KABANATA 37

21 4 0
                                    


Kabanata 37

Angela's POV

"Sabihin ko na kaya?" Pagkausap ko sa sarili ko. 

Nasa kwarto ako ngayon. Nakapantulog na ako, suot ko yung binili sakin ni Nazer na damit nung sa bahay tuluyan kami natulog. Wala akong ginagawa, pagulong gulong sa kama ko. Hindi na ako nakakain ng dinner dahil nawalan ako ng gana. At kahit ilang oras na ako dito, di pa rin ako nakakaramdam ng gutom na posible pala sa kagaya kong matakaw.

Iniisip ko kasi si Nazer. Di mawala sa isip ko yung mukha niya na disappointed sakin, yung inis niya. Galit siya sakin.

Hindi ko masabi sa kanya ang dahilan ng hindi ko nababanggit ang tungkol kay Strawberry, na kaya ko ginagawa iyon ay para kay Strawberry. Knowing him, magtatanong siya ng magtatanong hanggang sa malaman niya lahat, hanggang sa masabi ko lahat. Kabaliktaran ni Leo.

Kay Leo kasi, hindi na ako masyadong nagexplain pa sa kanya. Nung nakita niya ako sa tapat ng hotel nila na pasilip silip, nilapitan niya ako at tinanong kung anong giangawa ko don at ganon din ako sa kanya. Tapos nagpakilala siyang anak ng mayari ng hotel, nagulat ako pero diniretso ko siya. Tinanong ko kung may namatay ba sa hotel nila at sinabi niyang  Oo. Ganon lang, tas nagprisinta siya na tutulungan ako sa pagiimbistiga ng hindi nalalaman ang dahilan ko.

"Kung sasabihin ko ba sa kanya ang tungkol kay Strawberry, paniniwalaan niya kaya ako?" Muli ay tanong ko sa sarili ko.

Muli akong gumulong dahil sa frustration. Hindi ako makapag desisyon kung sasabihin ko ba o hindi.

"Kung sasabihin ko kay Nazer, may chance na hindi niya ako paniwalaan. Baka sabihin niya pang baliw ako. Pero kung hindi naman, mananatili siyang galit sakin! Hindi pwede! Ugh! Anong gagawin ko?!" Walang tigil akong gumulong ng gumulong sa kama. Nakahawak ang dalawang kamay sa ulo at nakapikit.

"Sabihin mo." Napadilat ako at agad na naupo dahil sa boses na nanggaling sa paanan ko. Bigla siyang nawala kaya hinanap siya ng mga mata ko, natagpuan ko lang nang muli siyang magsalita. "Sa tingin ko ay mas mabuting mapagkamalan kang baliw, kesa ang magalit siya sayo."

"Strawberry!" Agad akong tumayo at lumapit sa kanya. Nakaupo siya malapit sa study table na napanalunan namin ni Nazer sa arcade. Niyakap ko siya at pareho lang kaming natawa ng tumagos lang ako sa kanya. "Saan ka nagpunta? Ilang araw ka ng hindi nagpapakita sakin ah."

Lumipas kasi ang isang linggo ng hindi siya nagpapakita sakin. Miski sa bahay tuluyan ay hindi ko siya nakikita don. Kaya din malaya akong nakakaikot sa hotel ng hindi niya nalalaman. Nasanay lang kasi ako sa prisensya niya, lalo na tuwing magisa lang ako sa kwarto ko. Habang gumagawa ako ng assignment, nakatayo siya sa tabi ko pinapanood at kukukitin ako. Kaya namiss ko talaga ang pangungulit niya.

"Hindi ko rin alam ee. Kung saan saan lang ako dinala ng mga paa ko, may sariling isip. "

"Akala ko nakalimutan mo na ako ee."

"Pwede ba yun? Nanggaling lang ako sa isang abandonadong bahay. Hindi ko alam pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakatayo sa loob non. May kakaiba akong naramdaman kaya naisipan kong magikot muna, baka sakaling may maalala ako. Napatagal pala ako sa pagiikot, nalibang ako."

"Abandonadong bahay? May naalala ka ba?"

Malungkot siyang umiling. "Wala. Wala akong naalalang kahit ano. Pero alam mo yung pakiramdam na nanggaling ka na don? Yun bang kabisado ko yung pasikot sikot sa loob kahit na yun pa lang ang unang beses ko na makita at makapunta sa bahay na iyon. Ang weird."

"Baka may kinalaman yun sa past life mo."

"Baka nga. Babalik na lang ulit ako don, baka sa pagkakataong yun may maalala na ako." Saglit kaming natahimik. Muli ay nawala na naman siya at natagpuan ko na lang sa tabi ko. Kaluluwa nga talaga siya. "Ano nga ulit ang gumugulo sayo?"

Paano ko sasabihin kay Strawberry ng hindi ko nababanggit ang tungkol sa kanya?  "Mamili ka lang sa dalawa, sabihin ko ba o hindi?"

"Kung ako sayo, sasabihin ko. Pangit kasi ang pakiramdam na may tinatago ka. Para kang hindi makahinga ng maayos. Hindi mo napapakilala ng tama ang totoong ikaw. Mas maganda na nailalabas mo kung ano ang nararandaman mo, yung mga tinatago mo sa mapagkakatiwalaan mo. Sinisiguro ko sayo na gagaan ang loob mo pag may napagsabihan ka, pag wala ka ng tinatago. Maging totoo ka lang."

Tama naman siya. Ang bigat nga sa pakiramdam. Ginugulo ako at hindi umaalis sa isip ko. Ilang linggo ko na nararamdaman ang feeling na ito, lalo na sa tuwing nagtatanong si Nazer tungkol sa ginagawa ko. Ayaw kong magsinungaling sa kanya kaya hindi ko pinapaliwanag ng maayos. Sinasabi ko lang na importabte na totoo naman. Kaya ngayon, kung hindi ko kakausapin si Nazer at kung hindi ko ito masasabi ngayon, malamang hindi ako makakatulog ng maayos sa kaiisip.

"Aalis na ulit ako." Bigla ay paalam ni Strawberry. Kung hindi pa siya nagsalita ay hindi ko malalaman na natulala na pala ako. "Babalik na ako sa bahay tuluyan. Tagal na rin nung huli kong punta don."

"Sige. Bukas ng gabi na lang ulit. Salamat sa advice."

"Wala yun. Kita tayo bukas." At biglang na siyang naglaho.

Salamat Strawberry, nalinawan ako dahil sayo.

Wag kang magalala, konting tiis na lang at makakaakyat ka na sa Kaharian ng Dakilang Lumikha.

Agad akong lumabas at kumatok sa kwarto ni Nazer. Napagdesisyonan ko na sabihin sa kanya lahat. Bahala na kung hindi niya ako paniwalaan, basta mawala lang ang galit niya sakin.

Nakailang katok pa ako pero walang nagbubukas kaya nag kusa na lang ako. Hindi naglolock ng pinto si Nazer pero ayaw niya na bigla na lang akong pumapasok sa kwarto niya.

Nung minsan kasi pumasok ako ng hindi niya alam. Magtatanong lang sana kung may natira pang strawberry, gusto ko kasing kumain. Tapos naabutan ko siyang nakatutok sa desktop niya sa study table tapos walang tigil na gumagalaw ang kamay niya sa gitna ng mga hita niya. Naririnig ko rin siyang humahaling hing ng mahina. Hindi ko makita kung ano yung nasa desktop niya dahil nakatalikod yung desktop sa pwesto ko, paharap naman sakin si Nazer pero hindi niya ako napansin agad dahil tutok siya sa desktop niya. Napansin niya lang ako nung tinawag ko siya. Nanlaki ang mga mata niya at sinigawan ako. Lumayas daw ako sa kwarto niya. Kaya mula non ay hindi na ako nagbubukas bigla ng pinto ng kwarto niya. Parati na akong kumakatok. Ayoko ng masigawan ulit.

"Zyne, papasok ako ah." Paalam ko habang dahan dahang pumapasok sa kwarto niya. Wala naman akong nakuhang sagot kay Nazer pero nagpatuloy ako.

Madilim at wala kong makitang kahit ano. Kung dati ay parating nakabukas yung lamp sa magkabilang side ng kama niya ngayon ay totally no lights.

"Zyne? Nandito ka ba sa loob?" Muli ay pagtawag ko ng malapit na ako sa kama. Wala pa rin akong nakuhang sagot kaya naisipan ko na lang na lumabas na, mukha naman kasing wala siya dito.

Pero hindi ko na natuloy ang plano kong yun dahil may biglang yumakap sa bewang ko at hiniga ako sa kama. Naramdaman kong dumagan siya sakin.

"Ang lakas ng loob mong pumasok sa kwarto ko ng ganyan ang suot mo." Mahinang bulong ni Nazer sa tenga ko. 

Nagtayuan ang mga balahibo ko mula sa batok hanggang paa ng maramdaman ko ang hininga niyang sobrang lapit sa tenga ko na dahan dahang bumababa papunta sa leeg at pababa sa balikat ko.

"Ahm.. Zyne?" Hindi ko na makilala ang boses ko dahil sa pakiramdam na hindi ko mapangalanan.

Sobrang lapit namin sa isa't isa at sobrang bilis din ng tibok ng puso ko. Ramdam ko ang buong bigat niya sa lower part ng body ko. Ang mga kamay niya sa magkabilang gilid ko at ang ulo niya sa kaliwang balikat ko.

"Your in a big trouble.."


-------

A/N:

Enjoy reading😘

An Angel Inlove With The Badboy (AAIWTB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon