapag nasa tamang edad na ito at kung gusto ni Zepi.

"The documents are done. It's official now. Zepi is now part of our family." Masayang balita ni Nazer.

Agad akong napangiti at niyakap si Zepi na nakaupo sa tabi ko. She giggled and embrace me more. Nakangiting nakatingin naman ako kay Nazer na sobrang saya din at malawak ang pagkakangiti. I'm so happy!

Limang araw na ang nakalipas mula nung ilibing si Lola Felicia at magdadalawang linggo na si Zepi dito. Simula nung burol hanggang libing ay dito na siya nakatira sa mansion.

Kumpleto kaming apat, nakaupo sa dining table at kumakain. Nasa kabisera si Nazer, nasa kaliwa niya ako habang katabi ko si Zepi nasa kanan naman si Martha.

Yes, Martha. Kasama na namin ngayon si Martha sa hapag, actually nung nakaraan pa. Nakabalik na rin siya sa position niya sa company at nakakapag trabaho na.

Pero balewala na sakin yung presenya ni Martha pagnasa bahay siya dahil nandito na si Zepi. Especially now that she is officially part of our family.

I won't lie, may konti paring takot but it's bearable. Hindi na katulad ng dati.

Martha's still the same. Nawala lang yung mga sariwang sugat nung unang kita ko sa kanya, nameklat na lang yung ibang malalaki. But the spirit is still the same. Nakadikit pa rin sa kanya ang kaluluwa ng Daddy at Mommy ni Nazer. Kaya ginagawa ko ang lahat para hindi mapatingin sa kanya. Their presence make be shiver. It's creepy.

"Are you sure about that Nazer?" Biglang nagsalita si Martha matapos ang ilang segundong pagsasaya namin. Agad nawala ang ngiti sa labi ko. Hindi na yun nakita ni Nazer dahil bumaling na siya agad kay Martha. "Don't get me wrong, it's just that your very young to adopt a child and claim her as your daughter! Your not even married yet!"

Sobrang pagpipigil ko na wag siyang lingunin. Ayokong makita ang disguto sa mukha niya dahil sa pagampon ni Nazer kay Zepi, lalo na ang walang expresyong mukha ng dalawang nakadikit sa kanya. Dahan dahan na lang akong kumalas ng yakap kay Zepi. Sana hindi niya naiintindihan ang sinasabi ni Martha.

But Martha has a point. Nazer is too young to have a daughter and his not married yet. It's just too fast.

But if you really want to help others, theres no age, label or status. It is how kind your heart is. That despite of the lack in everything, you still chose to help others the best that you can.

"What's wrong with that?" Kunot noong tanong ni Nazer. Nabaling sa kanya ang tingin ko. "Zepi is very young too, she's just seven years old and don't have a family. She needs shelter, a guidance and a family that will care and love her and that will be us. We will be her family. Being young is not the issue for this. And besides, I manage every business that Dad left me and will be eventually a CEO of a big company at a very young age so it's not questionable. Age doesn't matter here. It is your will and kind heart to help a poor child despite of everything. Just like Lola Felicia did."

That's right! Just like Lola Felicia did.

Ilang saglit siyang natahimik bago nagsalita na nasa pagkain ang tingin. "Yeah I know. I am not against or anything, I just think that you decide too fast but if that's what you want.." Then she just shrugged and continue eating. Tumingin naman muna si Nazer sakin at ngumiti bago nagpatuloy sa pagkain.

Bumaling ako kay Zepi. Napansin niya nakatingin ako kaya lumingon siya at ngumiti. Showing her two missing teeth in the front, ngumiti din ako pabalik at nirub yung ulo niya.

Sana maging masaya ka dito.. Sana maging sapat kami para sa pagmamahal at pagaalaga na kailangan mo. I will do my very best to take care of you. Nangako ako kay Lola Felicia na aalagaan kita kaya hindi ko siya bibiguain. I will protect you and Nazer. This time, I won't fail. I promise you that.

---------
A/N:

Good morning my fellow readersss!! Please vote and comment😘

Susulutin ko ng magupdate habang wala pa yung module namin😊

Enjoy😚☺

 

An Angel Inlove With The Badboy (AAIWTB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon