KABANATA 42

30 4 0
                                    

Kabanata 42



Angela's POV




10 na ng umaga ako nakarating dahil naglakad lang ako. Limang beses din akong huminto para magpahinga dahil sa pagod.



Gabing gabi na kasi ako nagsimulang mag lakbay kaya wala ng masakyan. Hindi ko naman pwedeng gamitin yung kotse ni Nazer dahil hindi ako marunong magdrive tsaka baka magalit siya sakin. 

Kabisado ko naman yung daan dahil dalawang beses na akong nakapunta rito kaya di na ako nahirapan. At bukod don, magaling akong magmemorize.





Umupo muna ako sa may gutter sa tapat ng bahay at kinalkal ang bag na dala para uminom ng tubig. Iyon na lang ang huling lagok dahil ubos na. Buti na lang umabot.

Tumunog ang tyan ko pagtapos kong ibalik sa bag yung lagayan ng tubig, hudyat na gutom na ako. Nakanguso ko itong hinimas. "Gutom na ako..."

Nagmamadali kasi ako kagabi kaya tanging isang bote lang ng tubig ang nadala ko. Si Melie pa ang nagpabaon non sakin nung mahuli niya akong pababa.

Nasabi ko sa kanya ang plano ko. Pinigilan niya pa ako nung una pero wala siyang nagawa dahil buo na ang desisyon ko. Kaya nung malaman niya na maglalakad lang ako, pinabaunan niya ako ng tubig.

Hindi ko na naisip ang pagkain dahil baka biglang magising yung iba pang mga kasambahay at mahuli rin ako. Kaya nagmadali na akong umalis. Kakain na lang ako ng marami dito.

Napahawak ako sa leeg ko, muntik na akong magpanic ng hindi ko nakapa yung kwintas. Naalala ko na iniwan ko pala sa kwarto ko yun, nakapatong sa study table kasama ang isang sulat.









Tumayo ako at lumapit sa bahay. Tumingin tingin ako sa paligid at pilit pang sumisilip sa bintana para makita ang loob pero hindi umubra dahil nakasara ang kurtina.

"Angela?"

Napalingon ako. "Victoria.."

Lumapit siya sakin. "Bakit nasa labas ka? May kasama ka? Halika, pasok tayo sa loob." Binuksan niya yung pinto at hinila ako papasok. "La! Nasan ka po? Nandito si Angela!" Sigaw pa niya habang naglalakad kami. Huminto lamang sa sala.

Mula sa kusina, dumungaw si Lola Vdiola. Sinalubong niya ako ng nakangiti.  "Angela! Ang aga ng bisita mo ah!" Lumapit siya sakin at niyakap ako. Tumingin din siya sa likod ko. "Ikaw lang? Nasan yung maingay na anak ni Zyrian?"

Naiiyak akong umiling. "Naglayas po ako. Ayaw na sakin ni Nazer Lola. Pwede bang dito na lang po ako tumira? Wala po akong matutuluyan lola, maawa na po kayo. Promise po, tutulung ako sa lahat, magtatrabaho po ako sa karinderya, aalagaan kita lola patuluyin nyo lang po ako."

"Teka nga! Maupo ka muna." Inalalayan ako ni Lola paupo sa sofa, umupo naman siya sa tabi ko. Pumunta naman si Victoria sa kusina. "Naglayas ka?! Bakit mo naman ginawa yun?"

Kinwento ko lahat kay Lola maging ang nararamdaman namin ni Nazer, walang labis walang kulang. Hindi ko lang sinama ang tunay na dahilan ko kung bakit hindi kami pwede ni Nazer at kahit kanino man, hindi ko pwedeng banggitin.

"Sa tingin ko naman ay binibigyan ka lang niya ng panahon para magisip. Pero kung gusto mong lumayo muna, pwede ka dito. Bumalik ka na lang pag ready ka nang kausapin siya."

"Kailangan na natin umalis Lola, kailangan na daw tayo sa karinderya." Ani Victoria na kalalabas lang sa kusina. May dala siyang sandwitch at inabot sakin. "Kainin mo muna."

An Angel Inlove With The Badboy (AAIWTB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon