KABANATA 44

26 3 0
                                    

Kabanata 44

Angela POV

Ilang minuto rin kaming nakatayo sa tapat ng bahay ni lola Vdiola. Mahigpit ang yakap sa isa't isa na parang ilang taong hindi nagkita .

"Na miss kita." Ani Nazer, nakayakap pa rin at hinalikan ang ulo ko.

"Na miss din kita."

Medyo tinulak niya ako at dinungaw yung mukha ko. "So tara na? Umuwi na tayo."

Tuluyan na akong kumalas at umiling. Nagtaka naman siya at kumunot ang noo. "Walang kasama si Lola Vdiola. May sakit siya kaya dito muna ako para alagaan siya. Mauna ka na, uuwi na lang ako pag okay na siya."

Umiling din siya. "No. Hindi ako uuwi ng hindi ka kasama."

"Dito ako matutulog. Pwede ka naman mauna, uuwi na lang ako bukas."

"Ayoko. Ma mimiss lang kita. Dito na lang rin ako matutulog."

"Ha? Hindi pwede! Paano si Ate Tanya? Tsaka sina Manang Sally."

"Itetext ko na lang si Manang. Si Miss Tanya naman umuwi na kaninang umaga."

"Umuwi na?"

"Oo. Nagaalala nga yun sayo dahil sa paglalayas mo. Gusto ka pa ngang hanapin. Buti na lang nagiwan ka ng sulat at nakalagay kung saan ka pupunta, kung hindi pinahanap na kita." Pagalit kunwari na sabi niya.

Napayuko ako. "Nagiawan ako ng sulat para hindi kayo magalala sakin."

"Tapos iniwan mo rin yung kwintas na binigay ko sayo. Ganon mo na ba ako gustong kalimutan?"

Ngumuso ako dahil tumawa pa siya. Hindi ko naman nagawa ee! "Sa tingin ko kasi yun yung mas makakabuti para sating dalawa."

"Mas makakabuti kung nasa tabi kita. Ikaw lang yung lakas ko e. Ikaw lang ang dahilan kaya nakakaya ko. Wag mo na ulit gagawin yun ha? Hindi ko kaya. Masakit dito." Sabi niya sabay hawak sa dibdib kung nasan yung puso niya.

Tumango na lang ako bilang sagot sa kanya.

"Nasan na pala yung kwintas ko?"

May kinuha siya sa bulsa niya at nilabas yung kwintas na hinubad ko kagabi. "Wag mo na ulit huhubarin to ah. Sa susunod hindi ko na ibabalik sayo to."

"Hindi na talaga. Suot mo na." Tumalikod ako para sana maisuot niya sakin yung kwintas pero hinarap niya ako sa kanya.

"Promise?"

"Promise." Muli niya akong tinalikod at sinuot na sakin yung kwintas.

Buo na ulit ako! Kasama na talaga sa pagkaanghel ko ang kwintas na ito. Bahagi na siya ng katawan ko kaya nung hindi ko ito suot ay parang may kulang. Hindi buo. Kaya ngayon, hindi ko na talaga ito huhubarin. Kailanman.

Gaya ng sabi ni Nazer, hindi talaga siya umuwi. Sa bahay ni lola Vdiola rin siya natulog.

Dalawa lang yung kwarto dito sa bahay ni lola kaya, katabi ko si lola tapos si Nazer sa kabilang kwarto.

"Magpahinga na muna kaya kayo. Wag na muna kayo pumasok." Pagpilit ko kay Lola. Gusto niya kasi na tumulong sa karinderya.

Nagaalmusal kami ngayon. Dalawa lang kami ni Lola kasi maagang umalis si Nazer para makapag ayos pa. Pumapasok na kasi siya sa company nila. Marami pa siyang dapat pagaralan don.

An Angel Inlove With The Badboy (AAIWTB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon