KABANATA 43

28 3 0
                                    

Kabanata 43


"Zyne.."

Napalingon siya sa gawi namin dahil sa pagtawag ko. Walang salita. Nakatingin lang kami sa isa't isa, mata sa mata. Na parang sa ganong paraan kami naguusap, nagkakaintindihan.

Nakakamiss din pala. Kahit wala pang isang araw na hindi ko siya nakikita, namiss ko na agad ang prisensya niya. Hindi buo ang araw paghindi ko nakikita ang mga ngiti niya at paghindi naririnig ang malalim na boses niya. Kung sana pwede lang talaga..

Napabaling ako kay Lola Vdiola nung maramdaman ko ang paghigpit pa ng kapit niya sa braso ko. Ramdam ko na rin ang bigat ng kalahating katawan niya sakin at medyo lumalalim ang kanyang paghinga na parang nahihirapan ito.

Nagalala ako kaya inakay ko kaagad si Lola at pumasok sa bahay. Walang pakelam sa presensya ni Nazer na dinaanan ko lang. Ang buong atensyon ay nakay Lola.

Hiniga ko siya sa kama niya, tumakbo ako sa kusina at kumuha ng isang basong tubig. Pagpasok ko sa kwarto, nakaupong umuubo na si Lola kaya naiiyak kong pinainom sa kanya yung tubig.

"Lola.." Naluluha kong sabi habang nakaupo sa gilid ng kama at pinapainom siya ng tubig.

"G-gamot.." Nahihirapang sabi ni Lola at tinuro yung kabinet sa paanan ng kama. Agad akong pumunta don at kinuha yung transparent tupperware na maraming gamot.

Humiga muli siya matapos uminom ng limang capsule mula sa tupperware. Nakapikit siya. Lumuluha naman akong nakaupo lang sa gilid ng kama habang hawak ang kamay niya. Di alam ang gagawin.

"Lola..." Mas hinigpitan ko pa ang hawak ko sa kamay niya.

Dumilat siya, tumingin sakin at ngumiti. "Okay lang ako." Mahinang sabi niya. "Sige na. Puntahan mo na yung maingay na anak ni Zyrian para magkabati na kayo."

Nagalangan akong sundin ang utos niya. "Pero lola.."

"Ayos lang ako. Nakainom na ako ng gamot kaya sige na." Ngumiti ulit siya sakin at sumenyas na lumabas.

Kaya labag man sa loob ko, lumabas ako at pinuntahan si Nazer sa tapat ng bahay. Inayos ko muna yung comforter na nakatabon kay Lola bago ako tuluyang lumabas.

Nagpupunas ako ng luha habang papalapit kay Nazer. Dahan dahan lang ako sa paglalakad habang walang tigil ang mga kamay sa pagpunas ng mga luha.

Napatayo ng maayos si Nazer nung nakita ako, naglakad pa siya ng bahagya palapit sakin. Tumigil lang nung nasa harap niya ako.

"Bakit ka umiiyak?"  Tanong niya agad at gamit ang thumb, tinulungan ako sa pagpunas ng luha ko.

Sa tanong niyang yun, don na ako bumigay. Walang tigil ang pagagos ng luha ko. Niyakap ako ni Nazer, umiyak ako sa dibdib niya. Iniyak ko lahat. Yung panic, pagaalala at takot dahil sa nangyari kay Lola Vdiola kanina lang.

Naramdaman ko na naman ulet yung feeling nung time na nagkasakit si Nazer. Yung bang pakiramdam na wala akong magawa habang nakikita ko silang nahihirapan. Wala akong magawa para mawala ang sakit at paghihirap na nararamdaman nila. Ang hirap. Ang sakit sa dibdib!

Walang tigil ako sa pagiyak, wala ng
pakelam sa lahat. Wala ng pakelam kung iba man ang trato sakin ni Nazer. Basta na lang ako umiyak sa mga bisig niya.

Ilang minuto rin ang tinagal bago ako tuluyang huminahon. Bigla akong nahiya kaya agad akong kumalas kay Nazer at bahagyang umatras.

Mas lalo pa akong nahiya nung makita yung basa sa shirt niya dahilan para bumakat yung dibdib niya.

An Angel Inlove With The Badboy (AAIWTB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon