KABANATA 63

36 2 0
                                    

Kabanata 63

Nazer's POV

"We can now start our first project with Mr. Cortes. It's all thanks to you Mr. De Villa, you proved yourself to the boards. You have now our full trust." Nakangiting pagbati ni Mr. Salazar na kaedad lang ni Dad. Isa siya sa mga board members at ang may pinaka malaking share sa company sumunod sakin.

Nasa opisina ko kami ngayon. Personal niya akong sinadya dito upang pasalamatan at batiin.

Nung mamatay si Dad, si Mr. Salazar ang namuno sa board. Siya rin ang tumapos sa ibang project ni Dad at nagsilbing temporary CEO kaya hawak niya ngayon ang kalahati sa board members.

Ang pagsuporta niya sakin ay malaking tulong upang pagkatiwalaan din ako ng mga members na sumusnod sa kanya.

"Thank you Mr. Salazar. The project will start next week. I will do my best for this project to be successful. And with the support of the board, I know this project will be a success."

"You already proved yourself when you close the deal with Mr. Cortes. So you have our full support."

Napangiti ako sa sinabi ni Mr. Salazar. Gagawin ko talaga lahat para maging successful ang project na ito. Ito ang unang project ko bilang opisyal na CEO ng kumpanya. Hindi ko sila bibiguin.

"By the way, I'm also here to propose to you my plan for the company's anniversary... "

Saglit lang si Mr. Salazar at umalis din kalaunan matapos niyang ipahayag sakin ang kanyang mungkahi ukol sa nalalapit na anibersaryo ng kumpanya.

Nais niyang isabay din sa gaganaping pagdiriwang ang paganunsyo sakin bilang ganap na CEO ng kumapanya, na sinangayunan ko naman.

Maganda nga rin iyon upang makilala ko ang iba pang partner at investors ng kumpanya at ang iba pang empleyado nito.

Pagalis ni Mr. Salazar ay ginugol ko ang oras sa opisina at pag apruba ng mga pondo para sa project na sisimulan na next week at sa nalalapit na anniversary.

Binubusisi at binabasang mabuti bago pirmahan.

Nagkaroon ako ng mga bagong ideya at kaalaman upang mas mapaunlad pa ang kumpanya sa tulong ng diary ni Dad.

Iyon ang pinagpuyatan kong basahin kagabi, ngunit wala pa ako sa kalahati.

Naglalaman ang diary ng nga mahahalagang okasyon at pangyayari sa buhay ni Dad. Meron din itong mga aral sa mga bagay na kanyang napagdaan lalo na sa pagpapatakbo ng kumpanya. Ang mga tama at maling nagawa niya sa kumpanya ay nakasaad din dito.

Linggohan siya magsulat at binubuod niya ang mga nangyari sa linggong iyon.

Nagtapos pa lang ako sa taong 1992 kung saan nakilala niya si Mom.

Nakikilala ko ang pagkatao ni Dad sa pagbabasa ko ng diary niya. Pagkilala na kaylanman ay hindi ko nagawa nung nabubuhay pa siya.

Nagsisisi ako sa mga panahon na nasayang dahil sa pagiging matigas at sarado ko.

Naging sarado ang isip ko sa katotohanang nagtaksil siya kay Mom at siya ang dahilan ng pagkamatay nito kaya hindi ko siya pinakinggan.

Pero kahit wala na siya, nais ko pa rin siyang makilala sa tulong ng diary niya. Hindi pa naman huli ang lahat.

Nasabi na rin sakin ni Angela kung bakit nasa kwarto ang mga iyon at kung bakit yung libro at diary na lang ang natitirang gamit ni dad.

Hindi ko lubos maisip kung bakit ipapasunog ni Martha lahat. Marahil makakapag paalala iyon sa trahedyang sinapit nila ni dad pero lubos naman yata iyon. Maaari niya namang sabihin sakin nang sa ganon ay ako ang nagtago. Mahahalaga ang mga yon dahil gamit iyon ni Dad.

An Angel Inlove With The Badboy (AAIWTB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon