KABANATA 1

108 5 0
                                    

Kabanata 1: The living demon Nazer Zyne De Villa

Nazer's POV

"H-hoy! K-kilala mo ba kung sino ang kinakalaban mo?!" Sigaw ng lalaki habang nakahandusay sa sahig at hawak ang mukha niyang sinapak ko.

Tapangtapangan, halata namang takot. Kulang na lang maihi sa pantalon. Tss.

"H-h-hindi. Tss." I mocked him. "You're not worth to be known."

Napaaway pa ako dahil sa babae. Tsk! Hindi naman maganda ang babaeng to!

Nasa bar kasi ako at may umupo na babae sa tabi ko at nilandi ako. Hindi ko nga pinapansin ang babae na yun kahit na kung saan saan na dumadapo ang kamay niya, pinababayaan ko lang siya. Tapos may biglang sumugod sakin at sinapak ako, pinagbintangan pa ako na sinulot ko raw yung girlfriend niya.

Syempre hindi ako papayag na hindi makaganti kaya sinapak ko din siya ng dalawang beses. Tigas nga ng mukha ee, mukha pang unggoy.

At ngayon, nagpapakilala na siya. "A-anak ako ng mayor! K-kayang kaya kitang ipapatay ngayon din mismo!"

"Tinanong ko ba? Tumayo ka d'yan at gawin mo. Puro ka salita." Bored na sagot ko at umupong muli sa pwesto ko kanina bago ako guluhin ng dalawang yun.

Umupo ulit yung babae sa tabi ko kaya itong lalake na sumapak sakin ay mas lalong nagalit.

"Talaga naman! Tumayo ka nga dyan!" Tumayo siya at sinabi niya yun sa malandi niyang girlfriend. Sapilitan niya pa itong tinayo.

"Ano ba! Bitiwan mo nga ako!" Palag naman nung babae.

"Lantaran naman ang panlalalaki mo! Nandito ako sa harap mo, baka nakakalimutan mo!"

"Sana pinaalala mo rin yan sa sarili mo! Buti nga ako e, ganito lang. E ikaw, ikinama mo pa!" Pareho lang pala silang malandi. Tsk.

Habang nagaaway sila ay biglang nagvibrate yung cellphone ko mula sa bulsa ko.

"Istorbo." Sagot ko sa phone sabay lagok ng alak.

"Nazer, nasan ka? Kanina ka pa namin hinahanap ng Dad mo." It's just Martha, ang malanding kabit ni Dad. And as always, nag fifiling na naman siyang nanay ko. "Di ka na naman daw pumasok? Nazer, anong balak mo sa buhay mo? Hindi ka ba naaawa sa dad mo, parating sumasakit ang ulo sa kakaalala sayo. Kelan ka ba----" Bago pa niya matapos ang kung anong nakakadiri niya pang sasabihin, pinutol ko na.

"Oo na paulit ulit. Uuwi ako kung kelan ko gusto. At pwede ba, wag kang makealam! Di naman kina nanay! Tss!" Inis na sagot ko at bago pa siya makapag salita ulit, binaba ko na.

Nakakainis! Hanggang sa cellphone ba naman!? Sawang sawa na ako sa pagmumukha niya sa bahay.

An Angel Inlove With The Badboy (AAIWTB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon