KABANATA 39

26 4 0
                                    


Kabanata 39

Angela's POV

"Leia, may mali talaga sakin." Nangangambang sabi ko kay Leia.

Nasa cafeteria kami ngayon, tapos na kaming kumain kaya umiinom na lang ng shake habang hinihintay si Krizia na nag CR. Naiwan kami ni Leia kaya sinabi ko na sa kanya yung problema ko. Tatlo lang kami na sabay mag break at hindi namin kasama si Nazer dahil kay Krizia, parang nagiiwasan silang dalawa.

Nang malaman kasi nila na makakasama nila ang isa't isa, pareho silang umayaw. Sabi pa ni Nazer, magsolo na lang kaming dalawa gaya ng madalas naming gawin ngayon pero tinanggihan ko dahil sa kakaibang nararamdaman ko pag kasama ko siya. Wala na siyang nagawa nung tumanggi ako kaya hinayaan niya na kaming tatlo lang ang sabay. Nagpaiwan lang siya sa classroom at hindi na lang bumaba.

Sinabi ko kay Leia itong nararandaman ko, may sagot kasi siya sa lahat kaya alam kong matutulungan niya ako. Sakto naman na wala si Nazer at nagcr si Krizia dahil ayokong marinig nila ang pinaguusapan namin ni Leia.

Naguguluhan kasi ako sa pagbabago ng nararamdaman ko para kay Nazer. Nag iba ee. Para akong hindi na komportable pag nandyan siya, bumibilis ang tibok ng puso ko na parang gustong kumawala sa dibdib ko. Hindi ko na siya kayang matignan sa mga mata niya ng hindi yumuyuko. Tsaka hindi ako mapakali pag malapit siya.

Tulad kagabi na hindi ako nakatulog dahil sa ginawa niya. As in puyat ako. Magdamag lang akong nakatingin sa kanya at naguguluhan sa mga nangyayari sakin. Buong gabi ako naghanap ng sagot pero wala akong nakuha kaya nanghihingi na ako ngayon ng tulong kay Leia.

"Walang mali sayo. Natural lang yang nararamdaman mo. Normal lang yan." Mahinahon na paliwanag ni Leia habang umiinom ng shake. Samantalang ako ay di na mapakali at kinakabahan.

"Hindi normal to! Hindi ko na matagalan ang titig niya! Tsaka yung puso ko..."

"Angela, normal lang yang nararamdaman mo kay Nazer. It's natural because your liking him or maybe you already likes him."

"I like him? How that happen?"

"Yes. You like him because you feel uneasy when his around. Your heart pumps fast and hard. You can't look directly in his eyes without looking away. You always blush with his choice of words. You feel shy and your not comfortable with him near you. You like him."

"How did you know all that? I mean... That's what I'm feeling towards him!"

"Let's just say that I feel the same. Trust me. Much deeper."  Malungkot na sabi niya.

Feel the same? "You like him too? Pero bakit parang malungkot ka?"

"Kase hanggang doon na lang ako. One sided. May nagmamayari na sa puso niya. And I'm on my stage of moving on."

"May nagmamayari na ng puso niya?"

Yumuko siya at pinaglaruan ang straw ng shake niya. "Yeah.. May iba na siyang nagugustuhan. May mahal na siyang iba."

"Kung ganon ay mag mo-move on din ako?" Naangat niya ang tingin sakin ng sabihin ko yun.

"Oh no no, Angela. Hindi mo kailangang gawin yan."

"E sabi mo may nagmamayari na ng puso niya, may gusto na siyang iba. Dapat mag move on din ako."

"You don't have to do that. Ang dapat mong gawin ay sabihin yan kay Nazer. Aminin mo yang nararamdaman mo at siya na ang bahala sayo." Ngumiti siya sakin at muling uminom ng kanyang shake. Napainum rin ako bigla ng sakin dahil sa sinabi niya.

An Angel Inlove With The Badboy (AAIWTB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon