KABANATA 60

29 2 0
                                    

Kabanata 60

Angela's POV

Hindi ako umalis sa tabi ni Lola. Buong oras lang akong nakatingin sa kanya at hawak ang kanyang kamay habang hinihintay na bumalik si Victoria.

Nung matauhan kasi ako galing sa pagiyak, agad kong ipinaalam kay Victoria ang nangyari kay Lola at yung sinabi ng Doctor sakin. Sabi naman niya na pupunta na siya agad. Bantayan ko daw si Lola at wag daw akong aalis sa tabi niya. Bagay na gagawin ko kahit hindi niya sinabi.

Matapos non ay tinawagan ko naman si Mang Raul para malaman kung nasa bahay na si Zepi at kanina pa daw sila nakauwi. Binilin ko rin kay Melie at Manang Sally si Zepi dahil mukhang gagabihin ako at posibleng sa hospital pa ako makatulog.

Pero nung dumating na si Victoria kasama si Arthur ay pinilit na nila akong umuwi. Alam din kasi nila na magisa lang sa bahay si Zepi at may business trip si Nazer. Nagaala din ako kay Zepi kaya pumayag na lang ako sa gusto nila at sinabing maaga ako muling pupunta.

So ngayon ay nasa loob ako ng elevator paakyat sa floor ng room ni Lola. Magisa lang ako at tulalang nagiisip.

Matapos kong ihatid si Zepi ay dumiretso agad ako sa hospital. Naipaliwanag ko na rin kay Zepi ang nangyari kahapon at baka hindi ko na naman siya masundo. Naintindihan naman niya. Sabi pa niya nga na wag ko na siyang ihatid pero di ko ginawa dahil nangako ako sa kanya na parati ko siyang ihahatid.

Ang bumabagabag lang sakin ngayon ay kung sasabihin ko ba kay Nazer ang nangyari.

Nagtext siya sakin kagabi at kinakamusta ang naging araw ko. Ganon din kung okay lang daw ba si Zepi.

Don pa lang gusto ko ng sabihin sa kanya lahat ng nagyayari, pero nagdalawang isip ako.

Ayoko kasi siyang gambalain. Baka umuwi pa siya agad pagsinabi ko ang nangyayari dito lalo na ang kalagayan ni Lola. Napamahal na rin kasi siya kay Lola, nanay na din ang turing niya dito gaya ko. Kay baka hindi niya magawa ng maayos ang deal pagnalaman niya.

Habang nagiisip ay biglang bumukas ang elevator sa 7th floor. Nasa 10th floor ang room ni Lola Vdiola.

Marami silang pumasok at halos mapuno na ang elevator. Nasa pinka dulong gilid ako dahil ako ang nauna sa elevator. May katabi akong patient na may hawak sa kanyang swero. May kasama din kaming iilang nurses at patient na naka wheel chair.

Napatingin na lang ako sa mga ilaw sa taas kung saan pinapakita kung nasaang floor na kami.

Muli akong nagbaba ng tingin at nahagip ko ang liwanag. 

Ang liwanag na hugis pakpak, tanda na tanging ang mga anghel na binaba lang sa lupa ang mayroon.

Agad ko iyong binalikan ng tingin ngunit bago ko pa man nagawa ay lumabas na ito pagbukas pa lang ng pinto ng elevator.

Gusto ko mang sundan ay hindi ko na rin nagawa dahil sa dami ng tao ang papasok sa elavator pagkalabas nila. Mas marami pa kesa kanina.

-

"You sure okay ka lang magisa?" Tanong ni Victoria. Nakangiti naman akong tumango.

Matapos sa elavator ay tumuloy ako sa pagdalaw kay Lola. Winala ko na lang sa isip ko yung nakita ko. Baka din kasi namalikmata lang ako.

Naabutan ko si Victoria sa loob pagpasok ko sa room ni Lola. Isang oras din kaming nagkwentuhan bago may tumawag sa kanya.

Kaya ngayon binibilin niya sakin si Lola na buong puso ko namang gagawin. Kahit dito man lang ay makabawi ako sa lahat ng kabaitang pinakita niya sakin.

"Don't worry akong bahala kay Lola. Tatawagan na lang ulit kita pagmay nangyari."

"Sige aalis na ako. Pasenya ka na talaga ah! Saglit lang naman ako, babalik din ako agad."

An Angel Inlove With The Badboy (AAIWTB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon