KABANATA 56

37 2 0
                                    

Kabanata 56

Angela's POV

"Where do you want to eat?" Tanong ko kay Zepi habang naglalakad kami sa loob ng isang mall.

"Mang Inashal! I want halo-halo po!" Buong ngiting sabi niya, revealing her two little teeth in front. Nagkakatubo na.

Months had pass after the official adopting of Zepi. Naging mas busy si Nazer sa office sa mga buwan na iyon. Ganon din si Martha at pinagpapasalamat ko yun.

Parehas silang maagang umaalis sa bahay at madaling araw na kung umuuwi kaya pereho namin silang hindi nakakasama ni Zepi sa umagahan at hapunan. Tulog na rin kami pagdumadating sila, kaya halos hindi na namin sila nakikita.

Napaliwanagan naman ako ni Nazer kaya naiintindihan ko. Sabi niya, may kinoclose daw silang deal sa isang ring malaking company at kapag nakuha niya ito, official na siyang matatanggap at pagkakatiwalaan ng board. Kaya okay lang sakin kahit na halos hindi na namin siya nakakasama ni Zepi. Lalo pa't nangako siya samin na mamamasyal kaming tatlo sa oras na maclose yung deal.

Siguro di lang ako sanay na wala si Nazer parati sa tabi ko, kaya nandon yung lungkot. Lungkot na napupuna ni Zepi kahit papaano. Kaya thankful ako na nandito si Zepi.

Sa mga buwan na ding iyon, parati kaming namamasyal ni Zepi. Tulad ngayon na nasa isang mall kami. Dito namin inubos ng oras namin. Pagtapos ko siyang ienroll sa kindergarten dumiretso na kami dito.

Nagarcade kami at namasyal sa loob. Nagshop din kami ng mga kakalilanganin ni Zepi sa school at konting damit. Ngayon ay gabi na, dito na rin kami magdidinner dahil sigurado akong wala pa si Nazer sa bahay.

"Dalawang inihaw with unli rice at two halo-halo and one letcheflan." Order ko nung makalapit yung waiter.

"Okay po Mam." Nagbigay siya ng number bago umalis.

Bumaling ako kay Zepi na naghahalungkat sa paper bag na may lamang school supplies. Para siyang excited habang tumitingin sa laman non. "Are you excited?"

Binitawan niya yung paper bag at nakangiting tumingin sakin. "Opo ate. Gushtong gushto ko pong magaral dati pa." Di na talaga magbabago ang kaartehan niya sa pagbanggit ng s.

"Mangyayari na. Next week na ang pasukan n'yo. Ako maghahatid at susundo sayo."

"Shalamat po ate. Shalamat po sa inyo ni kuya Nazer." Di ko na siya nasagot dahil dumating na yung order namin kaya ngumiti na lang ako, at nagsimula kaming kamain.

Zepi called Nazer kuya even though in the documents, Zepi is Nazer's daughter. She said, she's not comfotable calling Nazer daddy. And Nazer is okay with anything she wants to call him.

Nakatulog si Zepi sa backseat habang nagdadrive ako gamit ang dating kotse ni Nazer. Yes, I'm driving. Kumuha ako ng drivings lesson at naipasa ko ito. Ayaw ni Nazer pero wala siyang nagawa.

Gusto kong matutong magdrive para makaalis ako at makapasyal kahit wala si Nazer o driver. Gusto kong matuto at gawin ng sarili ko lang.

Pagkarating sa mansion, binuhat ko si Zepi at inakyat sa kwarto niya. Madalas sa kwarto rin ni Zepi ako natutulog lalo dahil madalas ay madaling araw na nakakauwi si Nazer at ayokong matulog don ng wala siya.

Yes, sa iisang kwarto na kami natutulog at si Zepi na sa dati kong kwarto.

Matapos kong masiguro na komportable si Zepi, pumunta na ako sa kwarto namin ni Nazer para magready na sa pagtulog dahil napagdesisyonan ko na tatabi ako kay Zepi ngayon.

An Angel Inlove With The Badboy (AAIWTB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon