PROLOGUE

143 7 0
                                    

Ang istoryang ito ay pawang kathangisip lang.

Ang mga tauhan, at lahat ng pangyayari sa story ay walang katotohanan.

Ito po ay likha lamang ng malikot na imahinasyon ni mareng author.

---

Please do not distribute, publish, copy or transmit this story.

Give respect to the owner.

This story may contain adult themes. Read at your own risks.








Prologue

"Nais kong ikaw ang gumawa ng misyong ito." Mabagal na pananalita ng isang napaka lalim at malaking boses mula sa likod ng isang liwanag.

"Masuyo ko ho itong tatanggapin." Sabi ko at yumuko habang nakaluhod. "Kung inyo pong mamarapatin, nais ko pong malaman. Bakit po ako ang inyong napili?"

"Dahil ito ang iyong tadhana. Tadhana mong maranasang muli ang maging isang tao. Pinapayagan kitang gawin ang mga bagay na gusto mong gawin sa mundong ibabaw, basta't wag na wag mong kalilimutan ang iyong misyon. Walang sino man ang makakaalam sayong tunay na pagkatao at sa iyong misyon. May kaisa-isa din akong mahigpit na ipagbabawal sayo, at yun ay ang hindi ka maaaring umibig sa isang mortal."

"Nais ko pong malaman kung bakit hindi ako puwedeng umibig sa isang mortal?"

"Dahil ito ay may katumbas na mabigat na parusa. Ang tao, kapag umibig ay ibibigay ang lahat kahit ang kanilang buhay. Kung kaya't hindi ka maaaring umibig sa mortal dahil kapag binuwis mo ang iyong buhay para sa isang motal, mamamatay ka sa pangalawang pagkakataon. Kapag nangyari iyon, ikaw ay hindi na tatanggapin sa aking kaharian. "

"Paano ko po makikilala ang lalaking aking misyon?"

"Sa pamamagitan ng kanyang mata. Tumingin ka lamang sa mga ito at kapag may nakita kang pulang ilaw na may kakaibang hugis, siya na ang hinahanap mo. Kaya't humayo ka dala ang aking basbas. Nawa'y magawa mo ang iyong misyon at makabalik ng matiwasay dito sa aking kaharian."

"Kayo po ay aking susundin, mahal na Dakilang Lumikha." Sa pagkasabi ko ng mga katagang iyon nawala ang liwanag sa aking harapan kaya tumayo ako at bigla na lamang nagkaroon ng isang liwanag na bumalot sakin at hinatak ako palabas ng kaharian ng Dakilang Lumikha.

Sa mga sandaling iyon. Isa lang ang nasa aking isipan at yun ang tanong na..




Makakaya ko ba ito?


--------------

A/N:

Hi po😊 Sana po magustugan n'yo and as always, don't forget to vote and comment😚

Warning:
You may encounter some typo and wrong grammars in every chapter. Ngayon palang, magsosorry na po ako.

An Angel Inlove With The Badboy (AAIWTB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon