KABANATA 52

38 3 0
                                    

Kabanata 52



Angela's POV



Dalawang linggo. Dalawang linggo na ang nakalipas simula nung magbalik si Martha. Dalawang linggo na rin siyang hindi nakalalabas sa kwarto nila ni Tito Niel–Daddy ni Nazer. Dinadalaw lang siya ng doctor don. Marami kasi siyang sugat at pasa sa buong katawan. Meron din siyang tahi sa kaliwang braso at malaking sugat sa ulo.

Hindi pa naikukwento ni Martha ang pinagdaanan niya sa kamay ng mga kidnappers kaya hindi pa namin alam kung paano niya nakuha ang mga sugat at pasa niya sa buong katawan.

Ngayon ay maayos na ang pakikitungo ni Nazer kay Martha. Siya ang nagasikaso ng mga kailangan ni Martha sa dalawang linggo na iyon. Dalawang araw din siyang hindi pumasok para asikasuhin yung mga kailangan ni Martha at sa pagpapakulong sa mga kidnappers.

Nahuli na daw yung kumidnap sa magasawa. Tatlong tao sila na gumawa ng krimen. Namatay daw yung dalawa kaya isang tao na lang ang nakakulong ngayon sa presinto sa ibang bansa.

Maayos na daw ang pakiramdam ni Martha ayon kay Nazer pero kitang-kita pa rin ang mga sugat, pasa at tahi niya sa katawan.

Dalawang linggo na siya dito pero di ko siya magawang dalawin sa kwarto niya. Isang beses ko lang siya nakita at napagmasdan. Pero kahit isang beses lang, hindi ko magawang kalimutan ang itsura niya. Maging ang takot na naramdaman ko nung masilayan ko siya.

Flashback

Nagising ako sa tapik at tawag sakin ni Nazer. Siya agad ang aking nasilayan sa pagmulat ko, bagay na ikinangiti ko ng malawak.

Kanina ay nakabusangot ako dahil ayoko pang umuwi, hindi ko alam kung bakit, siguro dahil masaya doon pero nung sinabi naman niya na papasyal kami ay nanumbalik ang sigla ko. Naexcite ako sa ideyang mamasyal kami.

"Get up sleepy head." Sabi niya at kinurot pa ang tungki ng aking ilong. "Dumiretso ka na sa kwarto mo para makatulog ka ulit."

Ngunit ibis na sundin ang sinabi niya, niyakap ko siya sa leeg at mas lalong humiga. Nabigla siya sa ginawa ko pero nakontrol naman niya ang kanyang bigat kaya hindi siya bumagsak ng tuluyan sakin. Ilang segundo kaming nasa ganong posisyon bago ako bumitiw at agad na lumabas ng kotse. Nagflying kiss pa ako kay Nazer na nasa loob pa rin ng kotse at manghang nakatingin sakin bago tuluyang pumasok sa mansion.

"Manang Sally!" Tawag ko kay Manang Sally at bahagyang tumakbo payakap sa kanya. Nasa bukana siya ng graden at nagdidilig ng halaman.

Bumitiw ako, humarap naman siya sakin. "Nakarating na pala kayo! Kamusta ang bakasyon?"

"Ayos naman po Manang. Sayang lang, hindi kayo nakasama ni Melie. Mas masaya sana kung nakasama kayo."

"Ayos lang iyon. May susunod pa naman. Ikwento mo na lang sakin mamaya kung gaano kaganda ang dagat, sapat na yun." Nakangiting turan ni Manang.

"Sige po! Lahat ikukwento ko sa inyo, tandang tanda ko ang ganda ng buong paligid at ang lahat ng ginawa namin."

"O syia! Pumasok ka na at magpahinga, alam kong napagod ka sa byahe. Tatapusin ko na rin ito para paggising mo ay kwentohan mo na ako."

"Sige po Manang Sally, kita tayo mamaya. At maghanda po kayo ng ilang oras." Nakangiti akong nagpatuloy sa paglalakad.

Malapit na ako sa may pinto nung makita ko si Melie. Nakadungaw siya sa may pito habang may hawak na walis tambo. Tatawagin ko sana pero hindi ko tinuloy dahil may naisip akong mas magandang pagbati sa kanya. Bumungisngis ako ng mahina dahil sa naisip.

An Angel Inlove With The Badboy (AAIWTB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon