KABANATA 26

36 7 1
                                    


Kabanata 26



Nazer POV

"Hindi ako papayag Angela!" Pasigaw na sabi ko kay Angela. "Hindi ka lalabas ng bahay!"

Sabado ngayon at nasa kusina kami, kumakain ng agahan. Magkatabi kaming nakaupo sa hapag na may fried rice, hotdog, tocino at tinapay. Sakto lang para saming dalawa. Nadala na kasi ako.

Nagpapaalam sakin si Angela dahil may by pair project kami sa literature. Pair ko si Leia at sa kasamaang palad, si tsonggo ang pair ni Angela. Gusto ng tsonggo sa labas sila gumawa na hinding hindi ko papayagan. Hindi ko hahayaan na lumabas si Angela na hindi ako kasama!

"Pero Nazer.." Angal niya habang kumakain ng tinapay. "Babagsak ako paghindi ako gumawa, sabi ng prof natin kailangan ko raw gumawa ng mga ipapagawa nila para grumaduate ako. Late daw ako nagenroll kaya gawin ko daw ang lahat."

"Basta ayoko! Hindi ka lalabas, lalo na kung ang tsonggo na yun ang kasama mo!" Nakakabadtrip!

"Nazer naman, payagan mo na ako!"

Hindi ko talaga siya kayang tanggihan! Pero kailangan!

"Hindi ako papayag na lumabas ka! Wag mo ng ipagpilitan pa Angela! Pinagbigyan na kita sa gusto mo na magaral, kaya ako naman ang sundin mo! Hindi ka lalabas, period!" Hindi na siya nagsalita pa, nakayuko niyang pinagpatuloy ang pagkain.

Sa mga araw na lumipas, maraming nagbago, nagkaroon ng ibang kaibigan si Angela at dahil yon sa paglabas niya ng mansion. May mga kumakausap na rin sa kanya bukod samin ni Leia at lahat ng yon binibigyan niya ng atensyon.

Okay lang naman yon sakin, pero hindi ang okay yung nakakakimutan niya na ako. Sa totoo lang, nagseselos na ako. Datirati kasi, sakin lang siya may atensyon. Ako lang ng ako tapos biglang wala na, nagbago na. Kaya ayokong magaral lalo na at kasama siya, dahil alam kong mangyayari ito. Pero ayoko rin naman na ipagkait sa kanya ang karapatan niya lalo na ang mundo.

"Bakit nandito ka?" Tanong ko kay Leia na biglang pumasok sa kusina.

"Ano pa, edi para sa project natin." Sagot niya at agad na umupo sa tabi ko. Kumuha rin siya ng pagkain sa lamesa na akala mo, bahay niya. Kapal talaga ng manang na to! "Gagawa tayo."

"Anong tayo? Asa ka naman na tutulungan kita!"

"Edi wag! Basta dito ako gagawa. Tsaka hindi mo ba ako namiss Nazer my loves! Kasi ako, miss na miss na kita kahit kagabi lang tayo nagkalayo."

"Hindi!" Sinamaan ko siya ng tingin na sinuklian naman niya ng nguso.

"Tapos na ako. Aakyat na ako sa taas." Biglang singit ni Angela, hindi na ako nakapagsalita pa dahil agad na siyang tumayo at umalis sa hapag kahit na hindi pa ubos ang pagkain sa plato niya.

Umalis na? Pero, hindi pa siya tapos kumakain ah! Seryoso talaga siya!

Hindi kasi gawain ni Angela ang umalis na may pagkain pa sa hapag, inuubos niya lahat ng pagkain sa lamesa kahit na hindi na niya kaya. Tulad nung huling dinner namin, naparami ang handa ng mga kasambahay sa pagaakalang uuwi si Dad at ang kabit niya pero hindi. Kaya lahat ng handa sa lamesa, inubos niya. At may sinabi siya bago mawalan ng malay dahil sa kabusugan 'Ang biyaya na pinagkakaloob ng dakilang lumikha, hindi dapat nasasayang.'

"Anyare don?" Takang tanong ni Leia.

Nagcross arms ako. "Nagpipilit kasing lumabas!"

An Angel Inlove With The Badboy (AAIWTB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon