KABANATA 23

33 5 0
                                    

Kabanata 23

Angela POV

"Leia!" Agad akong bumaba ng kotse at hinarap si Leia. Nakatulog kasi ako at kumatok siya sa bintana kaya nagising ako. "Kanina ka pa?" Tanong ko pero di niya yon pinansin, hinatak niya lang ako sa may garden at naupo kami sa isa sa mga bench dun. Nagtataka ko siyang tinignan.

"Angela, can you do me a favor? Ah I mean, pwede mo ba akong tulungan?" Hindi ako nagsalita. Tumingin lang ako sa kanya. "Kailangan nating mapapayag si Nazer na pumasok sa school. Kung hindi, walang mangyayari sa future niya."

Nagtaka ako. Pumasok? School? "Hindi kita maintindihan."

Huminga siya ng malalim. "Ganito kasi yun, si Nazer may dapat siyang gawin pero hindi niya ginagawa. Ay hindi mas lalong gumulo." Tumigil siya saglit at nagisip. Ilang minuto siyang hindi nagsalita. Nakatingin naman ako sa kanya. "Ganito na lang. Bilang mamamayan ng bansa kailangan nating makapagaral, tulad ko--nagaaral ako. Pero si Nazer hindi niya ginagawa ang tungkulin na ito. Kaya kailangan mo akong tulungan na mapilit siya na seryosohin ang pagaaral."

"Bakit kailangan magaral? Anong silbi non?"

"Kailangan nating magaral para matuto. Tulad ng ginagawa ko sayo, tinuturuan kita para matuto. Ang pinagkaiba lang kami ay sa paaralan natututo samantalang sa bahay ka naman. Kapag lahat tayo ay nakapagaral, mababawasan ang crime rate o masasamang tao sa mundo."

Masasamang tao? Ang itim na ispirito! Ibig sabihin hindi nakapagaral ang mga taong may itim na ispirito?  "Ah. Ang ibigsabihin kailangan magaral ni Nazer para matuto siya at para hindi siya maging masamang tao?"

"Tumpak ka dyan. Ang problema lang, ayaw magaral ni Nazer."

"Kaya kailangan natin siyang pilitin?"

"Tama at tutulungan mo ako."

"Masaya ba don? Pwede ba akong sumama?"

"Magandang ideya yan! Makakapsok na si Nazer, maaari mo pang maalala ang mga bagay na nakalimutan mo. Tama! Okay! So ganito ang plano...."

-

"Nazer." Tawag ko kay Nazer. Nasa may pinto niya ako ngayon, Kanina pa ako kumakatok pero walang nagbubukas kaya ako na lang ang nagkusang nagbukas. Hindi agad ako pumasok dahil ang bigat ng paligid. Sobrang bigat na parang hindi ko kakayaning pumasok. Patay ang ilaw at sobrang dilim ng paligid. Halos wala na akong makita, ni isang ilaw ay walang bukas kaya hindi ko alam kung nandito ba si Nazer.

Balak ko kasing kausapin ngayon si Nazer. Gagawin ko ang unang plano namin Leia. sabi kasi niya, pilitin ko muna siya pero paghindi napilit may plan B daw siya. Umuwi na si Leia dahil gabi na. Tinuruan niya ako tungkol sa pagaaral, kung gaano ito kaimportante at kailangan daw ng lahat ng tao magaaral. Hindi naman ako tao pero gusto kong maranasan ang magaral, mukha kasing masaya.

Sinabi niya rin sakin kung anong mga ginagawa sa paaralan, ano ang mga kailangang dalhin at kung ano ang mga hindi dapat gawin at kailangan iwasan sa paaralan. Marami akong nalaman sa paaralan kaya mas lalo akong naging pursigido na mapapayag si Nazer.

Sana pumayag siyang sumama ako.

Isasara ko na sana ang pinto dahil mukhang wala naman siya sa loob pero may pumigil non. "Anong ginagawa mo dito?" Si Nazer ba ito? Di ko siya makita.

An Angel Inlove With The Badboy (AAIWTB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon