KABANATA 58

29 3 0
                                    

Kabanata 58

Angela's POV

"Mang Raul, pa linis naman po ng kotse ko. Napadaan po kasi ako sa matubig." Tawag ko kay Mang Raul pagtapos kong magpark sa garahe. Inabot ko sa kanya yung susi.

Kinuha naman ni Mang Raul yung susi sa kamay ko. "Sige po Mam Angela. Kailangan n'yo po ba mamaya?"

"Mang Raul naman, wag n'yo na po akong tawaging Mam. Angela na lang po. Di ho ako komportable."

"Sorry po Mam.. ay este Angela pala. Nakasanayan lang po."

"Wag n'yo na rin po akong pinopo, kayo naman po ang mas matanda sakin. Sige na Mang Raul, kailangan ko pa po yan mamaya. Susunduin ko si Zepi."

"Sige Angela."

"Yun! Sige po!" Kumaway ako at tuluyan ng pumasok sa mansion.

A week had passed at tatlong araw nang wala si Nazer sa mansion. Nasa ibang bansa na siya para sa deal na tinatrabaho niya, kasama niya doon si Ate Tanya. Hinatid namin sila ni Zepi sa airport. Nangako ulit si Nazer na mamamasyal kami sa ibang bansa bago siya nagpaalam.

Kahit wala siya sa mansion ay parang kasama din namin siya. Di niya kasi nakakalimutang makipag video call at text sakin. Apat hanggang limang beses siya nangangamusta araw araw.

Minsan pagdi siya busy ay umaabot sa dalawang oras ang usapan namin. Nagsasabihan ng mga ginawa sa araw na iyon at kung gaano na namin namimiss ang isa't isa

Nagsesend din siya sakin ng picture ng nga lugar na napupuntahan niya sa Singapore. Wishing I was there with him.

Pumapasok na rin sa school si Zepi. Hinatid ko siya sa first day of school niya gaya ng pangako ko, ako rin ang nagsundo. Gaya ngayon. Kauuwi ko lang galing sa paghatid kay Zepi.

Walang tao sa mansion kundi ako at mga nagtatrabaho sa mansion.

Wala rin si Martha dahil parati siyang maagang umalis at late na umuwi gaya ng dati. Hindi namin siya nakakasabay ni Zepi sa almusal at hapunan and it's very okay with me because honestly, I don't know how to treat her without Nazer beside me.

"Ano pong lulutuin natin ngayon Manang Sally?" Bungad ko kay Manang Sally. Pagtapos sa garahe, sa kusina ako dumiretso.

Wala kasi akong pinagkakaabalahan tuwing umaga pagtapos kong ihatid si Zepi kaya nagpapaturo na lang ako kay Manang Sally at Melie sa pagluluto ng mga pagkain. Si Manang Sally ang nagtuturo sakin magluto ng mga ulam tuwing umaga habang si Melie naman ang nagtuturo sakin magluto ng mga snack tuwing hapon. Gusto ko kasing ipagluto si Nazer pagbalik niya at si Zepi paguwi niya galing school.

Kahapon tinuruan ako ni Manang Sally magluto ng adobo. Pagbake naman ng cookies ang tinuro sakin ni Melie.

"Sinigang ang lulutuin natin ngayon. Sinigang na baboy. Hiwain muna ang mga rekados." Turo niya sa mga sangkap na nakakalat sa lamesa.

Sinunod ko ang sinabi ni Manang. Tinuro na niya kahapon ang tamang paraan ng paghawak ngkutsilyo at pahiwa ng mga sangkap kaya ngayon alam ko na. Binalatan at hiniwa ko ang dapat hiwain habang ang mga talbos naman ay inayos ko na din. Tinanggal ko ang mga dahon sa sanga nito.

Si Manang ang naghiwa ng baboy habang hinihiwa ko yung mga rekados, tinuro niya sakin ang tamang laki na nararapat sa aming lulutuin. Pinakuluan na niya ito pagkatapos.

"Oorasan mo ang pagpapakulo ng baboy, ito ay depende sa parte ng baboy na iyong gamit. Kung laman inaabot ito ng 20 to 40 minutes, kung buto naman ay 30 to 50 minutes. Palagi mong tatandaan na dapat sakto lang ang lambot ng karne, hindi pwedeng masyadong malambot at mas lalong hindi pwede ang matigas. Kailangan mo itong bantayan at orasan ng tama. Hindi ka dapat maging pabaya sa kahit anong potahe na lulutuin mo." Tumango tango ako.

An Angel Inlove With The Badboy (AAIWTB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon