KABANATA 22

25 5 1
                                    

Kabanata 22

Nazer POV

"Bakit ang tahimik mo?" Tanong ko kay Angela. Nandito kami ngayon sa perya. Kanina pa kami dito pero magkatabi pa rin kaming nakaupo sa bench at hindi sumusubok ng kahit anong rides. Pareho kaming tahimik at parang may malalim na iniisip.

Balak ko sana na sa puntod ni Mom ko siya dalhin kanina, handa na akong sabihin sa kanya ang totoo para maintindihan niya. Pero mukhang hindi pa ito ang tamang panahon. Hindi naging maganda ang byahe namin kanina.

Mas lalo siyang napayuko sa tanong ko. "Look, I'm sorry. Hindi ko sinasadya ang pagsigaw ko sayo kanina, nagulat at nagpanic lang ako sa nangyari. Muntik na tayo ron Angela, hindi ko alam ang gagawin ko kung may mangyaring masama sayo. I mean wala na akong pakielam sa sarili ko. Sayo! Sayo ako nagaalala! Paano kung nabangga tayo?! Paano kung---" Napatigil lang ako sa pagsasalita ko dahil mas lalo na siyang yumuko. Nasobrahan yata. Huminga ako ng malalim. "Sorry. I mean patawad."

"Patawad din." Sa wakas nagsalita din. "Hindi ko na talaga uulitin yun Nazer. Nagalala lang naman ako kasi dadalaw daw si Leia pero wala tayo sa bahay."

"Mamayang hapon pa yun. May pasok si Leia sa school tuwing umaga kaya hapon pa yun makakapunta sa bahay."

"Ganon ba? Ba't di mo kasi sinabi agad!" Nasisipa ako.

"Nagtanong ka ba? Basta kahit anong mangyari, wag na wag mo nang uulitin iyon. Maliwanag ba?"

"Oo na. At magtatanong na rin ako."

"Good. Halika na." Tumayo ako at hinawakan ang kamay niya.

"Saan tayo pupunta?"

"Sasakay tayo sa mga rides."

"Rides?"

"Oo. Lahat ng nakikita ng mata mo, rides ang mga yan. Tara na."

Angela POV

"May anghel!" Manghang sigaw ko. Agad akong tumakbo at nilapitan ito. "Nazer, may anghel!" 

Kanina pa kami sa perya at halos lahat na ng rides ay nasakyan na namin. Pagod kami at gutom na dahil oras na ng pagkain kaya minadali ko na talaga si Nazer na maghanap ng makakainan dahil gutom na gutom na talaga ako. Pero sa hindi inaasaan ay nakakita ako ng anghel na gaya ko.

"Oo anghel. Parang pangalan mo." Naglakad siya papalapit sa tindahan sa gilid ng anghel. "Saglit lang. D'yan ka lang ah, may bibilhin lang ako. Hintayin mo lang ako dito at pagbalik ko kakain na tayo." Tumango na lang ako.

"Bakit nandito ka? Tsaka paano mo nailabas yang pakpak mo? Yung sakin kasi di ko na mailabas tatanong ko sana kay Asheal kung paano pero dahil nandito ka na, sayo na lang. " Pagkausap ko sa anghel. Hindi siya nagsalita kaya nagtanong muli ako. "May misyon ka rin ba katulad ko o hiniling mo rin sa Dakilang Lumikha gaya ni Asheal? Tsaka bakit ka nakatayo lang dito?" Naghintay ako ng sagot niya pero wala pa rin akong nakuhang sagot. "Ahhmm. Huy, kausapin mo naman ako."

"Bakit mo kinakaushap ang eshtatwa?" Biglang tanong ng batang babae sa harap ko. "Hindi mo ba alam na hindi nagshashalita yan?" Maliit siya at bungi pero kung magsalita ay parang si Nazer. "Wag mo nang kaushapin ang eshtatwa. Di ka naman shashagutin nyan. Shama ka na lang shakin at ibili mo ako ng kottong kanday." Sabi niya pa at hinahatak ang kamay ko papunta sa kung saan.

An Angel Inlove With The Badboy (AAIWTB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon