KABANATA 12

41 4 1
                                    

Kabanata 12: Meet the World

Zyne POV

Ang tanga naman ng babaeng to. Pati pagkain hindi na alam! Sobra bang naalog ang utak niya at nakalimutan na niya?

Pinapanood ko siya habang ginagawa ang sinabi ko. Mukha siyang tanga sa ginagawa niya.

Ginamit niya yung tinidor na pangkain. Natatawa ako habang tinitignan siya. Ang sabi ko, gamitin niya lang na pansalo at hindi pangkain. Hay! Ang tanga talaga!

"Mali naman yang ginagawa mo e. Akin na nga!" Tumayo ako sa upuan at lumapit sa kanya. Pumwesto ako sa likod niya at hinawakan ang dalawang kamay niya. Iginaya ko ito sa paghawak ng spoon at fork. Ipinuwesto ko sa gilid ng leeg niya ang aking ulo. Lilingon sana siya para makita ako ngunit pinigilan ko siya. "Wag kang lilingon." Pigil ko. Unti unti kong ginalaw ang kamay niya at tinuro kung paano kumain ng tama. Kumuha ako ng pagkain gamit ang spoon at sinalo ito ng fork. "Ah!"

"Ha?" Nagtatakang tanong niya.

"Ngumanga ka." Utos ko na sinunod naman niya agad. Tsk! Parang sanggol naman to! At para naman akong nanay na tinuturuan ang anak na kumain! "Ganyan! Tama lang ang bilis at bagal. Hindi rin makalat, hindi gaya ng ginagawa mo." Di muna ako umalis sa likod niya at sinubuan pa siya ng isa bago lumayo. Binitawan ko ang kamay niya at umupo na sa upuan ko. Pinagmasdan ko siya. "Nakuha mo na ba? Sige nga, ikaw ngang magisa." Utos ko. Sumunod naman siya.

Kinuha niya ulit ang spoon at fork na kanina ay binitawan niya kasabay ng pagbitiw ko sa kamay niya. Unti unti niyang ginaya ang itinuro ko sa kanya at nagawa naman niya ito ng tama. Nasalo niya ng tinidor ang pagkain kaya walang natapon at naisubo niya ang pagkain sa bibig niya ng may tamang bilis. "Ayan! Marunong ka na. Ganyan ang tamang pagkain." Humarap siya sakin at binigyan ako ng matamis at malawak na ngiti. Tsk! Ang babaw ng kaligayahan!

Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa matapos siyang kumain. Tumayo agad ako at hinawakan ang kamay niya. "Tara."

"Teka, san tayo pupunta?"

"Mamamasyal. Diba sabi ko sayo, araw araw kitang ipapasyal. Kaya halika na. Tumayo ka na d'yan." At hinila ko na ang kamay niya patayo at palabas ng bahay.

"Nazer! Where are you going?" Dinig ko pang sigaw ni Martha sa kung saan pero di ko na siya pinansin. Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad at paghila kay Angela hanggang sa makalabas kami.

-

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ni Angela pagkababa namin ng sasakyan.

Dinala ko siya sa paborito kong lugar bukod sa bar. Dinala ko siya sa perya.

Madalas kaming pumunta dito ni Mom noong bata ako. Bago siya mamatay, ito yung lagi naming pinupuntahan. Dito kami nagpupunta pag nalulungkot siya at pag nasasaktan kay Dad at sa kabit nito. Pag nakikita ko siyang umiiyak, niyayaya ko na siya sa perya at don kami magsasaya nang sa ganon ay makalimutan niya kahit saglit ang mga problema at sakit na pinagdadaanan niya.

Masaya at maayos ang buhay ko sa piling ni mom. Kuntento na ako na siya lang ang kasama ko. Pero nasira ang lahat ng yon dahil kay Dad at dahil sa kabit niya. Bumalik pa kasi sila!

"Nakakamangha! Ang ganda naman sa lugar na ito. Anong lugar ba ito?" Manghang tanong ni Angela.

"Nasa perya tayo. Tara na, sigurado akong magugustohan mo rito!" At hinila ko na siya sa loob. "Anong gusto mong una nating gawin?" Tanong ko pagpasok sa loob.

An Angel Inlove With The Badboy (AAIWTB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon