KABANATA 34

26 4 0
                                    

Kabanata 34

Nazer POV

I'm hot. Really really hot.

Tumunog na yung alarm clock, hudyat na kailangan ko ng magayos para pumasok. Pero sobrang bigat ng katawan ko ngayon. Pinagpapawisan ako at nahihilo rin. Hindi ko yata kayang pumasok ngayon. Pero kailangan kong pumasok!

Nahihilo man ay tumayo ako. Mabilisang naligo at nagbihis para pumasok. Pagtapos ay napaumupo ako sa gilid ng kama dahil sa pagkahilo. Sakto namang pagbukas ng pinto.

"Zyne?" Agad na lumapit sakin si Angela at hinawakan ako. "Mainit ka!"

"Yeah. Probobly because of flu." Nakahawak sa ulong sabi ko. Umubo pa ako ng isang beses.

"Wag ka na kaya munang pumasok? Magpahinga ka."

"No. Kaya ko. Lagnat lang to. iinuman ko lang ng gamot, mawawala na to."

"Are you sure?" Nagaalalang tanong niya at tumango naman ako.

Nakaakay sakin si Angela nung bumaba kami. Nahihilo pa rin ako, pero mas kaya ko na kumpara kanina.

Si Miss Tanya ang bumungad samin pagbaba. Nakaupo na siya sa hapag at nakahanda na rin ang breakfast.


"Anong nangyari?" Nagaalalang tanong ni Miss Tanya at lumapit samin ni Angela. Tinulungan niya si Angela sa pagakay sakin hanggang sa makaupo ako. "Mainit ka. May lagnat ka?"

"Opo Ate." Si Angela ang sumagot. "Sabi ko nga wag na muna siyang pumasok pero ayaw niya."

"Kaya ko pa naman. Iinom lang ako ng gamot, bubuti rin ang pakiramdam ko."

"Sigurado kang kaya mo?" Si Miss Tanya. Tumango naman ako. "O siya. Wag ka lang masyadong magpagod, para di na lumala ang sakit mo."

Pagtapos kumain ay sabay sabay kaming tatlo na lumabas ng bahay. Dumiretso si Miss Tanya sa kotse niya. Pero bago umalis ay may binilin pa siya kay Angela.

Nauna naman akong pumasok sa kotse at pumikit saglit. Kaya ko na mang magdrive, hindi na ako masyadong nahihilo.

"Kaya mo ba talaga?" Napadilat ako sa tanong ni Angela. Tumango ako at nagsimula ng magdrive. "Dapat talaga hindi tayo ginabi kahapon ee! Nagkasakit ka tuloy."

"Okay lang. Hindi naman to dahil don."

"Kasalan ko to e!" Patuloy niya na hindi pinansin ang sinabi ko. Kasalanan mo nga. "Sa susunod hindi na tayo magpapagabi."

Tama ka Angela, kasalanan mo nga. Hindi na naman ako nakatulog ng maayos dahil sayo kaya nagkasakit ako. Hindi ako pinatulog ng lambot ng labi mo!

Hindi nawala sa isip ko yung nangyari kagabi. Bigla ay hinahanap hanap ko yung mga labi niya. Para akong sabik at non lang nakatim ng masarap na putahe. Shit! I must stop this. But I can't!

Pagpasok sa classroom ay dumiretso ako agad sa upuan ko at nagheads down. Pero inangat ko rin agad ang ulo ko ng mapansin na hindi sumunod si Angela.

Mas lalo akong naginit ng makita silang magkausap ni tsonggo. Kaya nahihilo man ay tumayo ako at lumapit sa kanila. Nagtataka silang tumingin sakin, lalo na si tsonggo. Nagaalala namang lumapit sakin si Angela, magsasalita pa sana siya pero hinatak ko na at sapilitang pinaupo sa tabi ko.

An Angel Inlove With The Badboy (AAIWTB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon