KABANATA 65

37 2 0
                                    

Kabanata 65

Angela's POV

"Angela! Come! Pasok ka!" Maligayang welcome sakin ni Asheal. Pinapasok niya ako sa bahay nila at pinaupo sa sofa. "Welcome sa aming munting tahanan."

Nasa bahay ako ngayon ni Asheal gaya ng napagusapan namin.

Tumawag siya sakin kagabi and gusto na daw niyang makipag catch up na sakin, bagay na nakalimutan ko dahil sa dami ng nangyari nung huli kaming nagkita.

Ang plano niya sa linggo pa, pero sinabi ko na na ngayong araw na. Naguilty kasi ako dahil nakalimutan ko.

Di ako nakapag paalam kay Nazer kagabi dahil kausap niya pa si Martha non and nakatulugan ko na ang paghihintay. Kanina naman hindi ko na siya naabutan dahil maagang umalis. Tumawag din ako bago umalis sa bahay, kaso di niya sinasagot kaya nag text na lang ako. Dadaan na lang ako sa office niya mamaya

Hindi ganon kalaki ang bahay ni Asheal, di gaya ng sa mansion. Parang mahahawig ito sa bahay ni Lola Vdiola, simple, maayos at maaliwalas pero mas maliit lang ng konti kumpara sa bahay ni Lola.

Lumabas si Asheal mula sa kusina at upmupo sa harap ko, may dala siyang juice and snack na nilapag niya sa lamesa.

"Congrats nga pala kay Lola Vdiola, she defeated her cancer. Nalaman ko sa friend ko. How's she doing now?" Panimula ni Asheal ng usapan.

"She's okay now. Di lang siya pwedeng magpagod masyado because she is still under medication and monitoring. Pero okay na siya, nasa bahay niya na siya kasama yung family niya. And she's recovering fast."

"Good to hear that. Di rin ako nakatulog non because I'm trying to figured out what's really is the problem why our powers didn't work and I'm worried for Lola. But maybe it's really because of the time we spend here. Humihina na ang kapangyarihan natin bilang anghel. Nagiging ganap na tao na tayo."

"Maybe your right. But it's okay now. Lola Vdiola is recovering." Saglit kaming natahimik bago ko tinanong ang mga tanong na matagal ng bumabagabag sakin. "Asheal may tanong ako.. normal lang satin mga anghel ang nakakakita ng kaluluwa hindi ba?"

"Oo. Nakikita rin natin ang mga kulay nito. Kung sila ba ay makasalanan o mabuting tao nung sila ay nabubuhay pa."

"So normal din na makita natin sila na kasama, at nakadikit sa isang tao?"

"Nakadikit? Hindi. Maari silang magtagal na pagalagala at pabalik balik sa isang lugar pero hindi sila kailanman makakadikit sa isang tao miski makakalapit sa mga ito. Maliban na lang kung ang taong ito ay kanilang gustong protektahan o kaya naman, nais nilang ilayo sa isang tao na kanilang pinoprotektahan. Malakas ang pwersa nila kapag ganon, kaya nagagawa nilang makalapit at dumikit sa tao."

Pinoprotektahan? Pinoprotektahan nila si Martha? Bakit? May nais pang magtangka sa buhay niya? "E ang kaluluwang nagsasalita? Normal lang din yun hindi ba?"

Nanlaki ang mga mata ni Asheal at kumunot ang noo. "Hindi normal yun Angela! Walang kaluluwa ang kayang magsalita lalo na ang kumausap ng tao. Kahit pa tayong mga anghel, hindi natin sila makakausap maliban na lang kung nasa kaharian na sila ng Dakilang Lumikha. Pero dito sa mundo ng mga tao, wala silang kakayahang magsalita."

E ano si Strawberry? "Kaya nila! May nakausap ako. Si Strawberry! Kinukulit niya ako at kinakausap. Hindi nga lang siya nagpapakita sakin lately pero yung mga interaction namin ay normal lang, na parang buhay pa rin siya. Sinasamahan niya ako sa nga lugar na pinupuntahan ko. Binibigyan pa niya ako ng advice e! "

An Angel Inlove With The Badboy (AAIWTB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon