KABANATA 24

32 5 0
                                    

Kababata 24


Nazer POV

Nakakatakot!

Nasa school na kami ngayon, at buong byahe namin, walang ginawa si Angela kundi ang ngumiti. Hindi nawala ang ngiti sa labi niya kahit na parati ko siyang inaasar at kahit nagsasalita siya ay nakangiti pa rin. Sa totoo lang natatakot na ako! Para kasi siyang baliw na may gagawing masama.

Kasalukuyan kaming magkakasabay na naglalakad sa hallway ng campus. May mga istudyante kaming nakakasalubong na napapalingon samin--sakin to be exact, di naman sa pagmamayabang pero sobra silang nagugwapuhan sakin para kahit nakalampas na ko ay nililingon pa. Kaya lang mukhang hindi lang ako ang hinahabol ng tingin.

Inakbayan at tinakpan ko ang mata ni Angela, sinamaan ko naman ng tingin yung lalaking tumingin sa kanya na nginitian niya pa. Kapal ng mukha ng palaka na to ah! Mabilis na nagiwas ng tingin yung lalaki at nagmamadaling naglakad palayo. Di ko naman tinggal ang pagkakaakbay kay Angela at binilisan pa ang paglalakad hatak siya.

Samantalang wala namang imik na naglalakad si Leia, Nakayuko siya at medyo naiiwan namin. Kung titignan mo ay parang naglalakad siya ng magisa. Binubully na naman? Tsk!

-

"Dito ka uupo." Utos ko kay Angela sabay turo sa kanang upuan katabi ng akin.

Sa likod ang napili kong upuan, limang upuan sa isang row. Actually may nakaupo dito kanina na dalawang lalaki, umalis lang sila nung umupo ako. Natakot yata sakin. Dapat lang! Nakapwesto ako sa may bintana samantalang sa kanan naman ni Angela nakaupo si Leia.

Masayang tumango si Angela at umupo na sa tinuro kong uupuan niya. "Sige." Sabay ngiti na naman. Tumingin tingin pa siya sa paligid ng nakangiti. Tss. Pinabayaan ko na lang siya at tumingin ulit sa may bintana.

Nagulat ako nang magsigawan yung mga tao sa loob, majority ay mga babae. Para silang nakakita ng ipis, I mean artista. Nagsitakbuhan pa sa may pinto at inaabangan kung sino mang ipis ang papasok. 

"Kyahhhh he's so handsome talaga!!"

"He really is! I can't wait to be his wife!!"

"Waaahhh isang gabi lang! That's all I want!!"

"Palahi!!"

"Ganyan talaga dito." Biglang sabi samin ni Leia, naguguluhan naming siyang tinignan ni Angela. "Kaya masanay na kayo. Palaging may ganito sa umpisa ng klase."

"Sino ba yang ipis na pinagkakaguluhan nila?!" Inis na tanong ko dahil ang ingay.

"Edi yung heartthrob ng campus, si Leo Stone Dela Cruz." Medyo malakas na sagot ni Leia.

"Kyahhh Leo is here!!"

"Omo wahhhh!"

"Nginitian niya ako kyaaaa!!"

"Me too!"

"Bakit hindi ka sumigaw tulad nila?" Inosenteng tanong ni Angela kasabay ng pagpasok nung ipis sa room.

"Loyal kasi ako." Sagot naman ni Leia. Naririnig ko lang ang sinasabi nila pero focus ako sa harap, gusto ko kasing malaman kung talagang mas pogi sakin yung ipis na yun para pagkaguluhan nila. "Stick to one! Kay Nazer may loves lang ako kakalampag."

Teka... Parang nakita ko na to ah! "Si tsonggo!" Napalakas yata dahil nagtinginan lahat sa gawi namin.

"Oh my gy! Sino siya? Ang pogi din niya!"

"His hot!"

"A bad boy type!"

"We are lucky girls!"

"Yes!! Kyaaahh!" Sigaw nilang lahat at nagtakbuhan ang iba papalapit sakin.

"Ikaw nga." Tumayo ako at hinawi ko yung mga babae sa harap ko. "Ikaw yung unggoy sa hospital diba?" Tanong ko don sa ipis ay mali, tsonggo na pala.

Bumaling ko naman sa mga babae sa harap ko."Pinagkakaguluhan n'yo tong unggoy na to? Mga wala kayo taste!" 

Tinignan ko ulit si tsonggo pero hindi siya sakin nakatingin, kundi kay Angela! Lalapitan pa sana niya si Angela pero bigla nang pumasok yung prof at pinaupo na ang lahat. Masaya namang nakamasid lang si Angela, nakangiti siya habang pinakikinggan kung ano man ang sasabihin ng nasa harap.

-

"Wait. CR lang ako. Samahan mo ko Angela." paalam ni Leia at hinatak si Angela. Tapos na yung klase ngayon and I'm very thankful to that. It's already 6 pm and I'm in front of a ladys comfort room.

Buong klase, wala akong ginawa kundi ang tumingin sa labas ng bintana at sa orasan wishing to speed up time so that we can go home already. Pero tama nga sila na kapag gusto mo na agad matapos ang isang bagay, mas lalong babagal ang oras and that's what happened to me.

Kinausap ako ng lahat ng prof na kailangan ganto ganyan I don't know, di kasi ako nakakanig. About lang yata sa absence ko. I don't care. Bahala na si Leia dun or kay Angela ko na lang ipapagawa, tutal magaling naman siya.

And speaking of Angela, Tsk! She can't stop smiling, until now. Pusta nakangiti yan maging sa loob ng CR.

Pag tinatawag kasi siya ng prof, sasagot siya nang nakangiti tapos lahat pa ng classmate namin ngingitian niya. So annoying! Lalo na pagnakikita ko yung tsonggo na manghang nakatingin sa kanya habang sumasagot siya.

Well nakakamangha naman talaga, alam niya kasi lahat ng sagot sa itatanong sa kanya kahit ngayon niya palang naranasan ang pumasok sa school tsaka nakakasabay siya sa mga lesson samantalang ako nganga. Pagtinatawag ako at tinatanong, wala akong naisasagot kaya siya na lang ang sumasagot.

Ewan! para siyang walang amnesia. Lahat ay alam. Or baka bumalik na ang alaala niya?

"Where done." Si Leia. Magkasabay din silang lumabas.

"Tara na." Yaya naman ni Angela. "May assignment pa tayo." Dagdag niya pa at nauna ng naglakad, sumunod naman kami ni Leia.

"Good night Nazer. Gawin mo muna yung assignment natin bago ka matulog ah." Palala ni Angela. Tumango na lang ako kahit wala akong balak gumawa ng Assignment. Ngumiti naman siya at tuluyan ng pumasok sa kwarto, ganon din ang ginawa ko.

Pagtapos naming ihatid si Leia, umuwi na agad kami at kumain. Madaling madali kasi si Angela dahil may assignment pa daw. Tsk! Pakelam ko naman dun! Kaya 7 pm pa lang nasa kwarto na ako. Di pa naman ako inaantok!

Naghubad na lang ako, pinaghahagis yung mga saplot sa kung saan, humiga ako sa kama ng nakaboxer short lang. Pumikit ako at pinilit kong matulog pero lumipas na ang kalahating oras di pa rin ako makatulog. Hindi kasi ako sanay na ganitong oras natutulog na, gantong oras kasi nasa bar ako o kaya nagro-road trip magisa.

Tama! Bar! Pupunta na lang ako sa bar.

Agad akong nagbihis. Dahan dahan kong binuksan yung pinto ng kwarto ko. Sisilipin ko pa sana yung kwarto ni Angela kaso nakalock kaya pinabayaan ko na lang. Gumagawa pa yata ng assignment.

Puro na lang ako Angela! Napapabayaan ko na ang social life ko lalo na ang sex life ko! Kaya oras na para pagandahin ang gabi ko, pambawi sa boring na araw ko. Let's party!




-----------
A/N:

Hey guyss. Don't forget to comment and vote.

Stay safe everyone. Always wash your hands and don't forget to use alchohol. And Always remember that God is with us, di Niya tayo pababayaan. Manalangin lang tayo parati. Love lots

An Angel Inlove With The Badboy (AAIWTB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon