KABANATA 54

27 3 0
                                    

Kabanata 54

Nazer's POV

Dinala namin sa hospital yung matanda sakay ng ambulansya. Agad siyang dinala sa ER at inasikaso ng mga nurse at doktor.

Naiwan naman samin yung batang bungi sa labas ng ER. Wala pa ring tigil siyang umiiyak habang nakasilip sa pinto ng ER na parang nakikita niya ang nangyayari sa loob kahit na may kurtina naman ito.

Siya yung batang bungi na nagpapabili ng cotton candy samin ni Angela nung minsang nagpunta kami sa perya. Namukhaan ko agad siya nung makita ko siya sa kwarto na iyon. Lalo pa't kitangkita ang dalawa niyang bungi sa harapan sa bawat hagulgul niya.

Maging ang matanda na iniiyikan ng bata at tinulungan namin ni Angela ay namumukhaan ko rin. Siya ang matandang mayari nung shop, ang matandang nagalok sakin nung kwintas na binigay ko kaya Angela at ang matanda na hinahanap ni Angela para makabili ulit ng kaparehang kwintas. Nakakalungkot lang na sa ganitong sitwasyon kami nagkitakitang muli.

At si Angela...

Kaharap ko siya ngayon, nakaupo sa kabilang upuan ng waiting room. Nakayuko at malungkot. Simula nung dumating yung ambulansya ay wala na siyang imik. Nakasunod lang at tahimik na pinagmamasdan ang paligid. She's acting weird that time. All about her is weird.

Dahil don sa ginawa niya, maraming tanong ang pumasok sa isip ko. Bakit niya nilagay yung kamay niya sa noo ng matanda? But maybe she's just checking the old woman's temperature. At yung pagtawag sa kanya nung matanda ng anghel. Hindi ako pwedeng magkamali dahil diretsong nakatingin sa kanya yung matanda habang sinasabi nito na wag muna siyang sunduin. It's really weird. Why would that old woman mistook Angela to an angel? Maybe Angela really has an angelic face? But why Angela got shocked when that old woman called her angel?

"Manong." Napalingon ako sa batang katabi ko nung hatakin niya yung laylayan ng suot kong t-shirt. "Pwede ba akong pumashok sha loob?" Bakas pa rin ang lungkot at pagiyak na tanong niya.

Malungkot akong umiling sa kanya. "You can't. Bawal ang bata sa loob ng ER."

Umiyak na lang ulit siya at hindi na nangulit. Bumalik siya sa dati niyang pwesto, nakadungaw sa pinto ng ER.

Ilang sandali pa ay lumabas na yung doctor na nagasikaso sa matanda may kasama siyang nurse na may hawak na papel. Agad kaming tumayaong tatlo. "Family of the patient?" Bungad nito.

"Here's her granddaughter." Nilahad ko sa harap yung bata.

"How about you two?" Tumingin siya samin ni Angela.

"We are not related to the old woman, but you can tell us what hapen to her."

"Okay, I guess I don't have a choice." Ilang segundo siyang natahimik habang nakatingin sa bata bago tumingin sakin. "She has a cancer. She's been suffering with appendicitis that's why she's feeling a lot of pain in her lower abdomen. After the test we've done to her, we discover that aside from appendicitis she's also suffering with appendix cancer. She has Mucinous adenocarcinoma, a tumor that originate from epithelial tissue inside her appendix. It is complicated because they are located both inside her appendix and we need to get rid if them as soon as possible. But it is dangerous because anytime the appendicitis will burst, it might kill her."

Saglit akong natahimik. Napatingin ako sa batang babae na nasa harap ko at hawak ko ang magkabilang balikat. Hindi na siya umiiyak pero bakas pa rin yung kanyang mga luha, nakatingin din siya sa doctor na parang naintindihan niya ang sinabi nito.

"Anong kailangan gawin para maligtas siya?" Tanong ko kasabay ng unti unting pagaangat ko muli ng tingin sa doctor.

"We need a surgery immediately. I will be honest to you. The surgery is fifty-fifty, we are not sure that the surgery will make the patient safe from death. But you need to take the risk. If we don't do anything right now, the patient will surely die. The family of the patient needs to decide now because any minute her appendicitis will burst and it will cost her fast death. You need to call them now and sign the waver." Inabot sakin nung katabing nurse ang hawak niyang papel. Wala naman ako sa sarili nung inabot ko iyon.

"If you sign the waver, it means that you will accept whatever happens to the patient after the surgery or maybe during the surgery. You will not blame and sue the doctor and the hospital, if proves that they didn't make a mistake during the surgery and they did everything that they can to save the patient." Paliwanag nung nurse at inabot sakin yung ballpen.

"Decide immediately. Every seconds is important to save her life." Tinapik nung doctor ang balikat ko matapos sabihin iyon at umalis na.

"I'm just in the front desk. Sign it and give it back to me there when you made up your mind." Paalam naman nung nurse at nagtungo sa sinasabi niyang front desk.

Wala ako sa sarili nung tinignan ko yung waver at ballpen na inabot sakin ng nurse. Binasa ko iyon pero parang walang pumasok sa utak ko. Bigla nasa desisyon ko ang buhay ng isang tao. Kung mabubuhay ba ito o mamatay.

Ang bigat sa pakiramdam. Parang ayokong magdesisyon. Konsensya ko kung may mangyaring masama kapag pumayag ako sa surgery at ganon din kung hindi ako pumirma dito. Lalo pa't sabi ng doctor na ikamamatay niyang talaga kung walang gagawin.

Panong napunta ako sa sitwasyong ito?

Kung ako pa ang dating ako, sigurado akong hindi ko mararamdaman ito. Walang konsensya at hindi ko pagiisipan ang magiging desisyon lalo pa't hindi ko naman siya kaano ano. Gaya nga ng parati kong sinasabi noon, bahala na!

Pero iba na ako ngayon. Ibang Nazer na ako dahil binago na ako ni Angela. Hindi na parating sarili ko lang ang iniisip ko. May pagpapahalaga na ako sa mg tao sa paligid ko, kilala ko man o hindi.

Nagsquat ako at hinarap yung bata. "Nasan yung mga magulang mo? Kailangan natin sila ngayon dahil ooperahan ang Lola mo."

"Wala na akong mga magulang. Shi Lola lang ang meron ako." Mahinang boses nitong sabi.

"Wala? E tita tito? Nasan sila?"

"Wala rin ako non. Napulot lang ako ni Lola sa kalshada at inalagaan. Wala din shiyang pamilya kaya shabi niya, kami na lang. Bakit manong? Anong nagyayayari sha lola koo?" Umiyak na naman siya.

Wala silang pamilya. They are both orphan decided to choose not to be alone. Wala na akong aasahan kaya kailangan ko nang magdesisyon. We need to save the old woman for this kid. She needs a family and the old woman is her family.

Agad akong pumirma sa waver at binigay sa nurse. Inasikaso naman nila agad yung patient at dinala sa OR.

"I will do my best that I can to save her." Sabi sakin nung doctor bago siya pumasok sa OR kasabay ang ilang nurse at isa pang doctor.

At that moment I prayed for someone I don't know. For the first time in my life I prayed for someone else sake, for her surgery to be successful and for the kid crying in front of me.

Time passed every seconds, minutes and hours. We stay silent and waiting. Nakatulog na yung bata sa kakahintay. Nakaunan siya sa lap ni Angela habang dahan dahang sinusuklay ni Angela ang buhok nito.

Nakatingin lang ako sa mga paa ko. Nagdarasal sa isip ko. Pagdarasal na never kong nagawa, ngayon pa lang.

Napaangat ako ng tingin kay Angela dahil sa narinig kong mahinang paghikbi niya. Nakatingin siya sa batang nasa lap niya na parang awang awa siya dito at walang ring tigil na bumubuhos ang kanyang mga luha. Natutuluan pa yung noo nung bata kaya medyo nagising ito. Kumunot ang noo ko sa pagtataka.

Simula nung makita namin yung matanda hanggang sa maidala namin dito sa hospital, hindi siya umiyak. Kahit pa nakakaawa yung iyak at pagmamakaawa nung bata, hindi siya umiyak. Pero bakit ngayon umiiyak siya?

Naputol lang yung pagtataka ko nung lumabas yung doctor. Agad akong tumayo pero nanatiling nakaupo at umiiyak si Angela. Yung bata naman ay nagtatakang bumangon at tumingin sa paligid.

Nagtama ang mata namin nung doctor. Wala siyang sinabi, tanging malungkot na pagiling lang niya ang natanggap ko.


Akala ko pagdagdasal ako, maggiging okay na lahat. Magiging succesful yung operation at maibabalik sa dati ang buhay ng dalawa. Pero hindi pala. Hindi ako ganon kalakas sa Kanya para pagbigyan ang kaunaunahang hiling ko sa Kanya. Maybe He has a reason, like Angela's always saying. Everything that happens for a reason. He has plans for us, so we need to trust Him.







-----------

A/N:

😅😘☺

An Angel Inlove With The Badboy (AAIWTB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon