KABANATA 20

39 6 0
                                    

Kabanata 20

Angela POV

"HAHAHA your so funny." Ano daw? "Bakit ngayon ka lang pinakilala ni Nazer sakin? Alam mo, magkakasundo tayong dalawa HAHAHA."

Nandito kami ngayon sa aking silid, at magkatapat na nakaupo sa kama ko.  Hindi ko alam bakit bigla na lang pumasok ang binibining ito dito at bakit kanina pa siya tawa ng tawa kahit wala namang nakakatawa.

Kanina kasi tinanong ko siya kung bakit nakasuot siya ng kumot tapos bigla na lang siyang tumawa. Kamukha kasi ng kumot na gamit ko ang damit niya. Tapos tinanong ko rin siya kung naligo na siya, inalok ko pa nga siyang maligo sa palikuran ko e pero tinawanan niya ulit ako. Ano bang nakakatawa sa mga tanong ko? Naguguluhan talaga ako.

Pinalo niya ang braso ko. Nagtataka ko namang hinawakan ang braso ko na pinalo niya. "You know what, were friends now. Best of friends, Okay? From now on, you're e my best friend!"

Kumunot ang noo ko. "Be-beshpren? Ano yun?"


"Best friend di mo alam? Well best friend means buddy. The only person that you can count on. Person that can accept your falls and flaws and join you in every trip you have. The one that will never leave your side and always there for you in your up and downs. Best buddy may have a differences in everything but always there for you no matter what. Bagay na wala ako. Can you?"

Mas lalo akong naguluhan. "Hindi ko maunawaan."

Napatayo siya mula sa pagkakaupo sa kama ko at malaking mata ang pinukol sakin. Nakakatakot. "What?! Sa dami ng sinabi ko, wala kang naintindihan?! My ghad! Nagsayang lang pala ako ng laway!"

"Hindi ko talaga maunawaan ang wikang iyong gamit binibini."

"Wow! Lalim ah." Lumiit na ang kanyang mga mata na pinagpasalamat ko. Sobrang laki kasi ng mata niya kanina, hindi normal. Siguro dahil iyon sa kung anong bagay ang nakasuot sa mata niya. 

"So hindi ka nakakaintindi ng English?" Tanong niya makalipas ang ilang segundo. Di ako sumagot dahil hindi ko pa rin maintindihan. "Ay, Oo nga pala! May amnesia ka! So ibig sabihin pati yun nakalimutan mo na? So sad." Muli siyang umupo at hinawakan ang mga kamay ko. Habang ako ay nakatingin lang sa kanya at naguguluhan sa mga nangyayari.

"Don't worry." Bigla ay salita na naman niya matapos ang ilang segundong pananahimik. Hindi matigil ang bibig ng binibining ito."Tutulungan kita. Palagi akong pupunta rito para turuan ka. Lahat ng nakalimutan mo, ipapaalala ko sayo. Ibibigay ko ang kalahati ng katalinuhan ko sayo. So, friends?" Nilahad niya ang kamay niya sa aking harapan. Parang yung ginawa ni Victoria na apo ni lola Vdiola nung nagpakilala siya sakin.

Inabot ko yung kamay niya gaya ng tinuro sakin ni lola Vdiola. "Shake hands ang tawag dito." Sabi ko habang nagsheshake hands kami. Na para bang hindi niya alam yun.

"Tama. Shake hands. By the way, may name is Ileia Galvez. Kilala na kita, your name is Angela Kaye Fabian. Tara, kumain muna tayo. Kanina pa ako nagugutom e." Hindi na niya binitawan ang kamay ko hinila niya ako hanggang sa makababa kami at makapunta sa kusina.

Agad siyang nangalkal sa mga gamit don na para bang dati na niyang ginagawa yun. Alam na alam niya kung saan nakalagay ang mga gamit sa loob. Dito rin siguro siya naninirahan.

An Angel Inlove With The Badboy (AAIWTB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon