KABANATA 59

28 2 0
                                    

Kabanata 59

Angela's POV

"Matagal na pala siyang may sakit. Tinago niya satin. Tinago niya sakin! At napakagaling niya sa larangan na iyon. Napakagaling niyang umarte na okay lang siya! Na wala siyang iniindang malalang sakit pagnasa harap namin siya! Pagnasa harap ko siya! Napaka galing ee! Napaka galing mo Lola!!" Umiiyak na sabi ni Victoria. Napaupo pa siya sa gilid ng kama habang hawak ang kamay ni Lola Vdiola. Agad ko naman siyang dinalohan.

Nasa hospital kami ngayon. Si Lola Vdiola ay nakahiga sa hospital bed, walang malay at tanging oxygen lang ang nagbibigay buhay. Sitwasyong kaylanman ay hindi ko naisip na kalalagyan niya.

Matapos ang tawag ni Victoria kanina, dumiretso agad ako sa hospital na binanggit niya. Binilin ko na lang si Zepi kay Manong Raul.

Sinabi ni Victoria sakin ang nangyari. Sabi niya, nakita daw ni Bea si Lola na parang nahihirapang huminga tapos bigla na lang daw itong hinimatay habang nasa karenderya sila. Dinala daw nila agad ito sa hospital tatlong araw na ang nakakalipas.

Three days na si Lola sa hospital na wala pa ring malay. At sa three days na iyon, nalaman nila na matagal na pala itong may lung cancer. Four years na niyang iniinda ang cancer niya at patagong ginagamot ang sarili sa pamamagitan ng paginom ng mga gamot.

Naalala ko nung tumira ako sa bahay ni Lola, nakita ko mismo kung paano siya nahirapang huminga at ang dami ng gamot na ininom niya. Na dati ang akala ko ay simpleng hapo lamang. Pero dahil pala iyon sa malala niyang sakit. Ang mga gamot na iyon pala ang pinanglalaban niya sa sakit niya.

Ngayon, malala na daw ang sakit ni Lola at maaaring hindi na maagapan pa. Sa lagay daw niya ngayon, ano mang oras ay pwede siyang mamatay. May taning na ang buhay ni Lola.

"How can't I know that?" Patuloy ni Victoria na patuloy pa rin ang pagagos ng luha, gaya ko. "Parati kaming magkasama, panong di ko nahulaan na may sakit siya? Kung hindi pa nangyari ito, hindi ko pa malalaman! Kung nalaman ko lang ng maaga edi sana may nagawa ako! Sana naagapan pa!"

Lumapit ako kay Victoria at niyakap siya, sabay kaming umiyak at nalulungkot sa kalagayan ngayon ni Lola. Ako din Victoria, sana nalaman ko ng mas maaga. Sana maagapan ko pa.

Isang oras din kaming nakaupo sa tabi ni Lola Vdiola. Umiiyak at nagtatampo kay Lola.

Hindi ko matanggap na nasa harap ko siya ngayon at nakahiga na parang walang buhay sa kama. Walang malay at may kung ano anong tubo ang nakakabit sa kanya. Hindi ko kayang makita. Nakakadurog ng puso.

Kaya ngayon din mismo, gagamutin ko siya. Aalisin ko ang sakit niya na matagal ng nagpapahirap sa kanya.

Para lumakas na ulit siya. Makita ko na ulit ang sigla at mga ngiti niya. Ang galing niya sa paglalaro ng chess at pandaraya sa sungka. Maguunggoy unguyan pa kami at tongits. Gusto ko pang matikman ang mga luto niya. Higit sa lahat, maguusap pa sila ng anak niya. Kaya gagawin ko ang lahat. Lola, gagaling ka!

Sinundo si Victoria ni Arthur kaya ako lang ang magisa ngayon sa room. Hinahanap na daw kasi siya ni Thrio. Nung una ayaw niyang umalis pero napilit din namin.

Hindi ko siya masisisi, kahit ako ngayon ayaw nang umalis sa tabi ni Lola. Ayoko siyang mawala, hindi pwede. Hindi pa niya nakikitang lumaki si Thrio. Kung gaano ito kagwapo paglaki niya. Hindi pa sila nagkakabati at nagkikita ng anak niya. Lola hindi pa pwede, please!

Pinunasan ko ang mga luha sa aking mukha at agad na tumayo. Walang pagaalinlangan at sinasayang na panahonng nilapat ko ang aking palad sa noo ni Lola Vdiola.

Ito na ang huli kong paggamit ng kapangyarihan. Pagnatapos ito ay wala na. Magiging normal na tao na ako. Walang kapangyarihan na maaring makatulong sa mga tao.

Pero ayos lang. At hinding hindi ko ito pagsisisihan. Ang nasa isip ko lang ngayon ay mapagaling si Lola. Mawala lahat ng sakit niya at bumalik na ang sigla niya. Para sayo Lola.

Diterminado at nananalangin akong pumikit. Gumana ka. Wag mo akong biguin.

Ilang minuto pa akong nakapikit matapos ang paggamit ko ng kapangyarihan. Matunog na nananalangin na sana magtagumpay ako at mapagaling si Lola. Ayoko nang maramdamang muli yung pakiramdam nung nabigo ako sa paggamot kay Lola Felicia. Ang sakit at pagkadismaya sa sarili. So it must work!

Dalawang beses ko pang inulit ang paggamit ko sa kapangyarihan ko para makasiguro ako.

Matapos non ay dahan dahan kong minulat ang aking mga mata at ang bumungad sakin ay si Lola Vdiola na nakahiga pa rin sa hospital bed tulad kanina, pero ngayon ay nakamulat na siya at nakangiti sakin. Gumana?! Yes! Gumana!

Agad akong napayakap kay Lola sa sobrang tuwa. "Gumana Lola! Magaling na po kayo!"

Napabitiw lang ako nung may narinig akong nakakarinding tunog. Agad akong napatayo at tumingin kay Lola. Nakapikit na muli ang kanyang mata at parang nahihirapan siyang huminga.

Kumunot agad ang noo ko. Napagaling ko si Lola diba? Okay na siya! Dumilat na nga siya ee! Pero bakit..

Napatingin ako sa pinto nung nagmamadaling pumasok ang tatlong nurse at isang doctor. Agad nilang dinaluhan si Lola. Napaataras naman ako dahil sa paglapit nila. Naguguluhan pa rin sa mga nagyayari.

"Miss, sa labas po muna kayo. Gagawin po namin ang lahat para maligtas si Lola." Sabi ng isang nurse. Ginuide niya pa ako palabas ng pinto. Habang wala sa sarili naman akong nagpatiunod.

Tulala akong napaupo sa bench sa tapat ng room. Nakatulala sa saradong pinto ng room kung nasaan si Lola. Kwartong napupuno ngayon ng nurse at doctor na sumusubok isalba ang buhay niya. Pagsalbang hindi ko nagawa! Wala na naman akong nagawa!

Ito na ang pangalawang beses! Bakit ganito pa rin?!!

Anong silbi ng kapangyarihan kong magpagaling kung hindi ko naman magawa sa mga panahong ganito!? Lagi na lang ba akong ganito? Walang silbi!?

Di ko namlayan ang pagtulo ng luha ko sa mga mata ko. Walang humpay na pagtulo kasabay ng mahihinang hikbi.

Nangyari na naman. Ito na naman ang sakit at pagkadismaya sa sarili. At mas lalo pa ng dumoble dahil si Lola Vdiola iyon. Ang kaisa isang tao na naging nanay ko sa mundong ito. Ang taong pinakain ako at tinaggap ng walang pagaalinlangan sa bahay niya. Na kahit hindi niya ako kilala, binigyan pa rin ako ng lugar na matutulugan. Pinatuloy niya ako sa bahay niya.  Tinuring na sariling apo kahit hindi niya ako kadugo.

Marami siyang naitulong sakin pero kahit isang beses ay hindi ko pa ito nasusuklian. Wala pa akong nagawa para sa kanya. Para masuklian lahat ng kagandahang loob na ginawa niya sakin. At kahit ngayon ay bigo pa rin ako. Kahit ito na lang ay hindi ko pa rin naibigay sa kanya. Wala pa rin akong nagawa.

Tulala at talunang nakatulala sa harap ng kwarto ni Lola. Wala ring humpay ang patulo ng luha ko at paghikbi. Ganon lamang ang ayos sa oras na nakalipas. Nananalangin na mapagtagumpayan ng mga tao sa loob ang gampanin na hindi ko nagawa.

Makalipas pa ang ilang minuto ay lumabas na ang doctor.

Agad akong tumayo. "Kamusta na si Lola? Ayos na po ba siya?"

Nagpunas ng pawis si doc at malungkot na tumingin sakin. "Sa ngayon ay stable na ulit siya. Pero hanggang don na lang talaga ang kaya naming gawin. Wala na tayong magagawa dahil malala na ang cancer sa lungs ni Lola. Di na kinakaya ng mga gamot. Lalo pa ngayon na sobrang hina na ng katawan niya at medyo may edad na rin si Lola. Wala na itong kasiguradohan kaya ang masasabi ko lang ay ihanda n'yo na ang mga sarili n'yo for the worst."

Napaupo ako sa mga sinabi ng doctor. Kasabay nito ang muling pagtulo ng aking luha na panandaliang nahinto. Wala na talaga. Hindi rin nila kaya.


Lola....



--------

---To be continued---

An Angel Inlove With The Badboy (AAIWTB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon