KABANATA 15

41 6 0
                                    

Hi there readers. Sorry ngayon nalang ulit ako makakapagupdate na busy kasi ako sa enrollment namain. Skl.

Just continue reading and enjoy. Marami pang mangyayari kaya wait lang kayo. Love you guys mwuah😘

Kabanata 15:

Angela POV

"Kain ka pa ng marami iha. Ito pa oh." Alok sakin ni Lola Vdiola.

Nung iniwan kasi ako ni Nazer dito sa karinderya kinausap ako ni Lola, yung matandang bigla na lang umupo sa tabi ko at nagpakilala siya sakin. Kinukulit niya ako tungkol sa mga bagay bagay. Tulad ng ano ako ni Nazer, saan kami nagkakilala, ilan taon na kami nagsasama at kung gutom ba ako.

Sa totoo lang yung huling tanong lang niya ang naintindihan at nasagot ko. At syempre Oo ang sagot ko kahit kakakain ko lang. Tatanggi pa ba ako, pagkain yun e.

"Ano na nga iha? Ano ka ng anak ni Zyrian? Nakakalungkot lang at mukhang di mo naabutan si Zyrian. Pero may relasyon ba kayo ng anak niya? Saan kayo nagkakilala? Ilan taon na kayo nagsasama? Talaga namang kinikilig na ako sa inyong dalawa."

"Kinikilig? Ano yung kinikilig?" Nagtatakang tanong ko pero di niya iyon pinansin.

"Nahihiya ka no? Sige na nga, di na kita pipilitin. Sige lang kumain ka pa." Si Lola kahit may edad na sige pa rin ang salita. Di ko na pinansin si Lola Vdiola, kumain na lang ako.

"Oh, naubos mo na pala! Gusto mo pa ba? Dessert? Kuhaan kita ng dessert." Alok na naman sakin ni Lola nung mapansin niya na wala nang laman yung plato ko.

Parang alam ko yung Dessert, napatikim na sakin yun ni Asheal. "Dessert? Yun ba yung matamis na pagkain tulad ng cake?" 

"Cake? Gusto mo ng cake? Naku! Meron kami n'yan! Yung apo ko kasi magaling gumawa ng cake kaya sinama na rin namin sa menu. Sandali, ikukuha kita." Tumayo si Lola para kumuha daw ng cake.

Nang umalis si lola, napatingin ako sa labas. Umuulan na pala. Pero teka, bakit kaya bigla na lang umalis si Nazer? Iniwan niya ako? Babalik pa ba siya? Paano ako?

Nazer POV

"Mom, bakit mo naman ginawa yon? Paano ako? Di mo ba ako naisip? Mommy pag nawala ka, parang wala na rin ako! Napakadaya mo!"

Nasa harap ako ng puntod ngayon ni Mom. Basang basa na ako dahil umuulan. Nakaluhod ako sa harap ng puntod niya at walang tigil na umiiyak. Hindi ko na kasi alam kung ano ang paniniwalaan ko kaya kahit umuulan sumugod ako sa puntod niya.

"Basta ka na lang nagdesisiyon para sa buhay mo, Mommy wala kang karapatan! Alam ko na sobra ka nang nahihirapan ng mga panahon na yon, pero di man lang ba ako sumagi sa isip mo? Di mo ba naisip ang mararamdaman ko dahil sa desisyon mo?! Your so selfish mom! You just think about yourself! You didn't think about me! About what I feel! Am I not enough for you to live? Mas mahal mo ba si Daddy kesa sakin? Is he that important than I am?"

Kasabay ng walang tigil at malalakas na patak ng ulan ang aking mga luha na walang humpay rin sa pagpatak.

"Wait. Alam ko na ang sagot. It's a yes, dahil hindi mo naman papatayin ang sarili mo kung hindi diba?! Mommy, gusto kong isumbat sayo lahat ng hirap at sakit na dinadanas ko ngayon dahil sa walang kwenta mong desisyon! Mahal na mahal kita kaya di ko matanggap na iniwan mo ko nang ganon ganon na lang. Sobrang sakit maiwan Mom. Sobrang sakit!"

Hindi ko maintindihan ang naging desisyon niya. Na dahil sa pagibig na iyan, isasakripisyo niya ang buhay niya. Hindi ko matanggap!

Tumayo ako at pinunasan ang mga luha na may kasamang tubig ulan. Saglit akong nanahimik bago matalim na mata ang pinukol sa pangalan ni Mom sa harap ko.

"Hindi kita gagayahin. Hindi ako tutulad sayo na sobra magmahal. Hanggat kaya ko, iiwas ako. Dahil ayokong matulad sayo na nagpakamatay dahil sa sobrang pagmamahal. Hindi ko kayang gawin na isakripisyo ang buhay ko para lang maging maligaya ang ibang tao, hindi ko kayang ipagsiksikan ang sarili ko sa taong ayaw sakin gaya ng ginawa mo at higit sa lahat, hindi ko kayang magpakatanga para sa pagibig! Hindi ako susunod sa yapak mo!" Ayoko na. Sobrang bigat na. Kailangan ko tong ilabas 

Sumakay ako sa kotse kahit basang basa ako. Paandarin ko na sana nung tumunog yung phone ko. It's Haley, I answered it. "What?"

"Hey Nazer! You didn't call me. Are you coming? I'm on may way na."

"Okay. Text me the details." With that I hang up and drove my car as fast as i could.

-

As I entered the bar, loud music welcomed me. Madilim sa loob, tanging laser lights lang ang nagsisilbing liwanag. Dumiretso ako sa bartender at umorder ng vodka. Gusto kong magpakalasing ngayon para kahit ngayong gabi lang makalimutan ko yung sakit sa puso ko dahil sa lahat ng ito.

Lumapit sakin si Haley nang makita ako. "Hey! Sabi na nga ba na miss mo rin ako e. Would you mind if i join you?" Tanong niya. She hesitate at first dahil basa ako pero umupo pa rin siya sa mga hita ko. Bahagya ko naman siyang tinulak.

"I want to be alone. Please don't bother me, not now. Leave." Tumayo siya at hinarap ako.

"Okay, but if you change your mind.." Lumapit siya at bumulong. "I'm always free. Just call me." Malanding bulong niya.

Tulala lang akong umiinom. Malalim ang iniisip pero walang tigil sa paglagok.
Nakarami na din akong nainom at tingin ko ay tinamaan na ako. Di na ako makakapag drive, baka makapatay na talaga ako. Siguro magpapalipas na lang ako sa pinaka malapit na hotel dito, tutal ayoko pa namang umuwi.

"Yow! Bro!" Dinig kong sigaw ng isang lalaki at naglakad papalapit sa katabi ko.

"Yow! Girl hopping?" Tonong ng lalaking katabi ko.

"As always. Uy, pare! Ang ganda nun o!"

"Ayoko n'yan, parang ang taray. Mas gusto ko yun. Yun o, mukhang anghel." Anghel?

Humarap ako sa bartender. "Isang shot pa nga."

"Oo nga. Mukhang di makabasag pinggan ang mukha. Anghel na anghel."

"Oy akin yan ah!" Tumayo yung katabi ko at nilapitan yung mukhang anghel daw.

Sinundan ko ng tingin ang lalaki para makita ang pinagmamalaki niyang anghel.

Tsk. Yon na yun? Di naman mukhang anghel. Mas mukhang anghel pa d'yan si Angela.

Iilingiling akong tumalikod. Iinumin ko na sana yung isang shot na inorder ko nang bigla kong maalala si Angela. Fuck! naiwan ko pala siya sa karinderya! 

Kaya pala parang may naalala ako nung sinabi ng lalaking yun ang salitang anghel. Dahil si Angela na mukhang anghel ay naiwan at nakalimutan ko sa karinderya. Masyado akong binalot ng galit nung mga oras na yun dahilan para makalimutan ko siya.

Nilagok ko agad yung isang shot at naglabas ng pera ns basta na lang iniwan sa lamesa. Dalidali akong tumayo at lumabas ng bar. Sumakay agad ako sa kotse at pinaharurot ito. Biglang nabuhay ang diwa ko na kanina ay gusto ng magpahinga. Wala na sa isip ko lahat. yung sakit sa puso ko, yung takot ko na baka makabangga na naman ako dahil nakainom ako. Basta ang nasa isip ko lang ay ang makita si Angela at iuwi siya sa bahay.

Bakit ba naman kasi nakalimutan ko siya? Sana naman di siya umalis don sa karinderya! 


-----------

A/N:
Don't forget to comment and vote. Enjoy reading! Luv yah guys.

An Angel Inlove With The Badboy (AAIWTB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon