KABANATA 29

26 6 0
                                    

Kbanata 29

Angela POV

"Zyne?" Tawag ko habang kumakatok sa kwarto niya.

Nagising kasi ako sa biglaang pagsigaw niya kanina. Nakahiga ako sa mahabang sofa sa sala nung mga panahon na yun, habang si Leia ay nakaupo sa single sofa at umiiyak. Agad na umakyat si Nazer sa taas matapos marinig ang balita, kaya kay Leia ko na lang nalaman ang buong pangyayari.

Sabi ni Leia, past lunch time daw nung pumunta siya dito sa bahay. Isang oras din daw siyang naghintay samin at nung maisipan niyang umuwi na, biglang may pumuntang pulis at binalita ang masamang nangyari sa magasawa.

Natagpuan ang Daddy niya sa isang warehouse na wala ng buhay. Kinidnap daw ang dalawa pero hindi nakuha ang gusto kaya pinatay na lang ang Daddy ni Nazer. Samantalang si Martha naman ay nawawala sa ngayon, hinihinalang nasa kamay pa rin ito ng mga kidnappers.

Sabi rin sakin ni Leia na sa susunod na araw pa daw maiuuwi yung labi ng Daddy ni Nazer, malayong bansa daw kasi ito nanggaling kaya matatagalan. Gusto din daw makausap ng mga pulis si Nazer, bukas ng umaga tungkol sa imbistigasyon. Umuwi rin si Leia pagkatapos niyang sabihin sakin lahat. Binilinan din niya akong wag iiwan si Nazer at iyon ang gagawin ko.

"Okay lang ako. Matutulog na ako kaya matulog ka na rin." Sigaw niya pabalik mula sa loob.

Hindi ako nakikinig sa sinabi niya. Hindi kita iiwan ngayon Nazer, kailangan mo ng karamay.

"Zyne papasok ako ah." Ilang minuto pa ako naghintay bago dahan dahang buksan yung pinto. Hindi kasi siya nalolock ng kwarto niya.

Gaya pa rin ng dati, kadiliman ang bumungad sakin. May kaba man ay lakas loob akong pumasok at lumapit sa kama ni Nazer kung saan siya nakahiga. Hindi ko siya nakikita pero alam ko na nandoon siya.

Umupo siya at humarap sakin."Ang kulit mo! Sabing matulog ka na!"

Nagulat ako sa biglaang pagupo  niya pero di ako nagpatinag. "Matutulog nga! dito ako matutulog."

"Ano?! Hindi pwede! Lumabas ka! Pumasok ka na sa kwarto mo at matulog ka!" Pasigaw niyang sabi sakin.

Napasimangot na lang ako sa kasungitan niya pero di pa rin ako nagpatinag.

"Ayoko!" Mula sa kinatatayuan ko, tumalon ako sa kama niya at padapang humiga. "Dito ako matutulog!"

"Hoy ano ba! Lumabs ka na nga! Matutulog na ako! Hoy!" Sigaw niya at tinulak pa ako ng bahagya paalis ng kama. Hindi naman na ako sumagot at nagpanggap na humihilik. "Ang kulit!" Walang nagawa naman siyang humiga. Umayos ako ng higa nung nakahiga na siya.

Ilang minuto kaming natahimik. Walang nagsalita samin. Pareho lang kaming nakadilat at nakatingin sa kisame ng kwarto niya.

Gusto ko siyang yakapin pero natatakot ako na baka itulak niya lang ako. Ayaw niya ng karamay ngayon pero kailangan niya kaya ako nandito. Di ako aalis kahit ayaw niya.

"Alam kong nagaalala ka, pero okay lang ako really." Basag niya sa katahimikan. Nilingon ko siya, binabasa ang mga reaksyon niya. Nakatingin pa rin siya sa kisame. "Hindi ko rin naman maramdaman ang presensya niya nung nabubuhay siya, kaya walang magbabgo ngayong wala na siya."

Humaral ako bigla sa kanya dahil sa sinabi niya. Nagulat siya sa biglaang paggalaw ko kaya napatingin siya sa gawi ko. "Wag kang magsalita ng ganyan! Daddy mo yun! Magulang mo! Malaki ang magbabago sa buhay mo!"

An Angel Inlove With The Badboy (AAIWTB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon