KABANATA 67

20 1 0
                                    

Kabanata 67

Angela's POV





"Argh! Hindi ito ang plano ko! Sinira mo! Sinira n'yo!"


Para siyang bata na nagwawala sa harap namin. Pinaghahagis lahat ng bagay na mahawakan niya at sisigaw ng napakalakas.

Hindi ako nasisindak o natatakot man lang. Hindi ako natatakot sa kanya. Nangyari na to. Alam ko na ito.


Nakatitig lang ako sa kanya at pinagmamasdan siya. Tinitignan kung anong pagkakaiba. Pero wala.



Lahat ay pamilyar.


Pinulot niya ang baril sa lamesa at lumapit sakin. Tinutok niya ito sa sintido ko.


"Pakelamera ka kasi! Kayong dalawa na sampid lang sa pamilyang to!" Galit na galit niyang sigaw. Nanlilisik ang mga matang nakatitig sakin. Mga matang pamilyar ngunit di ko kilala.


Hindi ko siya kilala.


Ang maamo at napakagandang mukha, hindi ko kilala.


Isang araw bigla siyang dumating sa pamilya namin. Pinakilala ni Dad bilang pangalawa naming Mommy. Pakakasalan daw niya at magiging pamilya kami.


Ang sumunod na nangyari ay puro na dugo. Nakahandusay si Dad at naliligo sa sariling dugo. Ang kapatid ko ay nasa kandungan ko at wala nang buhay. Sa harap ko ay ang babaeng nababalutan ng dugo ang buong katawan pwera sa knayang mga mata. Matang nanlilisik at galit na galit. Mga matang gaya ng nakatingin sakin ngayon.


Siya pala.


Siya pala ang babaeng hindi ko kilala noon. Ang ipapalit ni Dad kay Mommy at pumatay sa pamilya ko. Ang pumatay sakin. 

Siya.


Si Martha.



Hindi ko akalain na sa pangalawang beses na pagapak ko sa mundong ito, siya pa rin ang makikita ko at may posibilidad na pumatay muli sakin.



Lumayo siya sakin. Ang baril na nakatutok sa sintido ko ay kanyang pinangkakamot ngayon sa ulo niya. Like a real crazy woman.



"Sabagay, maganda rin naman na nandito kayo nang lumuhod at magmakaawa sakin ang pesteng Nazer na yan! Sobra sobra ang paghihirap ko dahil sa kanya! Makita ko man lang siyang lumuha at magmakaawa sakin." Parang baliw na sabi niya at tumawa nang napakalakas.



Mas humigpit ang yakap sakin ni Zepi dahil sa malademonyo niyang halakhak. Takot na takot sa babaeng kaharap lalo na sa baril nitong hawak.



Tinago ko si Zepi sa likod ko habang nagaalala sa lagay ni mang Raul na nakahandusay di kalayuan sa amin.



Hindi ako natatakot kay Martha at sa kung ano man ang gawin niya sakin. Pero natatakot ako sa kung anong pwede niyang gawin sa dalawang taong kasama ko. Ayoko silang madamay. Ayoko silang mapahamak lalo na si Zepi. Hindi dapat sila nandito. Hindi sila kasali rito.



At kay Nazer. Natatakot ako para sa kanya. Natatakot na baka pumunta siya dito at iligtas kami. Hindi. Hindi niya dapat malaman na hawak kami ni Martha. Hindi niya dapat malaman kung nasaan kami. Manganganib ang buhay niya.


"Patawarin mo ako ate. Hindi ko nasabi sayo agad. Patawarin mo ko." Umiiyak na sabi ng katabi ko. Ang kapatid ko. Si Strawberry.


Kaya pala.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

An Angel Inlove With The Badboy (AAIWTB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon