KABANATA 11

34 6 0
                                    

Back to the present

Kabanata 11: Present

Pagkatapos ng mahabang pagiisip at matagal na magaayos ng gamit, lumabas ako sa kwartong binigay ni Nazer sakin.

Sa ilang linggo naming magkasama sa hospital, marami akong nalaman sa pagkatao niya kahit na hindi niya sabihin sakin.

Meron siyang itim na ispirito sa kanyang kaluluwa at lamang na ito. Kunti na lang ay baka masakop na siya nito kaya gagawa ako ng paraan para magbago siya. Hindi ko man kayang gawin agad, ngunit susubukan ko ng paunti unti.

Sa pagkakaalam ko sapagkatao niya, wala siyang pakielam sa kapwa niya. Kapakanan niya lang ang iniisip niya at wala ng iba. Ang mahalaga sa kanya ay ang ikabubuti niya kahit na may maagrabyado siyang ibang tao.

Mainitin ang ulo niya. Ayaw niyang nalalamangan siya. Pag sinabi niya, yun ang masusunod. Wala rin siyang galang sa kahit na sino, kahit na nakakatanda sa kanya.

Hindi ko nga alam bakit tinulungan niya ako gayong wala naman siyang pakealam sa kapwa niya. Dala na lang marahil ng konsensya. Siguro naisip niya na ayaw niyang magkaroon ng sala lalo na ang makapatay.

Dahan dahan akong naglakad sa kabilang kwarto kung saan siya naglalagi. Kumatok ako don ngunit walang nagbukas.

Sunubukan kong pihitin ang saraduhan at ito'y aking nabuksan. Kulay itim na paligid ang bumalot sakin pagbukas ko pa lang ng silid.

May masamang aura sa loob. Puros itim ang kulay ng paligid na nakikita ko. Walang buhay ang silid na ito, hindi tulad ng silid na pinagdalhan niya sakin. Ang kulay ng diding non ay puti, lahat ay puti. Hindi tulad nito na puros itim. Yung ding ding, sa kama, kumot maging ang sahig ay itim. lahat ng bagay na nasa loob ng silid na ito ay itim. Wala kang makikitang ibang kulay kundi itim.

Sa silid pa lang niya ay alam ko na, na may malungkot na pangyayari siyang naranasan. Isa siguro iyon sa mga naging dahilan kung bakit pinipili niyang maging masama at gumawa ng masama kesa paggawa ng mabuti sa kapwa. Meron siyang hindi matanggap na pangyayari at nahihirapan siya na kalimutan ito. Hanggang ngayon ay iyon pa rin ang iniisip niya. Malamang na nasa puso niya ang paghihiganti.

Sinarado ko ang pinto ng silid at tinahak ang malawak at mahabang pasilyo sa aking harapan.

Napakaganda talaga ng disenyo sa bawat dingding ng pasilyong ito. May mga kurba at imaheng nakaukit. Malayong malayo sa puros puti na dingding ng hospital. Ngayon pa lamang ako nakakita ng ganito kalawak at kagabdang bahay. Para itong isang palasyo.

Hindi ko na napansin kung nasaan ako dahil sa pagkamangha sa mga bagay at disenyo ng bahay na ito na nadadaanan ko. Hanggang sa napunta na ako sa sala kung saan din nakapwesto ang hagdan pababa.

Napaka ganda ng pagka desenyo ng lugar na ito. May malalambot na sahig na kulay pula, at may makalumang disenyo ang bawat bahagi ng daanan. Maging sa hagdan ay may kulay pula at malambot na sahig.

Bumaba ako sa hagdan. Ang bumugad agad sakin ay ang kanilang sala na doble ng sala sa taas. Nung una ko itong nakita ay humanga na agad ako sa ganda nito. Ibang iba sa hospital na tinuluyan ko. Hinaplos ko ang mga disenyo sa bahay na ito at sobrang namamangha talaga ako. Kinuha ko ang isang vase na kung saan nakikita ko ang aking repleksyon.

"Who are you?" May nagsalita sa likod ko, nakita ko din ang repleksyon niya sa vase kaya agad kong binaba ang vase at humarap sa kanya. Tumingin siya sa vase na binaba ko. "And what are you doing?" Medyo may edad na babae ang bumungad sakin. Ngunit kahit may edad na, mapapansin mo pa din ang kaakitakit nitong kagandahan.

Nagaalinlangan akong sumagot. Maganda siya pero may kakaiba siyang aura na hindi ako kumportable.

"P-paumanhin ngunit h-hindi ko maunawaan ang iyong sinabi."

An Angel Inlove With The Badboy (AAIWTB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon