KABANATA 49

26 3 0
                                    

Kabanata 49

Nazer's POV

"Kanina pa kayo?" Bungad na tanong ni Leia pagkaupo niya sa tabi ko. Kasunod naman niya si Leo at Krizia na umupo naman sa tabi niya.

Nasa harapan na namin si Lola Vdiola, Victoria at Arthur na kandong ang anak. Nandito na rin sina Bea, Clark at lahat ng trabahante sa karinderya.

Tulad kahapon ay sama sama kaming nakaupo sa pinagdikit na lamesa. Magkakatabi at sabay sabay na kumakain.

"Kanina pang 5." Sagot ko habang kumakain.

Halos isang oras din kaming tahimik na nakaupo sa dalampasigan. Napapapikit sa bawat pagdampi ng hangin sa aming mga balat, magkayakap na pinagmamasdan ang pagsikat ng araw at ninanamnam ang payang sandali. Naisipan lang namin na magbreakfast na nung tuluyang naghari ang liwanag.

Parehas naming first time ni Angela makita ang pagsikat ng araw. Wala naman kasing halaga sakin noon ang ganitong sandali at paulit ulit lamang ang gawain ko araw araw nung wala pa si Angela. Bar, bisyo, babae. Dun lang umiikot ang mundo ko.

Pero iba na ngayon. Nang dahil kay Angela, natutunan kong pahalagahan ang lahat kahit pa maliit na bagay lang ito. Natutunan kong pahalagahan ang bawat sandali.

"Mauuna na kami sa inyo. Pagtapos nito ay aalis na kami." Biglang sambit ni Lola Vdiola nung patapos na kumakain ang lahat. Nakatingin siya sakin nung sabihin iyon. "Kailangan naming buksan ang karinderya dahil doon nagtatanghalian yung mga driver. Kawawa naman kung hindi namin mapagsilbihan."

"Ganon po ba? Sige po. Uuwi na rin naman kami mamayang hapon. "

"Ako na ang magbabayad sa ---" Di pa man tapos ay pinigil ko na.

"Ako na po. Sagot ko na po lahat ito. Ako ang nagyaya sa inyo kaya ako na po ang magbabayad sa lahat. Wag n'yo na pong intindihin." Nakangiting sabi ko.

"Hati. Hati na lang--" Muli ay hindi na naituloy ni Lola dahil nakangiti akong umiling agad sa kanya.

"Sigurado ka?" Sabat ni Victoria "Pwede namang.."

"No need. Really. It's all on me."

"Ikaw ang bahala. O siya, aalis na kami." Tumayo na si Lola na agad naman naming ginaya. Bumaling siya kay Angela na nakalapit na sa kanya. Nagyakapan sila. "Magiingat kayo."

"Kayo din po. Bibisita po ako minsan sa karinderya." Nakangiting sagot ni Angela. Nakakatuwa silang tignan, para silang magina.

Nanay ng lahat si Lola Vdiola. Lahat kasi ng malapit sa kanya tulad ni Angela ay tinuturing niyang anak. Kahit ang mga nagtatrabaho sa karinderya niya ay tinuturing niyang pamilya. Maging ako, kahit pa hindi naging maganda ang asal ko nung una. Isang napaka bait na tao ni Lola. Napakaswerte namin at naging bahagi siya ng buhay namin ni Angela, maging ni Mommy.

"Aasahan ko iyan."

Nakipagbeso naman ako kay Victoria at nakipagkamay kay Arthur bago lumapit sa dalawa.

Sila Clark at ang iba ay nauna ng lumabas dala ang mga gamit. Nakipagtanguan at ngiti naman ako sa iba na makasalubong ko bago tuluyang makalapit kay Angela at Lola Vdiola.

"Hatid na po namin kayo." Tumango naman si Lola at nagumpisa na kaming maglakad. Naiwan naman ang tatlo sa lamesa.

"Ay wait. Si Bea. Paalam lang ako sa kanya." Dirediretsong sabi ni Angela at patakbong umalis. Nagpatuloy na lang kami ni Lola sa tahimik na paglalakad.

An Angel Inlove With The Badboy (AAIWTB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon