KABANATA 53

23 2 0
                                    

Kabanata 53

Angela's POV

"Perya." Banggit ko sa pangalan ng lugar kung saan nakahito ang kotse ni Nazer ngayon.

Sabado na kaya nasa perya kami, tinupad na niya yung pangako niya sakin na ipapasyal niya ako pagtapos ng mga trabaho niya at ngayong sabado na yun.

Apat na araw ang lumipas bago ang araw na ito. Sa apat na araw na iyon ay medyo nabawasan ang takot ko dahil hindi pa rin lumalabas si Martha sa kawarto niya kaya hindi ko siya nakikita.

Hinahatidan lang siya ng mga kailangan niya ni Manang Sally at Melie tulad ng pagkain, bagong damit at mapaglilibangan. Nagbababa din ng mga gamit si Manong Rolly mula sa kwarto niya na binigay daw sa kanya ni Martha. Sa palagay ko ay gamit yun ng Daddy ni Nazer dahil mga panlalaki iyon na mga damit, sapatos, pantalon halos lahat na yata ng gamit ni Tito Niel. Ilang araw din kasing naghakot si Manong para maibaba mga iyon dahil sa sobrang dami.

"What are you thinking?" Tanong ni Nazer nung mapansin na tulala na naman ako.

"Nothing. I'm just excited and glad to be here again." Nakangiti akong bumaling sa kanya. "Punta tayo sa karinderya after dito."

"Ee will but for now, let's enjoy." Tumango lang ako bilang tugon sa kanya.

We do the usual. Una naming sinakyan yung Roller Coaster and all the thrilling and extreme rides then after that sa mga booths kami tumabay, lahat ng hindi namain natry nung huli naming punta ay ginawa namin. Pati yung mga bagong tayong booths ay sinubukan namin.

Meron ngang isang booth kung saan nagtagal kami kasi sobrang natutuwa ako. Yung may mga numbers sa table na may mga katumbas na prices tapos kailangan mong maghagis ng ten pesos. Lagi akong nakakakuha ng prices sa bawat hagis ko ng barya, nanalo kami ng teady bear, pillow, plato, baso, set ng spoon at fork, may mangkok at platito pa. Halos maubos na nga ang nga prices ni Manong kaya ayun, pinaalis na niya kami. Lugi na daw kasi siya.

"What do you want to eat?" Maya maya ay tanong ni Nazer. Naglalakad na lang kami ngayon habang pinagmamasdan ang mga taong nagsasaya sa mga booths at rides.

Sasagot na sana ako nung makita ko ulit yung anghel. "Gusto kong pumasok don." Sabi ko at nauna nang maglakad. Natigil lang ako sa tapat ng anghel na istatwa pala.

Pinagmasdan ko itong mabuti, lalo na ang pakpak na nasa likod niya. Maganda at malinis ang pagkakaukit nito, sa unang tingin ay para nga talaga siyang anghel dahilan kung bakit kinausap ko siya nung una ko itong makita.

"May bibilhin ka?" Tanong ni Naze nang makalapit sakin.

"Gusto ko lang tumingin. Hindi mo kasi ako sinama nung una kang pumasok dito." Nakanguso akong humarap sa kanya.

"It's because I want to surprise you with a present. Hindi na surprise kung malalaman mo kung ano ang binili ko."

Hindi ko na siya inimik at nagpatuloy na lang sa paglalakad papasok sa maliit na shop. Nakasunod naman siya sakin.

Maganda ang loob ng shop. Puro puting kulay at mga anghel ang makikita mo. May malaki at maliit na pigurin ng anghel. May nagiisa at meron ding may kasama. Iba't iba din ang anyo nila. Merong nakayuko na at magkalapat ang kamay na tila nagdarasal, may nakabuka ang pakpak na animoy lumilipad at meron ding nakatayo lamang. Iba iba ang anyo ngunit pareparehong nakangiti. Lahat ng pigurin ay ukit mula sa kahoy gaya ng kwintas ko.

Inikot ko ang munting shop ng mga anghel habang tahimik namang nakasunod lang si Nazer. Kami lang ang tao sa loob ng shop kaya malaya kong naiikot ito.

Naghahanap ako ng kwintas na kapareha ng suot ko. Gusto kong ibigay kay Nazer para pareho kaming may ganitong kwintas.

An Angel Inlove With The Badboy (AAIWTB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon