KABANATA 36

22 3 0
                                    


Kabanata 36






Nazer POV

"Woah! Leia? Ikaw ba yan?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Pagpasok kasi namin ni Angela sa room ibang Leia na nakaupo sa upuan niya ang bumungad samin. Nakayuko siya na parang pilit tinatago ang sarili sa mga kaklase naming nakatingin sa kanya. Or baka hindi to si Leia? Baka kamukha niya lang?

Ibang iba na siya sa Leia na araw araw kong nakaksama. Wala na ang makapal na eye glassess sa mata niya, nakasuot na siya ng contacs. Tapos yung buhok niya ay dirersong diretso, wala na yung buhaghag at parang walang suklay na buhok.

"Ano ba Nazer, nahihiya ako!" Reklamo niya nung hinatak ko siya patayo at sapilitang pinaikot para mas makita pa ang mga pagbabago sa kanya.

Nakaupo naman si Angela sa upuan niya habang natatawa sa nakikita niya samin.

"Ikaw ba talaga yan? Anong nangyari sa salamin mo? Marunong ka palang magsuklay?"

"Tumigil ka na nga! Ikaw dapat ang kinakamusta!" Binawi niya ang kamay niya na hawak ko at dinampi iyon sa leeg ko. "Maayos na ba ang pakiramdam mo? Wala ka ng sakit?"

Nakangiti akong umiling. Umupo na sa upuan ko at ganon din si Leia. "Wala na. Maayos na ang pakiramdam ko at masigla na ulit ako dahil sa magaling kong nurse." Sumulyap ako kay Angela.

"Agad agad? Kahapon lang sobrang init mo! Baka naman nahihilo ka pa?" Nagtatakang tanong niya. Ngumiti lang ulit ako at umiling.

Kahit ako nga ay nagtataka rin kung bakit ang gaan ng pakiramdam ko paggising ko. Ang inaasan ko ay mahihirapan ulit akong tumayo. Bababa man ay nandyan pa rin ang sakit ko.

Pero hindi. Paggising ko ay ang sigla sigla ko. Walang bakas na nagkasakit ako. Feeling ko pa nga ako ang pinaka healthy na tao sa buong mundo. Walang sipon, ubo at kahit sakit ng ulo. Sobrang energize ako at gumagana ng sobrang ayos ang utak ko.

Mas lalo pa akong sumigla nung makita ko si Angela na mahimbing na natutulog sa tabi ko at nakayakap sakin. Mahimbing na natutulog at naglalaway pa.

Kaya tulad ng inaasahan, swabe ang lahat sa araw na iyon. Nagawa ko lahat ng dapat kong gawin ng walang pagod. Kahit sobrang dami ang gianwa namin ngayong araw dahil last na regular class na namin ito. This week kasi ang pirmahan ng cleerance. Tapos next week na ang practice para sa graduation. Gagraduate na ako! Sana nga...

Pinuri pa akong ng mga prof dahil sa pagbawing ginagawa ko. Masayang nakamasid naman sakin si Angela. Suportado niya ako sa lahat ng giangawa ko.

Hindi naman nagbago ang trato namin ni Leia sa isa't isa at pinagpapasalamat ko yun. Akala ko ay lalayo na siya samin para makapagmove on pero hindi. Balik lang sa dati ang lahat na parang wala siyang inamin sakin nung nakaraan lang.

Si Krizia naman ay ilag sakin. Hindi niya talaga ako kinakausap, miski ang tignan ay hindi niya ginagawa. Hindi ko siya masisi, kaya hinayaan ko na lang. Pero gusto ko pa rin sana na maging magkaibigan kami kahit na ganon ang nangyare. Good thing naman na magkaibigan na sila ni Leia. Nagulat nga ako na magkasabay silang maglunch. Samantalang nung last week lang ay magkaaway sila. Good for them.

At eto namang si Tsonggo. Tsk! Hindi siya nagbabago, panay pa rin ang pagpapapansin niya kay Angela. Kahit sinasamaan ko na siya ng tingin ay hindi pa rin siya tumitigil. Tulad ngayon, may lakad na naman daw sila ni Angela at ang kapal ng mukha na pinaalam pa talaga niya sakin. Pero hindi ko na siya hinayaan. Hindi na siya pwedeng lumapit pa kay Angela! Lalo na ngayon na malinaw na sakin ang nararamdaman ko.

"Zyne, uuwi rin ako agad. May kailangan lang akong gawin. Saglit lang ako." Pamimilit nanaman ni Angela. Nasa kotse kami ngayon nagtatalo dahil hindi ko siya pinayagan na sumama sa tsonggong yun. Ayaw niya kaya sapilitan ko siyang pinasok sa kotse ko. Binuhat ko siya kaya wala na siyang nagawa.

"Edi gawin mo! Walang pumipigil sayo."

"Okay, ihinto mo yung kotse at bababa ako."

Sumulyap ako sa kanya at ngumisi. "Not a chance."

"Ugh! Nazer please, may usapan kami ni Leo. "

"Ayoko! Hindi ka na pwedeng makipagkita sa tsonggo na yun! Girlfriend kita remember?" Hindi siya nagsalita. Nakasimangot lang siya at masama ang tingin sakin. "Ang babaeng may boyfriend, hindi dapat nakikipagkita sa ibang lalaki ng solo. Respituhin mo naman ako bilang boyfriend mo!"

"Hindi naman kita boyfriend ah!"

"Anong hindi?! You are my girlfriend so technically, I'm your boyfriend. Kaya sumunod ka sa mga sinasabi ko. Pagsinabi kong hindi pwede, hindi pwede! period! Ako ang batas!"

"Pero importante yung nilalakad namin. I need to be there."

Nainis ako bigla sa sinabi niya. Eto na naman tayo sa importante! Makailang beses ko na kasing tinatanong sa kanya kung bakit kailangang umalis sila ni tsonggo na hindi ako kasama. Kung ano yung ginagawa nila bakit kailangang silang dalawa lang. Pero parati niya lang sinasabi na importante ng hindi pinapaliwanag sakin lahat. Wala siyang ibang sinasabi kundi importante, importante. Kainis!

Hininto ko yung kotse sa gilid ng main road, walang pakielam kung mag cause man ng traffic. Basta ko na lang yon hinunto at inis na humarap sa kanya. Sinalubong niya naman ang mga mata ko."Gaano ba kaimportante at kailangan mo pang ilihim sakin?! Bakit di mo na lang sabihin? Bakit kailangan mo pang itago? Ano ba talagang giangawa ninyo?!"

"Hindi mo kasi maiintindihan e--"

"Ipaintindi mo sakin! Magsabi ka para maintindihan ko! Sabihin mo sakin." Natahimik siya, inalis ang tingin sakin at hindi na muling nagsalita pa. Ayaw niya talagang ipaalam sakin. "Tsaka lang kita papayagan, pagsinabi mo na sakin ang dahilan." Dagdag ko at muling pinaandar yung sasakyan.

Nakarating kami sa mansion ng tahimik. Walang nagtangkang magsalita samin, parehong lang kami na pinapakiramdaman ang isa't isa.

"Wag kang magtatangkang lumabas ng hindi ko alam. Magagalit talaga ako sayo." Banta ko at tinalikuran siya.

Agad akong umakyat at dumiretso sa kwarto. Hindi ito ang madalas kong ginagawa. Paguwi kasi galing school ay diretso kami ni Angela sa kitchen at sabay na kakain. Pero ngayon ay nauna ako sa kwarto dahil wala ako sa mood.

Agad kong hinubad ang lahat ng suot ko at dumiretso sa bathroom. Binabad ko ang ulo ko sa malamig na shower na walang awang bumabagsak sakin.

Naiinis ako sa katotohanang hindi masabi sakin ni Angela kung ano ang giangawa nila. Naiinis ako na kailangan niya pang itago sakin na parang hindi niya ako mapagkakatiwalaan.

Ikaw ang nagturo non remember? You tell her not to easily trust anyone, even you. Paalala sakin ng ng isip ko. Yeah right!

Pero bakit si tsonggo?! Bakit alam ng unggoy na yun?! May tiwala siya kay tsonggo tapos sakin wala? Ganon ba yon?

Napailing na lang ako ng walang makuhang sagot mula sa sarili ko. Nababaliw na talaga ako.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagligo at nahiga sa kama pagtapos. Humilata ako at pumikit na tanging boxer lang ang suot.



---------

A/N:

Enjoy!

--To be contiuned--

An Angel Inlove With The Badboy (AAIWTB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon