KABANATA 19

42 6 0
                                    

Kabanata 19

"Ba't tulala ka na naman dyan?" Tanong ko kay Angela. Simula kasi nung gumising siya kanina, lagi na lang siyang nakatulala. Tapos tatawa at magsasalita na lang magisa. Para nga siyang nabaliw e. Nakakatakot.

"Hoy! Ano ba?!" Niyugyog ko siya. "Uuwi na nga tayo, tumayo ka na nga dyan!!" Sumunod naman siya at walang imik na lumabas ng room. Nabaliw na nga. Naiiling na lang akong sumunod sa kanya dala yung mga gamit namin.

Lapitin ba talaga ako ng nga baliw na tao? Dati si Leia tapos ngayon naman ito? Magsasama pa sila mamaya! Pano na ako? Mababaliw din ako sa mga to!

Hindi ko nga alam bakit pinagtatyagaan ko sila e, lalo na si Angela. As in nakakaya ko pang intindihin yung kalagayan ni Angela, na bago sakin. Madali kasi akong mainis at madali rin maubos yung pasensya ko. Basta gusto ko, madali kong nakukuha. Walang kahiraphirap at di ko na kailangang maghintay. Tumungtong ako sa edad na to, na ganon ang paniniwala. What Nazer wants, Nazer gets. Di rin ako marunong umunawa at magtyaga. Pero ang pinagtataka ko pag kay Angela na, nagiiba na lahat. Lumalabas yung good side ko na di ko akalaing meron pala ako.

Tulad kagabi. Natiis ko yung amoy niyang hindi maganda dahil nga sa alak na ininom niya. Kung hindi siya si Angela, malamang itutulak ko na lang siya at hahayaang malaglag sa kama. Tsaka yung pagutot niya sa mukha ko, siya pa lang ang nakakagawa sakin non. Kung ibang tao yun, nasapak ko na. Tapos maaga akong nagising kanina kasi parang may basa sa dibdib ko at ayun si Angela, nakaunan sa dibdib ko at naglalaway na. Pero tulad ng mga nauna, pinalampas ko yun dahil nga sa good side ako. Ewan ko, pero para sakin good side ko na yun. Nagiiba talaga ako pag dating kay Angela. In my twenty one years of existences on earth, ngayon ko lang naranasan na magcare sa ibang tao. At ayoko ng feeling.

Siguro kaya ako ganito ay dahil iniisip ko na di rin naman siya magtatagal sa buhay ko at pagnaalala na niya lahat aalis din siya. Kaya atleast maipakita ko sa kanya yung good side ko at tatratuhin siya ng maayos. Tutal maganda naman siya. Well kahit di ko naman pilitin, nagkukusa e.

Tulala pa rin siya hanggang sa makasakay at umandar yung kotse. Ganito ba to pagnakainom? Tsk. Kasalanan niya rin naman e, magdusa siya! Bahala siya dyan! Ayaw niya akong kausap? Pwes ako rin!

Pinabayaan ko lang siya. Inisip ko na lang na wala akong kasama tutal di ko naman siya maramdaman. Para lang siyang manika na nakaupo sa front seat ng kotse ko. Kahit ang paghinga niya ay hindi ko ramdam. Hanggang sa makarating kami sa bahay.

Paggarahe ko bumaba agad ako para sana buhatin na lang si Angela. Sa sobrang tulala niya kasi nakatulog na siya. May hangover pa yata.

Inuna ko munang kuhain yung mga gamit namin sa compartment. Iikot na sana ako para kunin si Angela pero may pumigil sakin.

"Nazer my loves!!!" Sigaw pa lang alam ko na.

Payakap na tumalon si Leia sakin, buti na lang at malaki ang katawan ko at magaan lang siya kaya di kami natumba. Isa pang baliw. Magkakasundo sila ni Angela.

Nakasuot siya ng oversized white long sleeve na tinernohan niya ng mahabang palda at rubber shoes. At syempre, hindi mawawala ang makapal niyang eye glasses at walang suklay na buhok.

Teka, parang ganyan din yung suot niya nung huli kaming magkita ah, wala na ba siyang ibang damit? Tsk. Losyang talaga kahit kelan.

"I miss you Nazer my loves! " Humalik pa sa pisnge ko. "Kanina pa ako naghihitay dito, pinapapasok nga ako ni Tita Martha pero di ko tinanggap kasi alam ko na magagagalit ka. Naiintindihan ko naman sa over protective ka sakin dahil mahal mo ko----"

An Angel Inlove With The Badboy (AAIWTB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon