KABANATA 40

19 3 0
                                    

Kabanata 40




Nazer's POV

"Uimibig na ang anak mo Mom, kaya lang mukhang one sided love. Or masyado lang akong mabilis? She's not yet ready with this? Should I take it slow? Ano sa tingin mo Mom?" Natawa ako sa sariling kawirdohan. Napahinga ako ng malalim at muling inamoy ang pinitas na sampaguita.

Nakaupo ako sa bench sa garden malapit sa mga bulaklak ng sampaguita. Pagtapos kumain ay dito ako dumiretso na parati ko namang ginagawa. Pero ngayon ay nagtagal ako, para kasing bigla kong namiss si Mommy. Pero di na gaya ng dati na puro panghihinayang at pangugulila ang nararamdaman ko. Gustohin ko mang pumunta sa puntod niya but it's already late, malamang sarado na yung sementery.

Walang nagbago sa ayos ng garden bagaman ay nababawasan ang mga tuyong halaman at bulaklak. May mga bagong tubo na rin ang iba at medyo lumalago. Inaalagaan kasi namin ni Angela itong garden. Nagpapadala rin ako ng hardinero twice a week para ayusin ang mga halaman at bulaklak.

Sa umaga ay si Manang Sally ang nagdidilig katulong ang dalawa pang kasambahay na matagal na nilang ginagawa. Nung mamatay kasi si Mommy, hindi na ako nadadalas sa parete ng bahay na ito. I barely stay here  to be exact because she's fulling every part of this house with her memory, at paulit ulit lang akong nangungulila dahil don. Noon.

Kami ni Angela ang nagdidilig tuwing gabi pero ako lang ang gumawa ngayon dahil umakyat na siya agad. Umiiwas sakin..

Masyado yata akong naging open kay Angela. I let my feelings take over me, I let it controlled me na dapat ay hindi ko ginawa. I should think about her, if she want me to do things like that, like kissing her and hug her without permission. I should have tell her my feelings and ask her if she accept it and she feel the same way. Masyado akong mabilis. Maybe I should take it slow.

Sanay ako na distant sa mga tao sa paligid ko. I'm not letting them in that easily. Hindi ko rin hinahayaan na makita nila kung ano ang tunay na nararamdaman ko because my mind telling me that if I let that happen, they will use it against me. Pero kay Angela, ang dali lang lahat. Naipapakita ko kung sino talaga ako, kung ano ang nararamdaman ko, all of me krystal clear. I should have been threaten pero hindi. Kasi alam kong hindi niya ako sasaktan, sigurado ako. Because she's different, she's my angel, my saviour and I trust her.

Napaangat ako ng tingin sa taong upmupo sa tabi ko. Kay Angela.

"Sorry kanina." Nakayukong ani niya. "Hindi ko lang talaga alam kung anong gagawin ko.. Naguguluhan ako." Nakayuko pa rin siya. Nakatingin naman ako sa kanya at hindi nagsalita, hinihitay ang sasabihin pa niya. Gustong malinawan. "Sabi ni Leia, sabihin ko lang daw sayo, tapos ikaw na ang bahala sakin. Pero kasi, iniisip ko kung anong mangyayari pagtapos. Kung anong gagawin mo.."

Hindi pa rin ako nagsalita. Lumipas ang ilang sigundo na pareho kaming tahimik. Maya maya ay bigla niyang inangat ang tingin sakin at tuming ng diretso sa mga mata ko. "Zyne gusto kita." Mabilis niyang sinabi na ikinabigla ko. "Alam kong hindi tama, hindi ko dapat nararamdaman to. Hindi dapat kita nagustuhan, ayokong makagulo sayo. Alam ko may nagmamayari na ng puso mo, may gusto ka ng iba, may mahal ka ng iba. Kaya gaya ni Leia magmomove on na din ako–"

"Sandali." Pinigil ko siya sa iba pa niyang sinasabi na hindi ko naman na naintindihan. Sa unang sinabi niya lang ang atensyon ko. 

Saglit akong natahimik dahil pinoproseso pa yung mga sinabi niya.Tama naman ako ng dinig diba? Gusto rin niya ako?  "Sinabi mo ba talaga yun? Gusto mo ako?"

Nakayuko siyang tumango. "I like you."

"Kelan pa?" Tanong ko, di matago ang saya.

Tumingin siya sakin pero hindi sa mga mata ko. "H-hindi ko alam. Basta bigla na lang akong naging hindi komportable pag malapit ka. Tapos may weird na nangyayari sa puso ko. Mas napatunayan ko pa yun kagabi. Hindi ako nakatulog dahil sa walang humpay na pagkabog ng dibdib ko, nagtataasan ang mga balahibo ko sa bawat paghinga mo sa balikat ko. Buong gabi kong inisip kung bakit ganon ang nararamdaman ko pero hindi ko nasagot. Kaya nagtanong ako kay Leia kanina at sinabi niyang gusto kita. Hindi ko alam... Bago lang sakin lahat ng ito. Naguguluhan ako." Hindi ako nakapagsalita sa sobrang saya.

Ngayon na lang ulet ako nakaramamdam ng sobrang kaligayahan. Sayang hinding hindi ko makakalimutan kelan man.

Gusto niya ako!! Ibig sabihin may pagasa ako! Gagawin ko ang lahat para mahalin niya rin ako!

"Sorry. " Biglang sabi niya makalipas ang ilang minutong katahimikan. "Hayaan mo, mawawala rin to agad. Hindi na pwedeng lumalim to–"

"Sinong nagsabi sayo?" Pinigil ko ulit siya. Medyo nainis dahil sa huling sinabi niya. "Bakit hindi na pwedeng lumalim?"

"Kasi nga may mahal ka ng iba. Tsaka hindi tama, hindi pwede." Nakayuko niyang sabi.

"Oo, may mahal nga ako..." Napaangat siya ng tingin sakin nung hinawakan ko yung kamay niya at mas lumapit pa sa kanya. "At ikaw yun."

Kumunot ang noo niya. "Ha?"

"Ako dapat ang nagsosorry. Sorry dahil masyado akong mabilis. Hindi ko lang talaga makontrol yung sarili ko pag ikaw na, lahat nagkukusa. But I will do my best to control it from now on. We will take it slow, for your sake. Kung gusto mo, liligawan kita even though I don't know how. But for you, gagawin ko."

Tinanggal niya yung kamay niya sa pagkakahawak ko."Pe-pero hindi maaari, hindi pwede! Hindi tama."

Anong hindi pwede? "Anong hindi tama?" Takang tanong ko. Hindi siya sumagot at yumuko lang. "I know bago pa lang lahat sayo ito at may amnesia ka pa. Pero Angela, bigyan mo naman ako ng chance." I sounded like a desperate pleading man. But for Angela.. Hinawakan kong muli ang kamay niya na kusa naman niyang binigay. Nagangat siya ng tingin sakin. "Tulad mo, bago lang din sakin ang nararamdaman kong ito. I never felt this feeling before, and I don't know how to stop this. Kaya kung hihilingin mo na tumigil na ako, wag kang mahalin. Angela ngayon palang, sinasabi ko sayong hindi ko kaya. I've never been sure with my feelings but one thing is for sure, hindi ko ito mapipigilan."

"H-hindi kasi tama ee. Mali to." Umiling siya ng umiling.

"Ano bang mali? Anong hindi tama dito? Bakit hindi pwede? Ipaliwanag mo please..." Naghintay ako ng sagot sa kanya pero tulad kanina, yumuko lang ulit siya.

Here we go again. May kirot akong naramdaman dahil sa ginawa niya. Parang lahat ng saya ko kanina, napalitan ng sakit. Pinatunayan lang non na hindi niya talaga ako pinagkakatiwalaan. Na parang lahat ay tinatago niya sakin at hindi kayang sabihin. Natitiis niyang makita akong maguluhan at halos magmakaawa na para sa paliwanag niyang hindi masabi. Ganon na ba ako kahirap paliwanagan? Am I not deserving for her explanations?

Binitawan ko yung kamay niya at umayos ng upo. Umusog din ako sa pinaka dulo ng bench malayo sa kanya."We both knew in this kind of feeling. Pero sana, wag mong pigilan. Hayaan mo sana ang nararamdaman mo para sakin. Hayaan mong maramdaman ko yung feelings mo at hayaan mo rin na imaparamdam ko yung feelings ko para sayo. Sapat na sakin yun. Kahit di ko na marinig ang paliwanag mo. Kailanman." Iniwan ko siya sa bench at pumasok sa mansion.






----------

A/N:

Enjoy gusysss🙂 Spread the love❤❤

An Angel Inlove With The Badboy (AAIWTB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon