KABANATA 21

29 6 0
                                    

Kabanata 21

Angela's POV

"Bye bye Angela. " Paalam ni Leia. Gabi na at nasa may pinto kami ngayon dahil uuwi na siya. Di pala siya dito naninirahan, sinabi niya sakin kanina. "Sabihin mo na lang kay Nazer my loves na umuwi na ako and I Love him. Tsaka yung pinagusapan natin ah!" Paalala niya pa. Tumango naman ako at ngumiti, kumaway naman siya at nilagay ang kamay sa bibig pagtapos ay ngumuso bago tuluyang umalis sakay ng kotse.

Ginaya ko ang ginawa niya, nilagay ko rin sa bibig ko ang kamay ko at ngumuso. Tama ba to? Ay mali ata. Magpapaturo na lang ako kay Leia bukas.

Napagdesisyonan ko na lang na bumalik sa hardin at umupong muli. Binalikan ko yung napagusapan namin ni Leia habang pinagmamasdan ang tahimik at magandang kapaligiran.

Nung umalis si Nazer, nanatili kami ni Leia sa hardin. Nagusap kami tungkol kay Nazer at kay Martha. Ang sabi niya sakin, hindi daw magkasundo ang dalawa at pati ang Daddy ni Nazer ay hindi rin daw kasundo ni Nazer. Kaya may plano siya at sasabihin niya daw sakin bukas. Sabi niya, tutulungan daw namin si Nazer na mapalapit sa pamilya niya.

Dahil ang pamilya daw ang unang magmamahal, uunawa at tatanggap sayo ng buong buo gaya ng sinabi sakin ni Asheal. Sumangayon ako sa gusto niyang mangyari, kahit pa medyo nagaalangan ako. Natatakot ako kay Martha. Ang Daddy naman ni Nazer ay hindi ko pa nakikita. Pero susubukan ko pa rin, kaya bukas daw ay pupunta ulit si Leia dito at sasabihin niya sakin ang una niyang hakbang at sisimulan na rin daw niya akong turuan.

Matapos lang ang ilang minuto ay pumasok na ako sa bahay.

Habang paakyat ako sa taas, nahagip ko si Martha sa may kusina at may hawak na matalim na bagay. Kutsilyo yata ang tawag doon. May kung anong bagay siyang pinaggagamitan doon, di ko lang makita kung ano yun dahil may nakaharang pero kitang kita ko kung paano niya iyon iduroduro ng mabilis at paulit ulit sa harapan niya. Nagsasalita din siya habang ginagawa yun pero di ko marinig dahil sa layo ko.

Nagtagal ng konti ang panonood ko sa kanya. Para kasing kakaiba. At nandon parati ang naramdaman kong bigat.

Pagmalapit siya o kahit makita ko lang siya ay parang may nararamdaman akong kakaiba. Lungkot, takot, panghihinayang at konting galit. Hindi ko alam bakit ko nararamdaman yun pero sigurado akong dahil yun sa kanya. 

Merong ding kung ano ang nakadikit sa kanya. Hindi ko maipaliwanag kung ano. Nakakatakot.

Isinawalng bahala ko na lang yon at dumiretso na lang ako sa taas at pumasok sa kwarto. Umupo ako sa gilid ng kama na tanaw ang hardin.

Pinagmasdan ko ang hardin mula sa bintana. Mula rito ay tanaw ko ang iilang mga tuyong halaman na nagkalat sa paligid at hindi na muling maililigtas pa. Marami ring nagkalat na putol na sanga ng kahoy mula sa iilang puno at ang mga bulaklak na malapit nang magpaalam sa mundo. Kung hindi lang umalis ang Mommy ni Nazer tiyak ako na hindi mangyayari ito.

Sabi ko tawagan niya para sana manumbalik ang ganda ng hardin pero wala raw cellphone don. Imposible!

Sabi ni Asheal halos lahat na ng tao sa mundo ay nakikigaya sa uso kaya lahat ng tao ngayon ay may cellphone maliit man o malaki. Isang lugar lang naman ang alam kong walang cellphone at yun ang kaharian ng Dakilang Lumikha.

"Anong iniisip mo?" Biglang may nagsalita na kung sino mula sa likuran ko. Lumingon ako pero walang tao. Hayss eto na naman siya. "Sa harap mo hihihi.."

"Ang kulit mo talaga! Tama na!" Humarap muli ako sa may hardin at ayun, nakatayo siya sa harap ko.

"Ayoko nga!" Sagot niya. Sobrang kulit talaga!

An Angel Inlove With The Badboy (AAIWTB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon