KABANATA 2

70 6 0
                                    

Kabanata 2: Meet the Angel

Nazer POV

"Puta! Ano to!? Na nanaginip ba ako!?" Di makapaniwalang tanong ko sa sarili habang nagpapabalik balik ng lakad malapit sa katawan ng babae. "Paano nangyaring hindi siya duguan!? Walang sugat? Imposible!"

Lumapit ako sa babaeng nabangga ko, tinignan ko yung pulso niya kung humihinga pa ba at Oo, buhay sa siya. Paano nangyare yon? 

Takte!! Kitang kita ng mga mata ko na natamaan ko siya! Paano nangyareng buhay pa siya?! Wala man lang siyang sugat? Ba't walang dugo?! Tangina nababaliw na yata ako!

Lumayo muli ako sa babae. Tumayo lang ako sa gilid niya at tulalang pinagmasdan siya. Anong gagawin ko sa katawan nito? Ilibing ko na ba? Ay hindi, buhay pa pala.

Tinignan ko ulit yung mukha niya. Ang ganda niya.. Saan galing ang babaeng to at ngayon ko lang nakita? Unti unting bumaba ang mga mata ko mula sa mukha niya, sa leeg at sa.. Hindi kasing laki ng kay Haley pero okay na din. Solb na di-- erase!! Hayyst! Ano ba kasing gagawin ko sa babaeng to?

Dadalhin ko ba to sa hospital? Buhay naman e! Mukha naman siyang okay. Tumatalbog naman ng bahagya ang dibdib niya sa bawat hinga niya kaya sure na okay. Tsaka wala naman yata siyang galos dahil walang dugo! Wag na! 

Pero paano kung may internal fractures or head injuries? Hayyst! Bahala na nga!

Dahan dahan kong binuhat yung babae at sinakay sa sasakyan ko. Dadalhin ko na lang siya sa hospital tapos babayaran yung bills niya at iiwan ko na lang siya doon.

Pinaandar ko yung kotse ko ng tama lang ang bilis. Nadala na ako at baka makabangga ulit ako.

Dinala ko siya sa pinaka malapit na private hospital. Buhat buhat ko siya nung pumasok ako sa hospital, inasikaso agad kami ng mga nurse at hiniga agad siya sa stretcher.

Dinala siya sa emergency room at may lumapit agad na doctor para tignan yung kalagayan niya. Tinanong lang ako kung anong nagyari at sinabi ko yung totoo na nabangga ko siya. Pag tapos non ay pinaupo lang ako sa bench sa gilid at hinintay yung paglabas nung doctor.

"Family of the patient?" Agad akong tumayo nung nag salita yung doctor na lalaki.

"Ah doc, I don't have any relationship with her." Sagot ko nung nakaharap na ako sa kanya. "I just brought her here."

"I need at least one member of her family." Tanginang yan! Ba't hindi na lang niya sabihin yung lagay nung babae!!!? Ang daming alam!

"Doc, di ko kilala yung pamilya niyan! Nabangga ko nga diba!" Napataas yung boses ko dahil sa iritasyon. Medyo nagulat siya sa ginawa ko, dahil siguro akala niya ay gagalangin ko siya dahil mas matanda siya sakin at doktor siya. But he was mistaken. Tatay ko nga hindi ko ginagalang siya pa kaya!? "Puwede bang sabihin mo na lang kung anong lagay niya!?"

Saglit siyang tumahimik at bumuga ng malalim na hininga bago ako sinagot. "Wala naman kaming nakitang major or minor injury sa kanya. Hindi rin siya nagpapakita ng any signs of comatose. Kaylangan muna natin siyang hintayin na magising para malaman natin kung may naging epekto ba sa brain niya yung nangyaring aksidente. "

An Angel Inlove With The Badboy (AAIWTB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon