KABANATA 13

31 5 0
                                    


Kabanata 13: past

"HAHAHA! Dahan dahan naman sa pagkain." Natatawang saway ko kay Angela. Punong puno kasi ng pagkain ang bibig niya, as in puno. Mukha na siyang hamster na nagiimbak ng maraming pagkain sa bibig. Tapos sobrang dami niya pang kalat. Para siyang aso na ngayon lang ulit nakakain makalipas ang maraming taon. Hayy ewan ko na lang pag di pa yan tumaba ng sobra HAHAHA!

"Ang sarap kasi nitong Sinigang. Sa wakas ay natikman ko nang muli ito." Pagsasalita niya habang may laman pang pagkain yung bibig niya. Buti na lang hindi umaabot sakin ang talsik ng pagkain mula sa bibig niya pagnagsasalita siya. Kawawa naman yung teady bear na yakap niya, doon napupunta lahat ng talsik mula sa bibig niya. Kadiri naman itong babaeng to. Pero kahit na ganon, natatawa ako sa kanya! Mukha kasi siyang ignorante!

Ilang minuto pa ako tumawa. bago pinilit ang sarili maging seryoso at nagsalitang muli. "Ayusin mo nga ang pagkain mo! Tinuro ko na sayo yon diba?"

"Oo." Ngumuso siya at bumagal na ang pagkain niya.

Pinagmasdan ko na lang siyang muli bago nagpatuloy sa pagkain. Pero hindi ko kayang kumain ng payapa nagyon. Panay ang sulyap ko kay Angela at panay din ang tawa ko sa paraan niya ng pagkain. Ngayon na lang ulit ako tumawa at naging masaya ng ganito.

Hindi ko alam kung paano ko naubos ang pagkain sa plato ko. Panay lang kasi ang panonood ko kay Angela at sa pagtawa. Nakakaenjoy siyang panoorin.

Pero habang tumatagal ay parang hindi na nakakatuwa. Kanina pa ako tapos kumain pero hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos kumain si Angela. Tama naman ang bilis niya sa pagkain pero nakailang order pa siya kaya natagalan at hindi na nakakatuwa yun. Tsk. Mamumulubi ako pag lagi kong kasama ito. Ang lakas kumain!

Nagvibrate ng isang beses yung phone ko. Meaning may nag text. I open it to see Haley's message.

From: Haley

Hey, Nazer baby. We have a club party tonight. Wanna come and join us?

Just call me if you wants to come and I will send you the details.

I hope you will come. I'll wait for you baby😗😊

And by the way, I miss you😘

Napapailing na lang ako sa text niya. Part of me, wants to come to that party but the other side of me doesn't want to.

Pag pumunta ako, mapupuna yung pangungulila ko sa mga party pero walang magbabantay kay Angela. Hayy bahala na nga.....pupunta na lang ako. Iwan ko na lang muna si Angela.

Naputol ang pakikipagusap ko sa sarili ko nang marinig ko ang napakalakas na dighay na nagmula kay Angela. Malaking mga mata ang pinukol ko sa kanya. Sa sobrang lakas ng dighay niya malamang dinig ito ng lahat, nag echo pa.

Napatingin ako sa paligid namin at lahat ng mata ng mga kumakain sa karinderya ay nakatingin samin. Saglit silang natigilan at sabay sabay na tumawa. Huh? Tumawa?

Nagtataka akong tumingin sa kanila habang tumatawa sila. Ang inaasahan ko ay titingin sila samin ng masama at mandidiri ngunit nagkamali ako.

Kung nasa mamahaling restaurant kami kumain kasama ang mayayaman at sosyaling tao at ginawa ni Angela ang pagdighay ng ganong kalakas, malamang na pinandidirihan na siya don na parang never silang dumighay sa tanang buhay nila, na parang isang nakakadiring gawain ang pagdighay kahit hindi naman dahil likas na ito sa tao.

An Angel Inlove With The Badboy (AAIWTB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon