KABANATA 14

28 6 0
                                    

Kabanata 14: Truth

"Martha!" Malakas na sigaw ko ang bumalot sa buong bahay pagkarating ko. Nagsipagtaguan ang mga kasambahay na madaanan ko. Siguro ay nababasa nila ang sobrang galit sa mukha ko. "Martha!"

Lumabas si Martha at mula sa taas ay bumaba siya. "Nazer? Bakit ka sumisigaw?" Huminto ako sa paglalakad at hinintay siya sa baba ng hagdan. Matalim ang mga mata kong nakatingin lang sa kanya at hinihintay siya. Bumaba naman siya papalapit sakin. "Bakit? may kailangan ka ba?" Nagtatakang tanong niya nang makalapit sakin.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sa sobrang galit ko ay nasakal ko siya. Galit na galit ako, yun lang ang nasa isip ko.

"Ano ba talaga ang kailangan mo samin?! Ha?! Bakit nagawa mo yun sa Mommy ko!" Tanong ko habang sakal sakal siya at sinandal sa pader. Mahigpit ang pagkakasakal ko at alam kong kinakapos na siya ng hininga. Unti unti rin siyang umaangat sa sahig.

Kahit isang kamay lang ang gamit ko ay makakapatay ako ng tao lalo na kung babae dahil malaki ang katawan ko. Pero wala akong pakealam kung mapatay ko man si Martha, mas mabuti pa nga mawala na siya sa landas ko--sila ni Daddy. Isa silang sumpa na nagpapahirap sakin at nagpapalabas ng kademonyohan ko.

Lumaki ang mga mata ni Martha dahil sa ginawa ko at halatang nahihirapan na siyang huminga. Nagiiba na rin ang kulay ng mukha niya at halos kasing tangkad ko na ang pagkakataas ko sa kanya, malayong malayo sa tunay niyang height.

Tumili sa gulat ang mga kasambahay na nakakakita ng ginagawa ko.

"N-az-er, na-h-ihi-ra-pan a-ak-ong hu-umi-n-nga.." Hindi ko alam paano pa siya nakakapagsalita sa ayos niya.

"Ano ba talaga ang pakay mo sa pamilya namin?! Pera!? Gusto mo ng pera!? Yon ba!? Yon ba ang habol mo!? Ha?!" Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakasakal ko.

Makailang beses niyang sinusubukan na tanggalin ang kamay ko sa leeg niya pero kahit na dalawang kamay na niya ang gamit niya ay hindi niya magawa. Patuloy pa rin siyang kinakapos ng hininga.

Walang nagtatangkang umawat sakin, sumisigaw lang ang mga kasambahay pero walang lumalapit.

Hanggang sa may naramdaman akong kamao sa mukha ko. Nabitiwan ko agad si Martha at napaatras ako dahil sa suntok.

Hindi na ako lumingon para alamin kung sino, dahil alam ko na. Hinawakan ko na lang at pinunasan ang dugo sa labi ko na pumutok agad dahil sa sobrang lakas ng suntok.

Dinig kung umubo ng ubo si Martha at malamang nilapitan na siya agad ni Dad para tulungan.

To think of it, this is the first time Dad hurt me for real. The first time he punched me. He never did before. He never punch me, hit me or even slap me. He never hurt me physically kahit na kung ano anong kalokohan ang ginagawa ko at kahit pa di ko siya ginagalang. Puro amba lang siya dati. But this time he really did punched me and it's only because of Martha.

That punch means he loves Martha so much that he can hurt me for her, he can even punch me or perhaps kill me for her. That only means he loves her damn much than me.

Blangkong tingin ang pinukol ko sa kanilang dalawa. Nakaupo pa rin sila sa harap ko habang hinihimas ni Dad ang likod ni Martha. Like a princess with her knight and shining armor! Pwe!

"Tumayo nga kayo d'yan! Nakakadiring tignan." Walang emosyong sabi ko.

Tinapunan ako ng masamang tingin ni Dad. Habang ubo pa rin ng ubo si Martha. "Ano bang problema mo Nazer!? Balak mo bang patayin ang Mommy mo!?"

An Angel Inlove With The Badboy (AAIWTB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon