KABANATA 28

34 5 5
                                    

Kabanata 28

Angela POV

Ang babaing yumakap kay Nazer, ay ang Mommy niya. Pero bakit nandito pa siya? Tsaka katulad siya ni Strawberry, ibig sabihin ay naliligaw din siya. Pero bakit naaalala niya si Nazer? At bakit siya nakadikit kay Martha?

"Iniwan niya ako na hindi man lang inisip ang mangyayari sakin!" Puno ng emsyong sabi ni Nazer. Ramdam ko ang pangugulila niya.

"Alam kong hindi niya ginusto ang lahat." Sabi ko habang tinatap ang likod niya.

Kinwento kasi ni Nazer sakin yung nangyari sa pamilya niya, kung bakit nagpakamatay ang Mommy niya. At lahat ng sakit, pagdurusa at pangugulila na naranasan niya nung mawala ito.

Awang awa ako sa kanya. Sobrang pangugulila ang nararamdaman niya at kasabay pa nito ang matinding galit sa araw araw lalo pa't kasama niya sa mansion ang mga taong naging dahilan ng paghihirap niya

Kaya hindi ko siya masisisi kung mas pinili niya gumawa ng mga masamang kesa ang mabuti. Dahil lamang iyon sa mga pinagdaanan niya. Nawala ang kaisa isang tao na nagmamahal at gumagabay sa kanya. Nawala sa hindi katanggap tanggap na dahilan. At kapiling niya pa ang mga taong dahilan nito.

Hindi ko alam paano pagaanin abg loob niya. Siguro kung nandito si Leia, alam na niya ang gagawin. Pero kailangan ko pa ring susubukan. Ayokong nakikita na malungkot si Nazer.

Lumapit pa ako kay Nazer at niyakap siya. "May rason kung bakit gonon ang nangyari. Wag ka ng magalala, nandito naman ako. Simula ngayon, ako na ang tatayong Mommy mo. Aalagaan kita gaya ng pagaalaga ng Mommy mo sayo, pwede mo rin akong tawaging mommy kung gusto mo."

Agad siyang kumalas ng yakap. "Ayoko nga! Hindi bagay sayo! Mas okay pa kung girlfriend na lang."

Hinatak ko ulit siya para sa isang yakap. "Edi girlfriend! Pwede mo akong tawaging girlfriend."

Pero kumalas ulit siya kaya di ko na pinagpilitan. "Seryoso ka? Nagbibiro lang ako."

"Seryoso ako! Girlfriend mo na ako, kaya wag ka ng mahiyang magsabi. Kung kailangan mo ng kausap, nandito ako. Kung gusto mo ng yakap, magsabi ka lang at yayakapin kita. Parati lang ako dito sa tabi mo, hindi kita iiwan."

Nagiwas siya ng tingin. "Sinungaling. Nasasabi mo lang yan ngayon, pero iiwan mo din ako pagnakaalala ka na." Mahinang sabi niya na hindi ko masyadong naintindihan.

"Ano yun? May sinasabi ka?"

"Ang sabi ko, sa-salamat."

Napangiti ako sa sinabi niya. Ito ang kaunaunahang pasasalamat na narinig ko mula sa bibig ni Nazer. Kahit nautal pa siya nung banggitin yon, senyales pa rin yun ng pagbabago sa kanya.

"Wala yun, ito naman ang dahilan kaya ako nandito." Nakangiti at nakatingala kong sabi.

Nakikita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin si Nazer sakin. "Lahat na lang sayo may dahilan no?"

"Totoo naman kase. Ang lahat ng bagay at pangyayare sa buhay ng tao ay may dahilan." Nakatingala pa ring simula ko. Tumingin ako ng deretso sa mga mata ni Nazer. "May dahilan kung bakit nagaaral ang mga tao, yun ay para matuto kayo at hindi maisip ang gumawa ng masama. May dahilan kung bakit nasasaktan ka, yun ay para tumatag at lumakas ka. May dahilan din kung bakit nabibigo ka lalo na sa pagibig, dahil may mas tamang tao ang nakalaan para sayo. May dahilan kung bakit minamahal ka, at yun ay magmahal ka rin pabalik sa kanila. At higit sa lahat, may dahilan kung bakit pumapanaw ang mga mahal natin sa buhay. Yun ay dahil tapos na ang misyon nila sa mundo at oras na nila upang makasama ang Dakilang Lumikha."


An Angel Inlove With The Badboy (AAIWTB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon