KABANATA 7

40 6 0
                                    

Kabanata 7: How to teach an angel 2

After 2 weeks

"Sir pasensya na po sa mga nangyare. Inaamin ko po'ng naging pabaya po ako." Paumanhin nung nurse na pinabantay ko kay Weird Angel na Angela na ngayon. "Sana mapatawad n'yo po ako."

"Lumayas ka d'yan at nakaharang ka!" Inis na sabi ko. Gimilid naman siya agad sa may pinto. Palabas na kasi kami ng hospital tapos hinarang pa kami ng nurse na to para lang sa walang kwenta niyang sasabihin. "Basta sa susunod, gawin mo ng maayos ang trabaho mo ng wala kang napeperwisyo at kung ayaw mong mawalan ng trabaho." Pahabol ko pagtapat namin sa kanya at hinatak ko na si Angela palabas.

"Bakit di mo tinanggap ang paumanhin niya at pinagsalitaan siya ng ganon?" Biglang tanong ni Angela pagsakay sa kotse. "Napahiya tuloy siya."

"Hindi naman kasi kaylangan na sayangin natin ang oras natin para lang sa mga taong wala namang silbe." Sagot ko sa kanya. Di na siya nag salita pa kaya pinaandar ko na yung sasakyan.

Habang nasa byahe kami, tahimik lang siya habang nakatingin sa bintana. Para siyang bata na ngayon pa lang nagmulat ng mata. Kung makatingin kasi siya ng mga bagay sa labas, parang ngayon pa lang niya nakita. Napaka ignorante at manghang mangha sa nakikita.

Two weeks na ang nakalipas. Sa two weeks na yun, maraming nangyare. Nandon yung muntik ko ng masapak yung doctor na tumingin kay Angela dahil sa sobrang inis ko, buti na lang naawat agad ako ng mga nurse don.

Mas nag improve yung kalagayan ni Angela. Mas nakakausap na siya ng maayos at sobrang takaw kumain, yun yung pinaka paborito niya sa lahat--ang kumain. Hindi rin siya nakakaintindi ng english kaya kailangan tagalog ang salita mo pag kausap mo siya.

Di na namin nakitang muli si epal matapos ang araw ng sagutan namin, last day niya na pala non sa hospital at pinag papasalamat ko yun dahil kung nakita ko pa siya ulit nakatikim na sakin ang unggoy na yun.

Di pa rin alam ni Angela ang pangalan niya kaya inayos ko na by the use of dads connections. May silbe din pala siya bilang ama ko kahit papano.

Binigyan ko ng pangalan yung weird na babae, ang unang pangalan na binigay ko sa kanya ay Katty kaso ayaw daw niya kaya siya na lang ang pinag decide ko. Ang sabi niya ay Angela kaya kahit ayoko ng pangalan na yon dahil kay epal ko unang narinig yon, yun na lang ang nilagay ko. Yung sa second name at surname niya ako na ang nag decide. So now, her name is Angela Kaye Fabian.

Iuuwi ko na siya sa bahay. Hanggang ngayon hindi pa rin alam ni dad at ni Martha yung tungkol kay Angela at hindi na rin ako nag aksaya ng oras para sabihin dahil wala naman silang magagawa. Pwera na lang kung pinapasundan ako ng magaling kong ama which is I doubt kasi kung alam niya, di naman siya magtatanong kung saan ako galing everytime na uuwi ako sa impyernong bahay na yon.

"We're here." Sabi ko nung matapat kami sa gate ng mansion.

"Ha?" Inosenteng tanong niya. Di nga pala siya nakakaintindi ng english.

"Nandito na tayo." Tinagalog ko at bumaba para pagbuksan siya ng pinto. Di niya kasi alam kung paano. "Baba na. Tumayo ka muna doon habang binababa ko yung mga gamit mo para sabay tayong papasok." Sabi ko pa. Sumunod naman siya.

Binaba ko lang yung mga gamit sa compartment ng kotse ko. Lumapit ako sa kanya at pinindot yung doorbell. Pinagbuksan kami ng is naming kasambahay. She is in the mid sixty's and I always see her since I was a child but until now, I don't know what her name is.

Pagpasok ay agad kong binigay yung susi sa guard na sumalubong samin para ipasok sa garahe yung kotse.

Pagpasok sa loob ng bahay ay napaka tahimik na sala ang bumungad samin. Mukhang wala sila dad.

"Ito ang sala ng bahay namin." Sabi ko sa kanya pero parang di niya narinig dahil sa sobrang pagka mangha sa nakikita. Bahagya ko siyang tinulak. "Hoy! Nakikinig ka ba?!" Napalingon naman agad siya.

"Ang ganda naman dito.." Yan lamang ang salitang binanggit niya at nagtuloy na muli siya sa pagmamasid. Hinila ko na lang siya sa kwartong tutuluyan niya.

Guest room yon na katabi ng kwarto ko. Malaki ang bahay at hanggang 4th floor ito. Sa second and third floor ay may apat na kwarto na malalaki. May sarili ring sala ang bawat floor. Yung kwarto ko ay nasa second floor habang ang kila dad ay nasa third floor, rooftop na yung last.

Ang lahat naman ng tauhan namin ay may sariling bahay sa likod ng mansion, isang kilimetro ang layo. Pinagawan sila ng sariling bahay dahil marami sila, ang bahay na yon ay hanggang second floor lang ngunit malawak. Sa bawat floor ay may anim na kwartong na kasya ang tatlong tao. May tatlong palikuran at malawak na kusina.

Tatlo lang kami sa napakalaking mansion na ito kaya mag isa lamang ako sa second floor na dati ay may kasama ako. Ito ang floor kung saan ang kwarto namin noon ni mommy. Marami kaming memories sa floor na ito. Pero ngayon ay may kasama na ulit ako.

"Dito ang magiging kwarto mo." Sabi ko pagtapat namin sa pinto ng magiging kwarto niya. Binuksan ko na ito at pinakita sa kanya ang loob. "Kumpleto na ito, nung nakaraan pa. Bumili na ako ng mga gamit na kaylangan mo kaya wala ka ng aalahanin pa. Kung kailangan mo naman ako, eto lang ang kwarto ko."

Saglit siyang nagmasid ng nakanganga bago nagsalita. "Maraming salamat sa lahat ng ito. Hayaan mo, gagawin ko ang lahat para magawa ko ng maayos ang misyon ko. Basta't kasama mo ako, magiging ligtas ka." Seryosong sabi niya.

"Ha? Di kita maintindihan." Naguguluhang tanong ko. Ililigtas niya ako? Saan naman?  "Tsaka misyon? Anong misyon?"

"Wala. Wag mo na lamang intindihin ang mga sinabi ko. Pero pangako, susuklian ko ang lahat ng kabutihang ipinapakita mo sa akin ngayon." Nakangiting sagot niya sa mga tanong na sa totoo lang di naman nasagot ni isa. Kinuha niya yung gamit niya sa kamay ko at agad na pumasok sa kwarto. Susunod sana ako kaso sinarado na niya yung pinto. Kaya no choice kung hindi ang pumunta na lang sa sariling kwarto.

Naligo lang ako at nagbihis. Balak ko kasing ipahanda ang pagkain namin ni Angela dahil malamang na gutom na siya.

Bago bumaba ay sinulyapan ko muna ang kwarto niya. Palaisipan pa rin sakin ang mga sinabi niya pero mas pinili ko na lang na isawalang bahala ito.

Ginamit ko yung elevator sa pagbaba dahil tinatamad akong maghagdan. Sa totoo lang pwede ko naman na itawag na lang yung utos ko pero di ko ginawa. Gusto ko kasing tignan yung paghahanda na gagawin nila. Gusto kong maging maayos ang lahat at tsaka gusto ko ring makita kung nand'yan na sina Dad para masabi ko ng personal sa kanya yung tungkol kay Angela.

Gusto kong malaman nila na dito na siya titira hanggang sa makaalala siya. Ipapaalam ko rin sa kanila yung nangyare sa pagitan namin. At ako mismo ang maghahanap sa pamilya ni Angela. Sasabihin ko rin na ituring nilang ng maayos si Angela at sinuman ang manginsulto at manakit ay mananagot sakin.

---------------
A\N: Don't forget to vote and comment. Happy haloween😈🙀 Love lots guys☺😘  

An Angel Inlove With The Badboy (AAIWTB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon