KABANATA 35

26 3 0
                                    


Kabanata 35

Nazer POV




"Wag si Nazer!" Umiiyak na sigaw ni Angela. Hirap siyang nakaluhod habang hawak ang kanyang brasong nagdudugo, puno din ng sugat ang buong niyang katawan. May umaagos na dugo mula sa kanyang ulo pababa sa gilid ng pisnge. Sa kalagayan niya ay nahihirapan na siyang gumalaw.

Napatingin ako sa kaliwang balikat ko ng may maramdamang sakit don. May tama ako ng bala don. Bukod don ay may malaking hiwa din ako sa kanang binti. Masakit din ng buong katawan ko, ganon din ang mukha ko. Hindi na rin ako makakilos ng maayos dahil sa bugbog na inabot.

"Wag kang magalala, isusunod din kita." Malumanay na sabi ng tao sa harap ko, nakatutok sa ulo ko ang hawak niyang baril. Hindi ko man makita ang mukha niya, mahihimigan ko naman ang nakakatakot na ngisi sa kanyang labi ng sabihin iyon.

Pakiramdam ko ay kilala ko siya. Kilalang kilala.

Madilim ang buong paligid. Para kaming na sa isang malawak na silid. Nagkalat ang mga marka ng dugo sa kung saan at may tatlong lalaki ang nakahiga sa sahig, pawang naliligo sa sariling mga dugo.

"Wala kang pakinabang!" Bumaling sakin ang misteryosong tao sa harap ko at galit na galit na sabahin yun. "Pareho kayo ng Mommy mong hadlang sa mga plano ko, kaya kailangan mo ng mawala sa landas ko! Kailangan mo ng mamatay!" Sigaw niya kasabay ng pagputok ng baril.

Napapikit na lang ako, hinihintay ang nalalapit na katapusan. Handa na ako sa mangyayari ngayon, handa na akong makasama si Mommy. This is it Mom, makakasama na kita.

Pero wala akong naramdamang sakit, o kahit ano. May narinig lang akong bumagsak sa harap ko kaya napadilat ako.

Hindi tumama sakin ang bala dahil sinalo niya. Sinalo niya ang dapat na papatay sakin. Niligtas niya ako. Sinakripisyo niya ang buhay niya para sakin. Bakit? Bakit Angela? Bakit mo ito ginawa?








"Angela!" Buong lakas kong sigaw. Bigla akong napaupo, hingal na hingal at pinagpapawisan. Nightmare.

May kung anong takot akong naramdaman kahit na alam kong panaginip lang yun. Takot na takot ako. Hindi ko kakayanin kung mangyari nga yon. Wag si Angela.

"Zyne?! Ayos ka lang ba? Anong masakit sayo?" Natatarantang tanong ni Angela. Umupo siya sa tabi ko at pinaghahaplos ang mukha ko. Natigil lang siya ng bigla ko siyang yakapin ng sobrang higpit. Takot na mawala siya. Na baka pagpinakawalan ko siya ay bigla na lang siyang mawawala.

Feeling ko mawawala ka sakin. "No Angela, hindi mo ako iiwan. Please wag mong gagawin yun, hindi ko kaya."

"Ano bang sinasabi mo?" Naguguluhang tanong niya habang yakap ko siya.

Bumitaw ako at hinarap siya. Tinignan ko siya sa mga mata at ganon din siya sakin. "Mangako ka! Angela mangako ka!"

"Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy mo, pero pangako. Nangangako ako." Napangiti ako ng bahaya sa sinabi niya at muli siyang niyakap.

Don ko lang ulit naramdaman ang hilo at bigat ng katawan na panandaliaang nawala. Tuloy ay naibigay ko ang buong bigat ko kay Angela at pareho kaming napahiga.



"Ahm..Zyne?" Maya maya ay sabi ni Angela. Tinapik tapik niya pa yung braso ko na nakayakap sa kanya.

"Hmm?" Tanging nasabi ko na nakapikit pa rin.

"Kasi, di ka pa nagdidinner. Mas lalo ka pang uminit kaya kaylangan mong uminom ng gamot."

"Yeah." Hindi ko pa rin siya pinakawakan. Gumagaan talaga ang pakiramdam ko pag nasa tabi ko siya.

Makalipas ang ilang minuto ay pinakawalan ko rin siya. Baka mahawa pa siya sa sakit ko.

Agad siyang tumayo at may kinuha sa bedside table. Umupo naman ako at pinagmasdan siya. "Ipapainit ko lang ulit kay Manang Sally. " Tumango lang ako.

Nakapikit akong nakaupo habang hinihintay siya. Nakasandal ako sa headboard at bahagyang nakatingala.

Pilit kong inaalala kung nakita ko ba ang mukha ng taong yun sa panaginip ko. Ang taong magtatangka sa buhay ko. Malakas talaga ang kutob ko na kilala ko siya. Na naging parte siya ng buhay ko o patuloy na nakakasama ko.

"Kain ka muna." Napadilat ako sa boses ni Angela. May hawak siyang tray na may maiinit na soup. Nilagay niya yun sa harap ko. "Pagnaubos mo to, inom ka na agad ng gamot." Si Angela ang matatamaan. Siya ang sasalo sa bala na dapat ay para sakin.

"Pwede mo ba akong subuan?"

"Oo naman." Hinawakan niya yung spoon at sumandok ng soup. Nilapit niya yun sa labi niya at inihipan. Buong atensyon naman akong nakamasid sa kanya. Pipigilan ko. Kung magkatotoo man yun, pipigilan ko yung mangyari. Hindi na baleng ako, wag lang si Angela. Hindi ko kakayanin pag pati siya ay mawala sakin.

"Alagaan mo ang sarili mo." Maya maya ay salita niya habang sinusubuan ako. " Wag ka na ulit magkakasakit. Walang magaalaga sayo."

Wala? Bakit wal? Saan siya pupunta?

"Nandyan ka naman ah. Ikaw ang nagaalaga sakin." Sabihin mong oo Angela. Na ikaw ang magaalaga sakin. Gusto kong marinig mismo sa bibig mo.

Pero lumipas ang ilang minuto ay nanatili siyang tahimik. Hindi kinukumpirma ang sinabi ko. Hindi ko narinig sa bibig niya ang gusto kong marinig. Wala.

Tahimik niya lang akong sinubuan hanggang sa maubos ko yung soup. Pagtapos ay pinainom niya ako ng gamot at maraming tubig. Pinabalik niya rin ako sa pagtulog. Nangako siya na babantayan ako hanggang sa gumaling ako. Hindi daw siya aalis sa tabi ko. Pinanghawakan ko yun kaya payapa akong nakatulog muli na hawak ang kamay niya.








Angela POV


Natahimik lang ako sa huling sinabi ni Nazer kanina, di alam ang sasabihin. Ayokong mangako, ayokong umasa siya sa wala gayong alam ko naman na hindi ako maaaring nasa tabi niya habang buhay. Kailangan kong bumalik sa oras na sabihin ng Dakilang Lumikha. Wala akong magagawa don.

"Patawad." Malungkot na sabi ko at hinaplos ang pisnge niya.


Mas mainit siya ngayon kumpara kanina. Hindi bumaba ang lagnat niya kahit konti. Payapa siyang natutulog pero nagaapoy pa rin siya sa init. Hindi maganda ito. Hindi siya pwedeng pumasok bukas na may sakit pa rin.

Kaya ginamit ko ang kapangyarihan ko. Hinaplos ko ang ulo ni Nazer. Gustong gusto na bumuti ang lagay niya. Marahang haplos kasabay ng pagliwanag ng aking palad. Pagkawala ng liwanag ay siya ring pagbaba ng temperatura ni Nazer. Gumana. Wala na siyang sakit.

Panggatlong beses ko na ito sa paggamit ng kapangyarihan ko. Una ay yung pagsilip ko sa hinaharap at pagpapagalaw ko nung panahon na niligtas ko si Nazer. Isa na lang ang natitira. Pagginamit ko yun ay wala na. Basta para kay Nazer, gagawin ko ng buong puso.

Nakangiti akong muling umupo at hinawakan ang kamay ni Nazer. "Mabuti na ang pakiramdam mo kaya wag ka ng magkakasakit ulit. Alagaan mo ang sarili mo Zyne. Wala kang masasandalan kundi ang sarili mo lang. Hindi na rin ako magtatagal dito. Gustuhin ko man, pero kailangan ko ring bumalik. Patawad. Patawad kung hindi ako mananatili habang buhay sa tabi mo. Pero kahit kelan ay hindi ka mawawala sa puso ko. Hindi ka makakalimutan nito dahil mahalaga ka sakin. Sobrang nag papasalamat ako sa Dakilang Lumikha dahil sakin niya binigay ang misyon na ito. Ikaw ang isa sa mga pinaka magandang nangyari sakin Zyne. Tinulungan mo ako sa lahat at hindi ako pinabayaan. Asahan mong ibabalik ko sayo lahat ng ginwa mo sakin. Gagawin ko ang lahat para mailigtas ka. Lahat lahat."











----------

A/N:

Good day everyone. Please vote. Hope you like it. Mhuuwaaa😘

An Angel Inlove With The Badboy (AAIWTB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon