KABANATA 10

37 6 0
                                    

Kabanata 10: Meeting

Mahaba at malayo na ang aking nalakbay. Malayong malayo na ako sa hospital kung nasaan si Asheal. Wala akong tinutuluyan, hindi rin ako natutulog. Parang walang kapaguran ang aking katawan. Minsan lamang ako magpahinga at gagawin ko lang ito kung ako'y nagugutom.

Dalawang araw na akong naglalakbay. Ngunit hindi ko pa rin siya makita. Kung saan saan na ako nagpunta at kung sino sinong mga tao na ang aking nakasalamuha pero wala pa rin. Hindi ko pa rin siya mahanap hanggang ngayon.

Hindi ko pa nagagamit ang pera na ipinadala ni Asheal sa akin dahil wala pa naman akong paggagamitan nito. Hindi naman iyon kalakihan ngunit sapat na para sa aking paglalakbay. Ang pagkain naman na pinadala niya sakin ay malapit ng maubos, hindi ko kasi mapigilang maging matakaw lalo pa't ito ay napaka sarap.

Pag oras naman na ng pagligo ay pumupunta ako sa mga lugar na may cr at doon ako nag lilinis. Pagmay tubig ay doon ako naliligo pero kung wala naman ay ginagamit ko ang mga panlinis sa katawan na ipinadala ni Asheal sakin. Napaka laking tulong talaga ang naibigay niya sakin kaya laking pasalamat ko at pinagtagpo kami ng Dakilang Lumikha.

Maayos naman ang paglalakbay ko. Sinunod ko lahat ng sinabi ni Asheal na dapat at hindi dapat gawin. Hindi ako agad nagtitiwala sa mga taong kusang lumalapit sakin dahil ang iba sa kanila ay may bahid na ng itim na ispirito.

Nakikita namin yon sa tabi ng kanilang kaluluwa, ngunit wala kaming magagawa para matanggal yun sa kaluluwa ng tao. Ito ay magkukusang matanggal kung ang taong meron nito ay kusang magbabago sa dating masamang gawain na mapapalitan ng mabuting gawi. At bibihira lamang ang mga taong nalalabanan ang itim na ispirito. Dahil pag ito ay dumikit na sa iyong kaluluwa, unti unti nitong sasakupin ang iyong kaluluwa. At sa oras na lumaki na ang sakop nito sa iyong kaluluwa, wala ka ng kawala. Mahirap na itong tanggalin sa iyong sistema. Kumbaga, wala ka nang pagasa.

Naglalakad ako ngayon sa tabi ng kalsada at madilim na ang paligid. Katatapos ko lang maligo sa isang tindahan ng mga pagkain at may cr sila doon. Puting bistida ang aking suot ngayon at tsinelas na parati kong suot at kailan man ay hindi ko pinalitan mula ng ibigay ito sakin ni Asheal. Walang ilaw dito sa dinadaanan ko, wala ring mga tao dahil siguro gabi na at oras na ng pagtulog. Ako lang ang naglalakad dito sa lugar na ito.

Ngunit kahit ganon ay matapang kong tinahak ang lugar na ito kahit na may panganib na maaring mangyari sakin sa pagtuloy ko.

Madilim at halos hindi ko na makita ang daan kaya naman kinuha ko sa bag yung flashlight at ginamit.

Basa ang kalsada at nagkalat ang mga basura kung saan saan. Kaya pala may kakaibang amoy na sa lugar na ito, sanhi ng iba't ibang uri ng basura na nagkalat sa lugar. Iba't ibang uri ng dumi ng tao, hayop, mga damit na sira at maitim na, mga plastic, panis na pagkain, pinagbalatan ng gulay at prutas at ang mas nakakalungkot ay mga patay na hayop at halaman na nakatambak sa isang gilid.

Nakakalungkot lang isipin na ang mga hayop at halaman na iyon na pinaghirapan ng Dakilang Lumikha ay nauwi lang sa ganoong kasaklap na pangyayari. Pinaghirapang buoin yun ng Dakilang Lumikha para sa mga tao, para gumaan ang kanilang buhay sa mundong ito. Ang dapat lang nilang gawin ay alagaan at pagyamanin pa ito ngunit bakit parang hindi nila magawa ng tama? Ganito na ba kasakim at kagahaman ang mga tao na imbis na alagaan at pagyamanin ang mga ito ay kanilang sinasayang at sinisra? Ganon na ba sila kawalang pakealam sa kalikasan na okay lang masira ito basta makuha nila ang lahat? Sinisira at sinasayang nila ang yaman na malaki ang pakinabang sa kanila!

Sa mga yaman na ito, kung magbabwas sila ay dapat magdagdag din ng sa ganon ay mapalitan ang nawaldas. Hindi yung kuha na lang ng kuha, pag pinagpatuloy nila iyon ay maaaring maubos ang yaman at wala na silang magagawa upang ibalik ito o miski palitan. Kaya dapat ngayon pa lang, matutunan na nila ang pangalagaan ito.

An Angel Inlove With The Badboy (AAIWTB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon