KABANATA 41

20 4 0
                                    

Kabanata 41


Angela's POV



Malungkot kong pinagmasdan ang likod ni Nazer palayo sakin. Walang imik siyang tumayo matapos sabihin na hayaan ko at wag pigilan ang nararmdaman namin sa isa't isa.

Ang hirap para sakin na makita siyang naguguluhan. Na halos magmakaawa na ipaintindi ko sa kanya ang mga dahilan ko na hindi ko pwedeng sabihin sa kanya.

Gustuhin ko mang hayaan ang lahat, di maari. Mabibigo ako sa misyon ko at susuwayin ang Dakilang Lumikha pag ginawa ko yun.

"Bakit mo nga ba pinipigilan?" Nagulat ako ng marinig ang boses ni Strawberry. Nakaupo na siya ngayon sa tabi ko. "Bakit di mo hayaan?"

Saglit akong nagisip bago nakuha ang tanong niya. "Kasi hindi pwede. Hindi tama."

"Kanina ko pa naririnig sayo yan! At sa totoo lang, hindi nyan sinasagot ang tanong ko."

Napayuko ako sa kawalan ng masabi. Paano ko ba ipapaliwanag? Ang hirap naman nito!  "Basta hindi pwede! Mali to!"

"Wala namang mali kung magkagusto ka e! Walang mali sa taong nagkakagusto. Ginagawa mo lang kumplikado ang lahat."

Yun na nga Strawberry. Walang mali sa taong nagkakagusto pero hindi sa isang anghel.

"Mas magiging kumplikado kung ipagpapatuloy ko pa. Kaya hanggat maaga pa, pipigilan ko na."

"Hindi ko talaga naiintindihan pero sige! Sabihin na nating mali nga, na magiging kumplikado paglumalim pa. E ang tanong, mapipigil mo ba? Mapipigilan mo ba ang nararamdaman mo sa kanya? Kaya mo ba?"

Mas lalo akong napayuko at hindi nakasagot. Questioning my self a hundred times with the same question. Kaya ko ba?












Lumipas ang ilang linggo, hindi na namin napagusapan pa ang nangyari sa gabing iyon. Hinayaan ko na lang rin dahil hindi ko pa alam kung pano ipapaliwanag sa kanya.

Nagiba ang paraan ni Nazer ng pakikitungo sakin, malayong malayo sa dati. Casual siyang makitungo sakin at tinuturing niya akong stranger. Na parang wala akong alam sa pagkatao niya at sa mga pinagdaanan niya.

Awkward ang lahat sakin. Kinakausap niya lang ako pag may itatanong siya. Tapos, tapos na! At kapag ako naman ang nagtatanong, sinasagot niya ng maikli. Tinatapos agad ang usapan.

Pag nasa kotse naman kami papunta at pauwi galing school, tahimik kami parati. Siya nag dadrive, ako nakatingin lang sa bintana na parang may mga sariling mundo.

Kahit sa practice ay ganon pa rin siya. Binabati niya ng nakangiti si Leia, sumasagot pag tinatawag, seryosong nakikinig pag may nagsasalita sa harapan, tumatawa pag may nakakatawa na parang walang nangyari. Na parang wala kaming inamin sa isa't isa.

Ako lang yata. Ako lang ang nakakaramdaman ng pagkailang at lungkot. Lungkot dahil hindi pwede kahit na gusto ko. Kahit na gusto ko lahat ng inamin niya sakin, di ko magawang maging masaya ng tuluyan. Dahil alam kong mali.

Alam ko, ako ang may kasalanan kaya wala akong karapatan na magdemand pero nalulungkot talaga ako. Kung sana pwede lang..



Hanggang sa dumating ang big day that we all waiting for, the important day of all students–like me. Our graduation day.

Si Ate Tanya ang dumalo sa graduation namin ni Nazer kasama ang asawa at dalawa niyang anak na babae at lalaki. 

Mula sa upuan ko ay kita kong lumuluha si Ate Tanya habang nakatingin kay Nazer sa stage at pumapalakpak. Kahit ako ay napaluha rin dahil sa wakas ay nakuha na niya ang patunay sa lahat ng paghihirap niya.

An Angel Inlove With The Badboy (AAIWTB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon