KABANATA 66

21 2 0
                                    


Kabanata 66

Nazer's POV

"Nazer, pwedeng pahinto muna sa shop na yun? May bibilihin lang ako." Si Miss Tanya habang tinuturo yung shop na tinutukoy niya.

Pauwi na kami ni Miss Tanya galing sa pampangga nung tumawag si Angela. Dapat mamaya pa kaming gabi makakauwi pero pinilit ko talaga na makauwi ng mas maaga dahil may gusto pa akong linawin kay Martha bukod sa sasabihin ni Angela.

Ang weird kasi ng kinilos ni Martha kagabi. Matapos niyang magalit at sigawan ako, nagmakaawa siya na parang apingapi. Lumuhod pa siya sa harap ko at walang tigil na humagulgol. Matapos non ay bigla na lang siyang natumba. May naamoy din akong alak nung buhatin ko siya at dalhin sa kwarto niya.

Hindi siya ganon dati. Never siyang nagtaas ng boses at bayolenteng nakipagusap sa ibang tao. Lalo na sakin. May nagiba sa kanya kaya kailangan ko siyang makausap ngayon din.

Sinunod ko yung gusto ni Miss Tanya kahit pa nagaalinlanga ako. Nagpark ako sa parking space ng shop.

Mukha kasing importante ang sasabihin ni Angela. Gustuhin ko mang kausapin siya habang nagdadrive di pwede dahil may kasama ako.

"Hindi ka naman nagmamadali diba? Saglit lang ako." Hindi na niya ako hinintay na sumagot at bumaba na agad. Sana lang talaga mabilis lang siya.

Nilabas ko na lang yung diary ni Dad at nagpatuloy sa pagbabasa.

Dinala ko pa to sa pampangga dahil naeexcite na ako sa mga pangyayari. Nasa part na kasi ako kung saan magasawa na sila Mom and Dad. At base sa mga sinusulat ni Dad tungkol kay Mom, feeling ko may nararamdaman siya kay Mom but his just frustrated and denial to that fact. Maybe because they start in a wrong way and what they have that time is just for the business. Plus the disappearance of Martha without closure. Kaya siguro naguguluhan pa si Dad non.

Nabitawan ko yung diary at nahulog malapit sa break dahil sa biglang pagtunog ng cellphone ko.

Tumaob yung diary at malamang may mga pages na nalukot at natupi dahil don.

Kinuha ko yon sa tamad na paraan, hawak lang ang pinaka cover ng diary at nakalaylay yung mga pages. Di kasi ako magkasya sa space sa baba.

May nahulog na isang papel mula sa notebook. Akala ko nung una part siya ng notebook at napunit dahil sa paraan ko ng pagdampot kaya agad ko yun kinuha at binasa ang taon para sana maibalik sa dati.

Pero wala akong nakitang taon, nagbago din ang layout at structure ng sulat at hindi ito ang sulat kamay ni Dad.

Nagtataka ko yung binasa.

'Hindi ako makalapit sayo kaya sa sulat ko na lang idadaan ito. Niel, hindi na siya ang dating Martha. May nagiba na sa kanya. Hindi na siya ang dating kaibigan ko. Hindi na siya ang babaeng mahal mo. Alam kong mahirap paniwalaan pero sana pakinggan mo ako. Martha is a serial killer. Pinatay niya ang nanay at tatay niya at lahat ng mga pamilya na kumupko sa kanya.

One time nung wala kayo parehas sa mansion, napadaan ako sa kwarto n'yo I got curious so pumasok ako. Makalat kaya naisipan ko linisan. Habang naglilinis, may napansin akong red box sa tagong gilid ng study table, natatakpan ng kung ano anong bagay. Sobrang luma na ng box at may masamang amoy nung buksan ko. I got shocked on what's inside. It's IDs of different person covered with blood. It's like a collection and souvenir of those people she killed.

Karamihan sa mga pangalan sa IDs parehas ang apelyido kaya I did my research. And it turns out that they are 3 wealthy families, mga pamilya sila na wala na ang ilaw ng tahanan and all the names in each IDs inside that box are already dead. Lahat sila patay na. What shocked me the most is that Martha is part of them. She became wife of each father's in that families.

An Angel Inlove With The Badboy (AAIWTB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon